< ルカの福音書 2 >

1 そのころ、全世界の人口調査をせよとの勅令が、皇帝アウグストから出た。
Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo.
2 これは、クレニオがシリヤの総督であった時に行われた最初の人口調査であった。
Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria.
3 人々はみな登録をするために、それぞれ自分の町へ帰って行った。
Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus.
4 ヨセフもダビデの家系であり、またその血統であったので、ガリラヤの町ナザレを出て、ユダヤのベツレヘムというダビデの町へ上って行った。
Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David.
5 それは、すでに身重になっていたいいなづけの妻マリヤと共に、登録をするためであった。
Pumunta siya doon upang magpalista kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at kasalukuyang nagdadalang tao.
6 ところが、彼らがベツレヘムに滞在している間に、マリヤは月が満ちて、
At nangyari nang habang sila ay naroroon, dumating ang oras para ipanganak niya ang kaniyang sanggol.
7 初子を産み、布にくるんで、飼葉おけの中に寝かせた。客間には彼らのいる余地がなかったからである。
Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, ang kaniyang panganay na anak, at maayos niya itong binalot ng pirasong tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa sabsaban dahil wala nang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
8 さて、この地方で羊飼たちが夜、野宿しながら羊の群れの番をしていた。
Sa rehiyon ding iyon, may mga pastol na naninirahan sa parang at nagbabantay sa kanilang mga kawan ng tupa sa gabi.
9 すると主の御使が現れ、主の栄光が彼らをめぐり照したので、彼らは非常に恐れた。
Biglang lumitaw sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at lubha silang natakot.
10 御使は言った、「恐れるな。見よ、すべての民に与えられる大きな喜びを、あなたがたに伝える。
Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot, sapagkat ako ay may dala sa inyong mabuting balita na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao.
11 きょうダビデの町に、あなたがたのために救主がお生れになった。このかたこそ主なるキリストである。
Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon!
12 あなたがたは、幼な子が布にくるまって飼葉おけの中に寝かしてあるのを見るであろう。それが、あなたがたに与えられるしるしである」。
Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng pirasong tela na nakahiga sa isang sabsaban.”
13 するとたちまち、おびただしい天の軍勢が現れ、御使と一緒になって神をさんびして言った、
Kasama ng anghel, biglang may malaking bilang ng hukbong makalangit na nagpupuri sa Diyos, at sinasabi,
14 「いと高きところでは、神に栄光があるように、地の上では、み心にかなう人々に平和があるように」。
“Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at nawa ay magkaroon ng kapayapaan dito sa lupa sa mga tao na kaniyang kinalulugdan.”
15 御使たちが彼らを離れて天に帰ったとき、羊飼たちは「さあ、ベツレヘムへ行って、主がお知らせ下さったその出来事を見てこようではないか」と、互に語り合った。
At nangyari nang umalis ang mga anghel mula sa kanila patungong langit, sinabi ng mga pastol sa bawat isa, “Tayo na pumunta sa Betlehem, at tingnan ang bagay na ito na nangyari na ipinaalam ng Panginoon sa atin”.
16 そして急いで行って、マリヤとヨセフ、また飼葉おけに寝かしてある幼な子を捜しあてた。
Sila ay nagmadaling pumunta doon at natagpuan sina Maria at Jose, at nakita ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17 彼らに会った上で、この子について自分たちに告げ知らされた事を、人々に伝えた。
Pagkatapos nilang makita ito, ipinaalam nila sa mga tao kung ano ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito.
18 人々はみな、羊飼たちが話してくれたことを聞いて、不思議に思った。
Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol.
19 しかし、マリヤはこれらの事をことごとく心に留めて、思いめぐらしていた。
Ngunit laging iniisip ni Maria ang lahat ng bagay na kaniyang narinig, iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso.
20 羊飼たちは、見聞きしたことが何もかも自分たちに語られたとおりであったので、神をあがめ、またさんびしながら帰って行った。
Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.
21 八日が過ぎ、割礼をほどこす時となったので、受胎のまえに御使が告げたとおり、幼な子をイエスと名づけた。
Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
22 それから、モーセの律法による彼らのきよめの期間が過ぎたとき、両親は幼な子を連れてエルサレムへ上った。
Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon.
23 それは主の律法に「母の胎を初めて開く男の子はみな、主に聖別された者と、となえられねばならない」と書いてあるとおり、幼な子を主にささげるためであり、
Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon.”
24 また同じ主の律法に、「山ばと一つがい、または、家ばとのひな二羽」と定めてあるのに従って、犠牲をささげるためであった。
Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.”
25 その時、エルサレムにシメオンという名の人がいた。この人は正しい信仰深い人で、イスラエルの慰められるのを待ち望んでいた。また聖霊が彼に宿っていた。
Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya.
26 そして主のつかわす救主に会うまでは死ぬことはないと、聖霊の示しを受けていた。
Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon.
