< ルカの福音書 7 >

1 イエスはこれらの言葉をことごとく人々に聞かせてしまったのち、カペナウムに帰ってこられた。
Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.
2 ところが、ある百卒長の頼みにしていた僕が、病気になって死にかかっていた。
Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.
3 この百卒長はイエスのことを聞いて、ユダヤ人の長老たちをイエスのところにつかわし、自分の僕を助けにきてくださるようにと、お願いした。
Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin.
4 彼らはイエスのところにきて、熱心に願って言った、「あの人はそうしていただくねうちがございます。
Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, “Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya,
5 わたしたちの国民を愛し、わたしたちのために会堂を建ててくれたのです」。
dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin.”
6 そこで、イエスは彼らと連れだってお出かけになった。ところが、その家からほど遠くないあたりまでこられたとき、百卒長は友だちを送ってイエスに言わせた、「主よ、どうぞ、ご足労くださいませんように。わたしの屋根の下にあなたをお入れする資格は、わたしにはございません。
Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, “Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan.
7 それですから、自分でお迎えにあがるねうちさえないと思っていたのです。ただ、お言葉を下さい。そして、わたしの僕をなおしてください。
Sa dahilang ito, hindi ko rin inisip na karapat-dapat ako na humarap man lamang sa iyo, magbigay lang kayo ng salita at gagaling na ang aking alipin.
8 わたしも権威の下に服している者ですが、わたしの下にも兵卒がいまして、ひとりの者に『行け』と言えば行き、ほかの者に『こい』と言えばきますし、また、僕に『これをせよ』と言えば、してくれるのです」。
Sapagkat ako rin ay isang tao na itinalaga sa ilalim ng isang may kapangyarihan at may mga kawal sa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka,' pupunta siya roon, at sa isa naman, 'Halika,' at lumalapit siya, at sa aking alipin, 'Gawin mo ito,' ginagawa niya ito.''
9 イエスはこれを聞いて非常に感心され、ついてきた群衆の方に振り向いて言われた、「あなたがたに言っておくが、これほどの信仰は、イスラエルの中でも見たことがない」。
Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha sa kaniya, at habang humarap sa mga maraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel.”
10 使にきた者たちが家に帰ってみると、僕は元気になっていた。
Pagkatapos, bumalik sa bahay ang mga isinugo at natagpuang magaling na ang alipin.
11 そののち、間もなく、ナインという町へおいでになったが、弟子たちや大ぜいの群衆も一緒に行った。
Ilang panahon pagkatapos nito, nangyari na si Jesus ay naglakbay sa lungsod na tinatawag na Nain. Ang kaniyang mga alagad ay sumama sa kaniya kasama ang maraming mga tao.
12 町の門に近づかれると、ちょうど、あるやもめにとってひとりむすこであった者が死んだので、葬りに出すところであった。大ぜいの町の人たちが、その母につきそっていた。
Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
13 主はこの婦人を見て深い同情を寄せられ、「泣かないでいなさい」と言われた。
Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang umiyak.”
14 そして近寄って棺に手をかけられると、かついでいる者たちが立ち止まったので、「若者よ、さあ、起きなさい」と言われた。
Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
15 すると、死人が起き上がって物を言い出した。イエスは彼をその母にお渡しになった。
Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
16 人々はみな恐れをいだき、「大預言者がわたしたちの間に現れた」、また、「神はその民を顧みてくださった」と言って、神をほめたたえた。
At silang lahat ay nadaig ng takot. Nagpatuloy silang nagpuri sa Diyos, na nagsasabi, “Isang dakilang propeta ang nakasama natin” at “Tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao.”
17 イエスについてのこの話は、ユダヤ全土およびその附近のいたる所にひろまった。
Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
18 ヨハネの弟子たちは、これらのことを全部彼に報告した。するとヨハネは弟子の中からふたりの者を呼んで、
Sinabi kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng mga bagay na ito.
