< マタイの福音書 7 >

1 人をさばくな。自分がさばかれないためである。
Huwag kayong humatol, at kayo ay hindi hahatulan.
2 あなたがたがさばくそのさばきで、自分もさばかれ、あなたがたの量るそのはかりで、自分にも量り与えられるであろう。
Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
3 なぜ、兄弟の目にあるちりを見ながら、自分の目にある梁を認めないのか。
At bakit mo tinitingnan ang maliit na pirasong dayami na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo napapansin ang troso na nasa sarili mong mata?
4 自分の目には梁があるのに、どうして兄弟にむかって、あなたの目からちりを取らせてください、と言えようか。
Paano mo sasabihin sa iyong kapatid, 'Hayaan mo akong alisin ang pirasong dayami na nasa iyong mata,' habang ang troso ay nasa iyong mata?
5 偽善者よ、まず自分の目から梁を取りのけるがよい。そうすれば、はっきり見えるようになって、兄弟の目からちりを取りのけることができるだろう。
Mapagpanggap ka! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at pagkatapos ay malinaw kang makakakita upang alisin ang piraso ng dayami na nasa mata ng iyong kapatid.
6 聖なるものを犬にやるな。また真珠を豚に投げてやるな。恐らく彼らはそれらを足で踏みつけ、向きなおってあなたがたにかみついてくるであろう。
Huwag ninyong ibigay ang anumang banal sa mga aso, at huwag ninyong ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng mga baboy. Kung hindi, ito ay tatapak-tapakan lang nila, at kayo ay babalingan at pagpipira-pirasuhin.
7 求めよ、そうすれば、与えられるであろう。捜せ、そうすれば、見いだすであろう。門をたたけ、そうすれば、あけてもらえるであろう。
Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo.
8 すべて求める者は得、捜す者は見いだし、門をたたく者はあけてもらえるからである。
Sapagkat ang lahat na humihingi, ay makatatanggap. At ang lahat na maghahanap, ay makakatagpo. At sa kanila na kumakatok, ito ay mabubuksan.
9 あなたがたのうちで、自分の子がパンを求めるのに、石を与える者があろうか。
O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato?
10 魚を求めるのに、へびを与える者があろうか。
O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
11 このように、あなたがたは悪い者であっても、自分の子供には、良い贈り物をすることを知っているとすれば、天にいますあなたがたの父はなおさら、求めてくる者に良いものを下さらないことがあろうか。
Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya?
12 だから、何事でも人々からしてほしいと望むことは、人々にもそのとおりにせよ。これが律法であり預言者である。
Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.
13 狭い門からはいれ。滅びにいたる門は大きく、その道は広い。そして、そこからはいって行く者が多い。
Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan. Sapagkat malawak ang tarangkahan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at maraming tao ang dumaraan doon.
14 命にいたる門は狭く、その道は細い。そして、それを見いだす者が少ない。
Subalit makitid ang tarangkahan at makitid ang daan na patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakahanap nito.
15 にせ預言者を警戒せよ。彼らは、羊の衣を着てあなたがたのところに来るが、その内側は強欲なおおかみである。
Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo.
16 あなたがたは、その実によって彼らを見わけるであろう。茨からぶどうを、あざみからいちじくを集める者があろうか。
Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga sila ay inyong makikilala. Makapipitas ba ang tao ng mga ubas mula sa puno ng dawag, o ng mga igos sa mga matitinik na halaman?
17 そのように、すべて良い木は良い実を結び、悪い木は悪い実を結ぶ。
Sa gayon ding paraan, ang lahat ng puno na namumunga ng mabuti ay mabuti, ngunit ang masamang puno ay namumunga ng masamang bunga.
18 良い木が悪い実をならせることはないし、悪い木が良い実をならせることはできない。
Ang mabuting puno ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, hindi rin magbubunga ng mabuti ang masamang puno.
19 良い実を結ばない木はことごとく切られて、火の中に投げ込まれる。
Bawat puno na hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.
20 このように、あなたがたはその実によって彼らを見わけるのである。
Sa gayon, makikilala ninyo sila sa pamamagitan nang kanilang mga bunga.
21 わたしにむかって『主よ、主よ』と言う者が、みな天国にはいるのではなく、ただ、天にいますわが父の御旨を行う者だけが、はいるのである。
Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
22 その日には、多くの者が、わたしにむかって『主よ、主よ、わたしたちはあなたの名によって預言したではありませんか。また、あなたの名によって悪霊を追い出し、あなたの名によって多くの力あるわざを行ったではありませんか』と言うであろう。
Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?'
23 そのとき、わたしは彼らにはっきり、こう言おう、『あなたがたを全く知らない。不法を働く者どもよ、行ってしまえ』。
At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'
24 それで、わたしのこれらの言葉を聞いて行うものを、岩の上に自分の家を建てた賢い人に比べることができよう。
Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato.
25 雨が降り、洪水が押し寄せ、風が吹いてその家に打ちつけても、倒れることはない。岩を土台としているからである。
Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato.
26 また、わたしのこれらの言葉を聞いても行わない者を、砂の上に自分の家を建てた愚かな人に比べることができよう。
Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan.
27 雨が降り、洪水が押し寄せ、風が吹いてその家に打ちつけると、倒れてしまう。そしてその倒れ方はひどいのである」。
Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan.”
28 イエスがこれらの言を語り終えられると、群衆はその教にひどく驚いた。
At pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, namangha ang maraming tao sa kaniyang pagtuturo,
29 それは律法学者たちのようにではなく、権威ある者のように、教えられたからである。
sapagkat nagturo siya sa kanila tulad ng isang may kapangyarihan, at hindi kagaya ng kanilang mga eskriba.

< マタイの福音書 7 >