< マタイの福音書 21 >

1 さて、彼らがエルサレムに近づき、オリブ山沿いのベテパゲに着いたとき、イエスはふたりの弟子をつかわして言われた、
Habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay papalapit na sa Jerusalem at dumating sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad
2 「向こうの村へ行きなさい。するとすぐ、ろばがつながれていて、子ろばがそばにいるのを見るであろう。それを解いてわたしのところに引いてきなさい。
na nagsasabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makakakita kaagad kayo ng nakataling asno at may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin sa akin.
3 もしだれかが、あなたがたに何か言ったなら、主がお入り用なのです、と言いなさい。そう言えば、すぐ渡してくれるであろう」。
Kung may magsabi sa inyo ng kahit na ano sa inyo tungkol dito sabihin ninyo, 'Kailangan sila ng Panginoon,' at kaagad-agad ipapadala ng taong iyon ang mga iyon sa inyo.
4 こうしたのは、預言者によって言われたことが、成就するためである。
Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya,
5 すなわち、「シオンの娘に告げよ、見よ、あなたの王がおいでになる、柔和なおかたで、ろばに乗って、くびきを負うろばの子に乗って」。
“Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno.
6 弟子たちは出て行って、イエスがお命じになったとおりにし、
At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus.
7 ろばと子ろばとを引いてきた。そしてその上に自分たちの上着をかけると、イエスはそれにお乗りになった。
Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus.
8 群衆のうち多くの者は自分たちの上着を道に敷き、また、ほかの者たちは木の枝を切ってきて道に敷いた。
Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan.
9 そして群衆は、前に行く者も、あとに従う者も、共に叫びつづけた、「ダビデの子に、ホサナ。主の御名によってきたる者に、祝福あれ。いと高き所に、ホサナ」。
Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!”
10 イエスがエルサレムにはいって行かれたとき、町中がこぞって騒ぎ立ち、「これは、いったい、どなただろう」と言った。
Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, “Sino ba ito?”
11 そこで群衆は、「この人はガリラヤのナザレから出た預言者イエスである」と言った。
Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”
12 それから、イエスは宮にはいられた。そして、宮の庭で売り買いしていた人々をみな追い出し、また両替人の台や、はとを売る者の腰掛をくつがえされた。
Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati.
13 そして彼らに言われた、「『わたしの家は、祈の家ととなえらるべきである』と書いてある。それだのに、あなたがたはそれを強盗の巣にしている」。
Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
14 そのとき宮の庭で、盲人や足なえがみもとにきたので、彼らをおいやしになった。
At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
15 しかし、祭司長、律法学者たちは、イエスがなされた不思議なわざを見、また宮の庭で「ダビデの子に、ホサナ」と叫んでいる子供たちを見て立腹し、
Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, “Hosana sa anak ni David,” sila ay lubhang nagalit.
16 イエスに言った、「あの子たちが何を言っているのか、お聞きですか」。イエスは彼らに言われた、「そうだ、聞いている。あなたがたは『幼な子、乳のみ子たちの口にさんびを備えられた』とあるのを読んだことがないのか」。
Sinabi nila sa kaniya, “Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?”
17 それから、イエスは彼らをあとに残し、都を出てベタニヤに行き、そこで夜を過ごされた。
At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
18 朝はやく都に帰るとき、イエスは空腹をおぼえられた。
Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya.
19 そして、道のかたわらに一本のいちじくの木があるのを見て、そこに行かれたが、ただ葉のほかは何も見当らなかった。そこでその木にむかって、「今から後いつまでも、おまえには実がならないように」と言われた。すると、いちじくの木はたちまち枯れた。 (aiōn g165)
Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo. (aiōn g165)
20 弟子たちはこれを見て、驚いて言った、「いちじくがどうして、こうすぐに枯れたのでしょう」。
At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, “Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?”
21 イエスは答えて言われた、「よく聞いておくがよい。もしあなたがたが信じて疑わないならば、このいちじくにあったようなことが、できるばかりでなく、この山にむかって、動き出して海の中にはいれと言っても、そのとおりになるであろう。
Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap.
22 また、祈のとき、信じて求めるものは、みな与えられるであろう」。
Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo.”
23 イエスが宮にはいられたとき、祭司長たちや民の長老たちが、その教えておられる所にきて言った、「何の権威によって、これらの事をするのですか。だれが、そうする権威を授けたのですか」。
Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, “Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?”
24 そこでイエスは彼らに言われた、「わたしも一つだけ尋ねよう。あなたがたがそれに答えてくれたなら、わたしも、何の権威によってこれらの事をするのか、あなたがたに言おう。
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasagutin ko rin kayo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
25 ヨハネのバプテスマはどこからきたのであったか。天からであったか、人からであったか」。すると、彼らは互に論じて言った、「もし天からだと言えば、では、なぜ彼を信じなかったのか、とイエスは言うだろう。
Ang bautismo ni Juan—saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?” Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, “Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?'
26 しかし、もし人からだと言えば、群衆が恐ろしい。人々がみなヨハネを預言者と思っているのだから」。
Kung sasabihin natin na, 'Galing sa tao,' natatakot tayo sa mga tao, sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang propeta.”