19 主のもとに送り、「『きたるべきかた』はあなたなのですか。それとも、ほかにだれかを待つべきでしょうか」と尋ねさせた。
Pagkatapos ay tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sila ay pinapunta sa Panginoon upang sabihin, “Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pa bang iba na aming hahanapin?”
20 そこで、この人たちがイエスのもとにきて言った、「わたしたちはバプテスマのヨハネからの使ですが、『きたるべきかた』はあなたなのですか、それとも、ほかにだれかを待つべきでしょうか、とヨハネが尋ねています」。
Nang malapit na sila kay Jesus, sinabi ng mga lalaki, “Kami ay ipinadala ni Juan na Tagapag-bautismo sa iyo upang sabihin, 'Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pang ibang tao na aming hahanapin?”'
21 そのとき、イエスはさまざまの病苦と悪霊とに悩む人々をいやし、また多くの盲人を見えるようにしておられたが、
Sa oras na iyon siya ay nagpagaling ng maraming tao mula sa pagkakasakit at mga paghihirap at mula sa mga masamang espiritu, at maraming mga bulag ang kaniyang binigyan ng paningin.
22 答えて言われた、「行って、あなたがたが見聞きしたことを、ヨハネに報告しなさい。盲人は見え、足なえは歩き、らい病人はきよまり、耳しいは聞え、死人は生きかえり、貧しい人々は福音を聞かされている。
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap.
23 わたしにつまずかない者は、さいわいである」。
Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
24 ヨハネの使が行ってしまうと、イエスはヨハネのことを群衆に語りはじめられた、「あなたがたは、何を見に荒野に出てきたのか。風に揺らぐ葦であるか。
Pagkatapos nang umalis ang mga tagapagbalita ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa maraming tao tungkol kay Juan, “Ano ang ipinunta ninyo sa disyerto upang makita, isang tambo na inaalog ng hangin?
25 では、何を見に出てきたのか。柔らかい着物をまとった人か。きらびやかに着かざって、ぜいたくに暮している人々なら、宮殿にいる。
Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang taong nakadamit ng marilag na kasuotan? Tingnan ninyo, ang mga taong nagsusuot ng marilag na damit at namumuhay sa karangyaan ay nakatira sa palasyo ng mga hari.
26 では、何を見に出てきたのか。預言者か。そうだ、あなたがたに言うが、預言者以上の者である。
Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
27 『見よ、わたしは使をあなたの先につかわし、あなたの前に、道を整えさせるであろう』と書いてあるのは、この人のことである。
Siya ang tinutukoy sa nasusulat, 'Tingnan mo, aking ipinapadala ang aking mensahero na mauuna sa iyo, na siyang maghahanda sa iyong daraanan bago ka dumating.'
28 あなたがたに言っておく。女の産んだ者の中で、ヨハネより大きい人物はいない。しかし、神の国で最も小さい者も、彼よりは大きい。
Sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae, walang mas hihigit kay Juan, ngunit ang pinakamababang tao sa kaharian ng Diyos ay mas higit pa sa kaniya.”
29 (これを聞いた民衆は皆、また取税人たちも、ヨハネのバプテスマを受けて神の正しいことを認めた。
Nang marinig ito ng lahat ng tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis, ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid. Sila ay kabilang sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan.
30 しかし、パリサイ人と律法学者たちとは彼からバプテスマを受けないで、自分たちに対する神のみこころを無にした。)
Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusan ng mga Judio, na hindi niya nabautismuhan, ay tinanggihan ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
31 だから今の時代の人々を何に比べようか。彼らは何に似ているか。
“Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila?
32 それは子供たちが広場にすわって、互に呼びかけ、『わたしたちが笛を吹いたのに、あなたたちは踊ってくれなかった。弔いの歌を歌ったのに、泣いてくれなかった』と言うのに似ている。
Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.'
