< マタイの福音書 19 >

1 イエスはこれらのことを語り終えられてから、ガリラヤを去ってヨルダンの向こうのユダヤの地方へ行かれた。
Nangyari, nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, umalis siya mula sa Galilea at nakarating sa hangganan ng Judea lampas pa ng Ilog Jordan.
2 すると大ぜいの群衆がついてきたので、彼らをそこでおいやしになった。
Napakaraming tao ang sumunod sa kaniya at sila ay pinagaling niya roon.
3 さてパリサイ人たちが近づいてきて、イエスを試みようとして言った、「何かの理由で、夫がその妻を出すのは、さしつかえないでしょうか」。
Pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya na nagsasabi, “Pinahihintulutan ba sa batas na hihiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa anumang kadahilanan?”
4 イエスは答えて言われた、「あなたがたはまだ読んだことがないのか。『創造者は初めから人を男と女とに造られ、
Si Jesus ay sumagot at nagsabi, “Hindi ba ninyo nabasa, na ang gumawa sa kanila sa simula pa lamang ay ginawa silang lalaki at babae?
5 そして言われた、それゆえに、人は父母を離れ、その妻と結ばれ、ふたりの者は一体となるべきである』。
At sinabi rin niyang, 'Sa ganitong dahilan iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makiisa sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging iisang laman?'
6 彼らはもはや、ふたりではなく一体である。だから、神が合わせられたものを、人は離してはならない」。
Kaya nga sila ay hindi na dalawa, kundi iisang laman. Samakatwid ang ano mang pinagsama ng Diyos ay walang sinumang makapaghihiwalay.”
7 彼らはイエスに言った、「それでは、なぜモーセは、妻を出す場合には離縁状を渡せ、と定めたのですか」。
Sinabi nila sa kaniya, “Bakit noon ay inutusan tayo ni Moises na gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at paalisin na siya?”
8 イエスが言われた、「モーセはあなたがたの心が、かたくななので、妻を出すことを許したのだが、初めからそうではなかった。
Sinabi niya sa kanila, “Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong mga asawa, subalit mula sa simula hindi gayon.
9 そこでわたしはあなたがたに言う。不品行のゆえでなくて、自分の妻を出して他の女をめとる者は、姦淫を行うのである」。
Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang makikipaghiwalay sa kaniyang asawa, maliban sa sekwal na imoralidad, at mag-aasawa ng iba, ay nangangalunya. At ang lalaki na magpapakasal sa hiniwalayan na babae ay nakagawa ng pangangalunya.”
10 弟子たちは言った、「もし妻に対する夫の立場がそうだとすれば、結婚しない方がましです」。
Sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Kung ganyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, mabuti pang hindi na mag-aasawa.”
11 するとイエスは彼らに言われた、「その言葉を受けいれることができるのはすべての人ではなく、ただそれを授けられている人々だけである。
Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi lahat ay tatanggap sa aral na ito, kundi sila lamang na pinahihintulutan na tanggapin ito.
12 というのは、母の胎内から独身者に生れついているものがあり、また他から独身者にされたものもあり、また天国のために、みずから進んで独身者となったものもある。この言葉を受けられる者は、受けいれるがよい」。
Sapagkat mayroong mga eunuko na ipinanganak sa sinapupunan ng kanilang ina. At may mga eunoko na ginawang eunuko ng mga tao. At may mga eunuko na ginawa nilang mga eunuko ang kanilang sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Siya na kayang tumanggap sa aral na ito, tanggapin niya ito.
13 そのとき、イエスに手をおいて祈っていただくために、人々が幼な子らをみもとに連れてきた。ところが、弟子たちは彼らをたしなめた。
May maliliit na mga bata na dinala sa kaniya upang patungan ng kaniyang mga kamay at ipanalangin sila, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad.
14 するとイエスは言われた、「幼な子らをそのままにしておきなさい。わたしのところに来るのをとめてはならない。天国はこのような者の国である」。
Ngunit sinabi ni Jesus, “Hayaan ang maliliit na mga bata, at huwag silang pagbawalan na pumunta sa akin, sapagkat ang kaharian ng langit ay para sa mga ganito.”
15 そして手を彼らの上においてから、そこを去って行かれた。
At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at pagkatapos umalis mula roon.
16 すると、ひとりの人がイエスに近寄ってきて言った、「先生、永遠の生命を得るためには、どんなよいことをしたらいいでしょうか」。 (aiōnios g166)
Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
17 イエスは言われた、「なぜよい事についてわたしに尋ねるのか。よいかたはただひとりだけである。もし命に入りたいと思うなら、いましめを守りなさい」。
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan.”
18 彼は言った、「どのいましめですか」。イエスは言われた、「『殺すな、姦淫するな、盗むな、偽証を立てるな。
At sinabi ng lalaki sa kaniya, “Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, “Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi,
19 父と母とを敬え』。また『自分を愛するように、あなたの隣り人を愛せよ』」。
igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili.
20 この青年はイエスに言った、「それはみな守ってきました。ほかに何が足りないのでしょう」。
At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko?
21 イエスは彼に言われた、「もしあなたが完全になりたいと思うなら、帰ってあなたの持ち物を売り払い、貧しい人々に施しなさい。そうすれば、天に宝を持つようになろう。そして、わたしに従ってきなさい」。
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”
22 この言葉を聞いて、青年は悲しみながら立ち去った。たくさんの資産を持っていたからである。
Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian.
23 それからイエスは弟子たちに言われた、「よく聞きなさい。富んでいる者が天国にはいるのは、むずかしいものである。
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mahirap makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng langit.
24 また、あなたがたに言うが、富んでいる者が神の国にはいるよりは、らくだが針の穴を通る方が、もっとやさしい」。
Muling sinasabi ko sa inyo, madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.”
25 弟子たちはこれを聞いて非常に驚いて言った、「では、だれが救われることができるのだろう」。
Nang mapakinggan ito ng mga alagad, sila ay namangha at sinabi, “Sino kung gayon ang maaaring maligtas?”
26 イエスは彼らを見つめて言われた、「人にはそれはできないが、神にはなんでもできない事はない」。
Tumingin sa kanila si Jesus at sinabi, “Sa mga tao ito ay imposible ngunit sa Diyos, lahat ay posible.”
27 そのとき、ペテロがイエスに答えて言った、「ごらんなさい、わたしたちはいっさいを捨てて、あなたに従いました。ついては、何がいただけるでしょうか」。
Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?”
28 イエスは彼らに言われた、「よく聞いておくがよい。世が改まって、人の子がその栄光の座につく時には、わたしに従ってきたあなたがたもまた、十二の位に座してイスラエルの十二の部族をさばくであろう。
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel.”
29 おおよそ、わたしの名のために、家、兄弟、姉妹、父、母、子、もしくは畑を捨てた者は、その幾倍もを受け、また永遠の生命を受けつぐであろう。 (aiōnios g166)
Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
30 しかし、多くの先の者はあとになり、あとの者は先になるであろう。
Subalit marami ang nauna ngayon na mahuhuli at marami sa mga nahuhuli ay mauuna.

< マタイの福音書 19 >