27 そこで彼らは、「わたしたちにはわかりません」と答えた。すると、イエスが言われた、「わたしも何の権威によってこれらの事をするのか、あなたがたに言うまい。
Sumagot sila kay Jesus at nagsabi, “Hindi namin alam.” Sinabi rin niya sa kanila, 'Kung gayon hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
28 あなたがたはどう思うか。ある人にふたりの子があったが、兄のところに行って言った、『子よ、きょう、ぶどう園へ行って働いてくれ』。
Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,'
29 すると彼は『おとうさん、参ります』と答えたが、行かなかった。
Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya.
30 また弟のところにきて同じように言った。彼は『いやです』と答えたが、あとから心を変えて、出かけた。
At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
31 このふたりのうち、どちらが父の望みどおりにしたのか」。彼らは言った、「あとの者です」。イエスは言われた、「よく聞きなさい。取税人や遊女は、あなたがたより先に神の国にはいる。
Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo.
32 というのは、ヨハネがあなたがたのところにきて、義の道を説いたのに、あなたがたは彼を信じなかった。ところが、取税人や遊女は彼を信じた。あなたがたはそれを見たのに、あとになっても、心をいれ変えて彼を信じようとしなかった。
Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
33 もう一つの譬を聞きなさい。ある所に、ひとりの家の主人がいたが、ぶどう園を造り、かきをめぐらし、その中に酒ぶねの穴を掘り、やぐらを立て、それを農夫たちに貸して、旅に出かけた。
Pakinggan ang isa pang talinghaga. May isang tao na nagmamay-ari ng napakalawak na lupain. Nagtanim ng mga ubas at binakuran niya ito, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore ng bantay, at pinaupahan ito sa mga tagapag-alaga ng ubasan. At siya ay nagtungo sa ibang bayan.
34 収穫の季節がきたので、その分け前を受け取ろうとして、僕たちを農夫のところへ送った。
Nang ang panahon ng pag-aani ng ubasan ay papalapit na, nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga utusan sa mga tagapag-alaga ng ubasan upang kunin ang kaniyang mga ubas.
35 すると、農夫たちは、その僕たちをつかまえて、ひとりを袋だたきにし、ひとりを殺し、もうひとりを石で打ち殺した。
Subalit sinunggaban ng mga tagapag-alaga ng ubasan ang kaniyang mga utusan, pinalo ang isa, pinatay ang iba, at binato rin ang iba.
36 また別に、前よりも多くの僕たちを送ったが、彼らをも同じようにあしらった。
Minsan pa, ang may ari ay nagpadala ng iba pang mga utusan, mas marami pa sa nauna, subalit ganoon din ang ginawa sa kanila ng mga tagapag-alaga ng ubasan.
37 しかし、最後に、わたしの子は敬ってくれるだろうと思って、主人はその子を彼らの所につかわした。
Pagkatapos noon, pinadala ng may-ari ang kaniyang sariling anak sa kanila, na nagsabi, ''Igagalang nila ang aking anak.'
38 すると農夫たちは、その子を見て互に言った、『あれはあと取りだ。さあ、これを殺して、その財産を手に入れよう』。
At nang makita ng mga tagapag-alaga ng ubas ang anak, sinabi nila sa kanilang mga sarili, “Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at angkinin natin ang mana.'
39 そして彼をつかまえて、ぶどう園の外に引き出して殺した。
Kaya kinuha nila siya at itinapon palabas ng ubasan, at pinatay siya.
40 このぶどう園の主人が帰ってきたら、この農夫たちをどうするだろうか」。
Ngayon, kung darating ang may ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga tagapag-alaga ng ubasan?”
41 彼らはイエスに言った、「悪人どもを、皆殺しにして、季節ごとに収穫を納めるほかの農夫たちに、そのぶどう園を貸し与えるでしょう」。
Sinabi nila sa kaniya, “Pupuksain niya sila na tampalasan na mga tao sa mabagsik na pamamaraan at ang ubasan ay pauupahan sa ibang tagapagpangalaga ng ubasan, sa mga taong magbabayad kapag ang ubas ay mahinog na.”
42 イエスは彼らに言われた、「あなたがたは、聖書でまだ読んだことがないのか、『家造りらの捨てた石が隅のかしら石になった。これは主がなされたことで、わたしたちの目には不思議に見える』。
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, 'Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.'
43 それだから、あなたがたに言うが、神の国はあなたがたから取り上げられて、御国にふさわしい実を結ぶような異邦人に与えられるであろう。
Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.
44 またその石の上に落ちる者は打ち砕かれ、それがだれかの上に落ちかかるなら、その人はこなみじんにされるであろう」。
Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”
45 祭司長たちやパリサイ人たちがこの譬を聞いたとき、自分たちのことをさして言っておられることを悟ったので、
Nang napakinggan ng mga punong pari at mga Pariseo ang kaniyang mga talinghaga, nakita nila na ang kaniyang sinasabi ay patungkol sa kanila.
46 イエスを捕えようとしたが、群衆を恐れた。群衆はイエスを預言者だと思っていたからである。
Subalit sa tuwing naisin nilang dakpin siya, natatakot sila sa mga tao sapagkat tinuturing siya ng mga tao na isang propeta.

< マタイの福音書 21 >