33 なぜなら、バプテスマのヨハネがきて、パンを食べることも、ぶどう酒を飲むこともしないと、あなたがたは、あれは悪霊につかれているのだ、と言い、
Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
34 また人の子がきて食べたり飲んだりしていると、見よ、あれは食をむさぼる者、大酒を飲む者、また取税人、罪人の仲間だ、と言う。
Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!'
35 しかし、知恵の正しいことは、そのすべての子が証明する」。
Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
36 あるパリサイ人がイエスに、食事を共にしたいと申し出たので、そのパリサイ人の家にはいって食卓に着かれた。
Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
37 するとそのとき、その町で罪の女であったものが、パリサイ人の家で食卓に着いておられることを聞いて、香油が入れてある石膏のつぼを持ってきて、
Masdan ito, may isang babae sa lungsod na makasalan. Nalaman niya na si Jesus ay nakasandal sa hapagkainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala siya ng isang alabastro ng pabango.
38 泣きながら、イエスのうしろでその足もとに寄り、まず涙でイエスの足をぬらし、自分の髪の毛でぬぐい、そして、その足に接吻して、香油を塗った。
Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
39 イエスを招いたパリサイ人がそれを見て、心の中で言った、「もしこの人が預言者であるなら、自分にさわっている女がだれだか、どんな女かわかるはずだ。それは罪の女なのだから」。
Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
40 そこでイエスは彼にむかって言われた、「シモン、あなたに言うことがある」。彼は「先生、おっしゃってください」と言った。
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” Sinabi niya, “Sabihin mo, Guro!”
41 イエスが言われた、「ある金貸しに金をかりた人がふたりいたが、ひとりは五百デナリ、もうひとりは五十デナリを借りていた。
Sinabi ni Jesus, “May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo.
42 ところが、返すことができなかったので、彼はふたり共ゆるしてやった。このふたりのうちで、どちらが彼を多く愛するだろうか」。
Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?”
43 シモンが答えて言った、「多くゆるしてもらったほうだと思います」。イエスが言われた、「あなたの判断は正しい」。
Sinagot siya ni Simon at sinabi, “Sa palagay ko ay ang pinatawad niya nang lubos.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong paghatol.”
44 それから女の方に振り向いて、シモンに言われた、「この女を見ないか。わたしがあなたの家にはいってきた時に、あなたは足を洗う水をくれなかった。ところが、この女は涙でわたしの足をぬらし、髪の毛でふいてくれた。
Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok.
45 あなたはわたしに接吻をしてくれなかったが、彼女はわたしが家にはいった時から、わたしの足に接吻をしてやまなかった。
Hindi mo ako binigyan ng isang halik, ngunit siya, mula nang ako ay dumating, ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa.
46 あなたはわたしの頭に油を塗ってくれなかったが、彼女はわたしの足に香油を塗ってくれた。
Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, ngunit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.
47 それであなたに言うが、この女は多く愛したから、その多くの罪はゆるされているのである。少しだけゆるされた者は、少しだけしか愛さない」。
Dahil dito, sinasabi ko sa iyo na siya na may maraming kasalanan at pinatawad nang lubos, ay nagmahal din nang lubos. Ngunit siya na pinatawad lamang nang kaunti, ay nagmamahal lamang nang kaunti.”
48 そして女に、「あなたの罪はゆるされた」と言われた。
At sinabi niya sa babae, “Napatawad na ang iyong mga kasalanan.”
49 すると同席の者たちが心の中で言いはじめた、「罪をゆるすことさえするこの人は、いったい、何者だろう」。
Ang mga magkakasamang nakasandal sa hapag kainan, nagsimulang magsalita sa kanilang mga sarili, “Sino ito na nagpapatawad pa ng mga kasalanan?”
50 しかし、イエスは女にむかって言われた、「あなたの信仰があなたを救ったのです。安心して行きなさい」。
At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”

< ルカの福音書 7 >