27 この人が御霊に感じて宮にはいった。すると律法に定めてあることを行うため、両親もその子イエスを連れてはいってきたので、
Isang araw, siya ay pumunta sa templo sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Nang dinala ng mga magulang ang bata na si Jesus upang gawin para sa kaniya ang nakaugaliang hinihingi ng kautusan,
28 シメオンは幼な子を腕に抱き、神をほめたたえて言った、
tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi,
29 「主よ、今こそ、あなたはみ言葉のとおりにこの僕を安らかに去らせてくださいます、
“Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita.
30 わたしの目が今あなたの救を見たのですから。
Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas
31 この救はあなたが万民のまえにお備えになったもので、
na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao.
32 異邦人を照す啓示の光、み民イスラエルの栄光であります」。
Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel.”
33 父と母とは幼な子についてこのように語られたことを、不思議に思った。
Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya.
34 するとシメオンは彼らを祝し、そして母マリヤに言った、「ごらんなさい、この幼な子は、イスラエルの多くの人を倒れさせたり立ちあがらせたりするために、また反対を受けるしるしとして、定められています。
Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, “Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan.
35 そして、あなた自身もつるぎで胸を刺し貫かれるでしょう。それは多くの人の心にある思いが、現れるようになるためです」。
Gayundin, isang espada ang tatagos sa iyong sariling kaluluwa, upang ang mga iniisip ng maraming puso ay maihayag.
36 また、アセル族のパヌエルの娘で、アンナという女預言者がいた。彼女は非常に年をとっていた。むすめ時代にとついで、七年間だけ夫と共に住み、
Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa,
37 その後やもめぐらしをし、八十四歳になっていた。そして宮を離れずに夜も昼も断食と祈とをもって神に仕えていた。
at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw.
38 この老女も、ちょうどそのとき近寄ってきて、神に感謝をささげ、そしてこの幼な子のことを、エルサレムの救を待ち望んでいるすべての人々に語りきかせた。
Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
39 両親は主の律法どおりすべての事をすませたので、ガリラヤへむかい、自分の町ナザレに帰った。
Nang matapos nila ang lahat ng dapat nilang gawin na naaayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayan na Nazaret.
40 幼な子は、ますます成長して強くなり、知恵に満ち、そして神の恵みがその上にあった。
Ang bata ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kaniya.
41 さて、イエスの両親は、過越の祭には毎年エルサレムへ上っていた。
Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa.
42 イエスが十二歳になった時も、慣例に従って祭のために上京した。
Nang siya ay labindalawang taong gulang, sila ay muling umakyat para sa nakaugaliang panahon para sa pista.
43 ところが、祭が終って帰るとき、少年イエスはエルサレムに居残っておられたが、両親はそれに気づかなかった。
Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista, nagsimula na silang umuwi. Ngunit ang batang Jesus ay nanatili sa Jerusalem at ito ay hindi alam ng kaniyang mga magulang.
44 そして道連れの中にいることと思いこんで、一日路を行ってしまい、それから、親族や知人の中を捜しはじめたが、
Inakala nila na siya ay nasa pangkat na kasama nilang naglalakbay, kaya sila ay nagpatuloy ng isang araw sa paglalakbay. Pagkatapos ay nagsimula silang hanapin siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
45 見つからないので、捜しまわりながらエルサレムへ引返した。
Nang siya ay hindi nila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at sinimulang hanapin siya roon.
46 そして三日の後に、イエスが宮の中で教師たちのまん中にすわって、彼らの話を聞いたり質問したりしておられるのを見つけた。
At nangyari nga na makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila siya sa loob ng templo na nakaupo sa gitna ng mga guro, nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila ng mga katanungan.
47 聞く人々はみな、イエスの賢さやその答に驚嘆していた。
Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at sa kaniyang mga kasagutan.
48 両親はこれを見て驚き、そして母が彼に言った、「どうしてこんな事をしてくれたのです。ごらんなさい、おとう様もわたしも心配して、あなたを捜していたのです」。
Nang siya ay nakita nila, nagulat sila. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit mo kami pinakitunguhan ng ganito? Makinig ka, ako at ang iyong ama ay nag-aalala na naghahanap sa iyo.”
49 するとイエスは言われた、「どうしてお捜しになったのですか。わたしが自分の父の家にいるはずのことを、ご存じなかったのですか」。
Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na narito sa bahay ng aking Ama?”
50 しかし、両親はその語られた言葉を悟ることができなかった。
Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon.
51 それからイエスは両親と一緒にナザレに下って行き、彼らにお仕えになった。母はこれらの事をみな心に留めていた。
Pagkatapos, siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso.
52 イエスはますます知恵が加わり、背たけも伸び、そして神と人から愛された。
At si Jesus ay patuloy na lumaki sa karunungan at pangangatawan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

< ルカの福音書 2 >