< ルカの福音書 19 >

1 さて、イエスはエリコにはいって、その町をお通りになった。
Pumasok si Jesus at dumaraan sa Jerico.
2 ところが、そこにザアカイという名の人がいた。この人は取税人のかしらで、金持であった。
Masdan ninyo, mayroong lalaki doon na nagngangalang Zaqueo. Siya ay isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya ay mayaman.
3 彼は、イエスがどんな人か見たいと思っていたが、背が低かったので、群衆にさえぎられて見ることができなかった。
Sinusubukan niyang makita kung sino si Jesus, ngunit hindi niya makita sa dami ng tao, dahil siya ay maliit.
4 それでイエスを見るために、前の方に走って行って、いちじく桑の木に登った。そこを通られるところだったからである。
Kaya tumakbo siya sa unahan ng mga tao at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita siya, dahil daraan si Jesus sa daang iyon.
5 イエスは、その場所にこられたとき、上を見あげて言われた、「ザアカイよ、急いで下りてきなさい。きょう、あなたの家に泊まることにしているから」。
Nang makarating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat sa araw na ito, kinakailangan kong manatili sa iyong tahanan.”
6 そこでザアカイは急いでおりてきて、よろこんでイエスを迎え入れた。
Kaya nagmadali siya, bumaba at tinanggap siya nang may galak.
7 人々はみな、これを見てつぶやき、「彼は罪人の家にはいって客となった」と言った。
Nang makita ito ng lahat, dumaing silang lahat, sinasabi, “Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan.”
8 ザアカイは立って主に言った、「主よ、わたしは誓って自分の財産の半分を貧民に施します。また、もしだれかから不正な取立てをしていましたら、それを四倍にして返します」。
Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.”
9 イエスは彼に言われた、「きょう、救がこの家にきた。この人もアブラハムの子なのだから。
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa bahay na ito, dahil anak din siya ni Abraham.
10 人の子がきたのは、失われたものを尋ね出して救うためである」。
Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga taong nawawala.”
11 人々がこれらの言葉を聞いているときに、イエスはなお一つの譬をお話しになった。それはエルサレムに近づいてこられたし、また人々が神の国はたちまち現れると思っていたためである。
Habang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siyang magsalita at nagsabi ng isang talinghaga, dahil malapit siya sa Jerusalem, at inakala nila na ang kaharian ng Diyos ay magsisimula na kaagad.
12 それで言われた、「ある身分の高い人が、王位を受けて帰ってくるために遠い所へ旅立つことになった。
Kaya sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik.
13 そこで十人の僕を呼び十ミナを渡して言った、『わたしが帰って来るまで、これで商売をしなさい』。
Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod, at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Mag-negosyo kayo hanggang ako ay bumalik.'
14 ところが、本国の住民は彼を憎んでいたので、あとから使者をおくって、『この人が王になるのをわれわれは望んでいない』と言わせた。
Ngunit kinamuhian siya ng kaniyang mga mamamayan at pinasunod sa kaniya ang isang lupon ng kinatawan, sinasabi, 'Ayaw namin na ang taong ito ang mamuno sa amin.'
15 さて、彼が王位を受けて帰ってきたとき、だれがどんなもうけをしたかを知ろうとして、金を渡しておいた僕たちを呼んでこさせた。
Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo.
16 最初の者が進み出て言った、『ご主人様、あなたの一ミナで十ミナをもうけました』。
Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.'
17 主人は言った、『よい僕よ、うまくやった。あなたは小さい事に忠実であったから、十の町を支配させる』。
Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.'
18 次の者がきて言った、『ご主人様、あなたの一ミナで五ミナをつくりました』。
Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.'
19 そこでこの者にも、『では、あなたは五つの町のかしらになれ』と言った。
Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.'
20 それから、もうひとりの者がきて言った、『ご主人様、さあ、ここにあなたの一ミナがあります。わたしはそれをふくさに包んで、しまっておきました。
At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela,
21 あなたはきびしい方で、おあずけにならなかったものを取りたて、おまきにならなかったものを刈る人なので、おそろしかったのです』。
sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.'
22 彼に言った、『悪い僕よ、わたしはあなたの言ったその言葉であなたをさばこう。わたしがきびしくて、あずけなかったものを取りたて、まかなかったものを刈る人間だと、知っているのか。
Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik.
23 では、なぜわたしの金を銀行に入れなかったのか。そうすれば、わたしが帰ってきたとき、その金を利子と一緒に引き出したであろうに』。
Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?'
24 そして、そばに立っていた人々に、『その一ミナを彼から取り上げて、十ミナを持っている者に与えなさい』と言った。
Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.'
25 彼らは言った、『ご主人様、あの人は既に十ミナを持っています』。
Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.'
