< マタイの福音書 17 >

1 六日ののち、イエスはペテロ、ヤコブ、ヤコブの兄弟ヨハネだけを連れて、高い山に登られた。
Makalipas ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at sila ay dinala niya sa isang mataas na bundok nang sila lang.
2 ところが、彼らの目の前でイエスの姿が変り、その顔は日のように輝き、その衣は光のように白くなった。
Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
3 すると、見よ、モーセとエリヤが彼らに現れて、イエスと語り合っていた。
Masdan ito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.
4 ペテロはイエスにむかって言った、「主よ、わたしたちがここにいるのは、すばらしいことです。もし、おさしつかえなければ、わたしはここに小屋を三つ建てましょう。一つはあなたのために、一つはモーセのために、一つはエリヤのために」。
Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias.”
5 彼がまだ話し終えないうちに、たちまち、輝く雲が彼らをおおい、そして雲の中から声がした、「これはわたしの愛する子、わたしの心にかなう者である。これに聞け」。
Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.”
6 弟子たちはこれを聞いて非常に恐れ、顔を地に伏せた。
Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot.
7 イエスは近づいてきて、手を彼らにおいて言われた、「起きなさい、恐れることはない」。
Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, “Tumayo kayo at huwag kayong matakot.”
8 彼らが目をあげると、イエスのほかには、だれも見えなかった。
At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.
9 一同が山を下って来るとき、イエスは「人の子が死人の中からよみがえるまでは、いま見たことをだれにも話してはならない」と、彼らに命じられた。
Nang pababa na sila sa bundok, inutos ni Jesus sa kanila, na nagsasabi, “Huwag ninyong ipagsabi sa sinuman ang pangitaing ito hanggang ang Anak ng Tao ay muling ibangon mula sa mga patay.”
10 弟子たちはイエスにお尋ねして言った、「いったい、律法学者たちは、なぜ、エリヤが先に来るはずだと言っているのですか」。
Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan daw munang dumating si Elias?”
11 答えて言われた、「確かに、エリヤがきて、万事を元どおりに改めるであろう。
Sumagot si Jesus at sinabi, “Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay.
12 しかし、あなたがたに言っておく。エリヤはすでにきたのだ。しかし人々は彼を認めず、自分かってに彼をあしらった。人の子もまた、そのように彼らから苦しみを受けることになろう」。
Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay.”
13 そのとき、弟子たちは、イエスがバプテスマのヨハネのことを言われたのだと悟った。
At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
14 さて彼らが群衆のところに帰ると、ひとりの人がイエスに近寄ってきて、ひざまずいて、言った、
Pagbalik nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit ang isang tao at lumuhod sa kaniyang harapan, at sinabi,
15 「主よ、わたしの子をあわれんでください。てんかんで苦しんでおります。何度も何度も火の中や水の中に倒れるのです。
“Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig.
16 それで、その子をお弟子たちのところに連れてきましたが、なおしていただけませんでした」。
Dinala ko siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila siya mapagaling.
17 イエスは答えて言われた、「ああ、なんという不信仰な、曲った時代であろう。いつまで、わたしはあなたがたと一緒におられようか。いつまであなたがたに我慢ができようか。その子をここに、わたしのところに連れてきなさい」。
Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.”
18 イエスがおしかりになると、悪霊はその子から出て行った。そして子はその時いやされた。
Sinaway siya ni Jesus at umalis ang demonyo sa kaniya. Gumaling ang bata sa oras ding iyon.
19 それから、弟子たちがひそかにイエスのもとにきて言った、「わたしたちは、どうして霊を追い出せなかったのですか」。
Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Bakit hindi namin ito mapalayas?”
20 するとイエスは言われた、「あなたがたの信仰が足りないからである。よく言い聞かせておくが、もし、からし種一粒ほどの信仰があるなら、この山にむかって『ここからあそこに移れ』と言えば、移るであろう。このように、あなたがたにできない事は、何もないであろう。〔
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.
21 しかし、このたぐいは、祈と断食とによらなければ、追い出すことはできない〕」。
(Ngunit hindi mapapalayas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa panalangin at pag-aayuno.)
22 彼らがガリラヤで集まっていた時、イエスは言われた、「人の子は人々の手にわたされ、
Habang sila ay nanatili sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao.
23 彼らに殺され、そして三日目によみがえるであろう」。弟子たちは非常に心をいためた。
At siya ay papatayin nila, at mabubuhay siya sa ikatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng kaniyang mga alagad.
24 彼らがカペナウムにきたとき、宮の納入金を集める人たちがペテロのところにきて言った、「あなたがたの先生は宮の納入金を納めないのか」。
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, “Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?”
25 ペテロは「納めておられます」と言った。そして彼が家にはいると、イエスから先に話しかけて言われた、「シモン、あなたはどう思うか。この世の王たちは税や貢をだれから取るのか。自分の子からか、それとも、ほかの人たちからか」。
Sinabi niya, “Oo.” Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, “Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?”
26 ペテロが「ほかの人たちからです」と答えると、イエスは言われた、「それでは、子は納めなくてもよいわけである。
Nang sinabi ni Pedro, “Sa mga dayuhan,” sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad.
27 しかし、彼らをつまずかせないために、海に行って、つり針をたれなさい。そして最初につれた魚をとって、その口をあけると、銀貨一枚が見つかるであろう。それをとり出して、わたしとあなたのために納めなさい」。
Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.”

< マタイの福音書 17 >