26 『あなたがたに言うが、おおよそ持っている人には、なお与えられ、持っていない人からは、持っているものまでも取り上げられるであろう。
'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya.
27 しかしわたしが王になることを好まなかったあの敵どもを、ここにひっぱってきて、わたしの前で打ち殺せ』」。
Ngunit ang aking mga kaaway, ang mga may ayaw na maghari ako sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sila sa harapan ko.'”
28 イエスはこれらのことを言ったのち、先頭に立ち、エルサレムへ上って行かれた。
Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito, nauna na siyang pumunta, paakyat sa Jerusalem.
29 そしてオリブという山に沿ったベテパゲとベタニヤに近づかれたとき、ふたりの弟子をつかわして言われた、
At nangyari nang palapit na siya sa Bethfage at sa Bethania, sa bundok na tinatawag na Olivet, nagsugo siya ng dalawa sa mga alagad,
30 「向こうの村へ行きなさい。そこにはいったら、まだだれも乗ったことのないろばの子がつないであるのを見るであろう。それを解いて、引いてきなさい。
sinasabi, “Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok, matatagpuan ninyo ang isang bisiro na hindi pa kailanman nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.
31 もしだれかが『なぜ解くのか』と問うたら、『主がお入り用なのです』と、そう言いなさい」。
Kung may magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan ito ng Panginoon.'”
32 そこで、つかわされた者たちが行って見ると、果して、言われたとおりであった。
Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila.
33 彼らが、そのろばの子を解いていると、その持ち主たちが、「なぜろばの子を解くのか」と言ったので、
Habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi ng mga may-ari sa kanila, “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?”
34 「主がお入り用なのです」と答えた。
Sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.”
35 そしてそれをイエスのところに引いてきて、その子ろばの上に自分たちの上着をかけてイエスをお乗せした。
Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus.
36 そして進んで行かれると、人々は自分たちの上着を道に敷いた。
Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan.
37 いよいよオリブ山の下り道あたりに近づかれると、大ぜいの弟子たちはみな喜んで、彼らが見たすべての力あるみわざについて、声高らかに神をさんびして言いはじめた、
Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita,
38 「主の御名によってきたる王に、祝福あれ。天には平和、いと高きところには栄光あれ」。
na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”
39 ところが、群衆の中にいたあるパリサイ人たちがイエスに言った、「先生、あなたの弟子たちをおしかり下さい」。
Sinabi sa kaniya ng ilan sa mga Pariseong kasama ng maraming tao, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.”
40 答えて言われた、「あなたがたに言うが、もしこの人たちが黙れば、石が叫ぶであろう」。
Sumagot si Jesus at sinabing, “Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik sila, ang mga bato ay sisigaw.”
41 いよいよ都の近くにきて、それが見えたとき、そのために泣いて言われた、
Nang palapit na si Jesus sa lungsod, iniyakan niya ito,
42 「もしおまえも、この日に、平和をもたらす道を知ってさえいたら……しかし、それは今おまえの目に隠されている。
sinasabi, “Kung alam mo lang sa araw na ito, kahit ikaw, ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ngayon ang mga ito ay lingid sa iyong mga mata.
43 いつかは、敵が周囲に塁を築き、おまえを取りかこんで、四方から押し迫り、
Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na magtatayo ng harang ang iyong mga kaaway sa palibot mo, at papalibutan ka, at gigipitin ka mula sa bawat panig.
44 おまえとその内にいる子らとを地に打ち倒し、城内の一つの石も他の石の上に残して置かない日が来るであろう。それは、おまえが神のおとずれの時を知らないでいたからである」。
Hahampasin ka nila pababa sa lupa at kasama ang iyong mga anak. Hindi sila magtitira ng isang bato sa ibabaw ng isa pang bato, dahil hindi mo kinilala nang sinusubukan kang iligtas ng Diyos.”
45 それから宮にはいり、商売人たちを追い出しはじめて、
Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda,
46 彼らに言われた、「『わが家は祈の家であるべきだ』と書いてあるのに、あなたがたはそれを盗賊の巣にしてしまった」。
sinasabi sa kanila, “Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
47 イエスは毎日、宮で教えておられた。祭司長、律法学者また民衆の重立った者たちはイエスを殺そうと思っていたが、
Kaya araw-araw nagtuturo si Jesus sa templo. Ang mga punong pari at ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay nais siyang patayin,
48 民衆がみな熱心にイエスに耳を傾けていたので、手のくだしようがなかった。
ngunit wala silang mahanap na paraan upang gawin ito, dahil ang lahat ng mga tao ay nakikinig nang mabuti sa kaniya.

< ルカの福音書 19 >