< 士師記 11 >

1 さてギレアデびとエフタは強い勇士であったが遊女の子で、エフタの父はギレアデであった。
Ngayon si Jefta na taga-Galaad ay isang matapang na mandirigma, pero siya ay lalaking anak ng isang bayarang babae. Si Galaad ang kaniyang ama.
2 ギレアデの妻も子供を産んだが、その妻の子供たちが成長したとき、彼らはエフタを追い出して彼に言った、「あなたはほかの女の産んだ子だから、わたしたちの父の家を継ぐことはできません」。
Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.”
3 それでエフタはその兄弟たちのもとから逃げ去って、トブの地に住んでいると、やくざ者がエフタのもとに集まってきて、彼と一緒に出かけて略奪を事としていた。
Kaya si Jefta ay umalis mula sa kaniyang mga kapatid at namuhay sa lupain ng Tob. Sumama kay Jefta ang mga lalaking lumalabag sa batas at dumating sila at sumama sa kaniya.
4 日がたって後、アンモンの人々はイスラエルと戦うことになり、
Lumipas ang mga araw, nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel.
5 アンモンの人々がイスラエルと戦ったとき、ギレアデの長老たちは行ってエフタをトブの地から連れてこようとして、
Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob.
6 エフタに言った、「きて、わたしたちの大将になってください。そうすればわたしたちはアンモンの人々と戦うことができます」。
Sinabi nila kay Jefta, “Sumama ka at maging aming pinuno para lumaban sa mga tao ng Ammon.”
7 エフタはギレアデの長老たちに言った、「あなたがたはわたしを憎んで、わたしの父の家から追い出したではありませんか。しかるに今あなたがたが困っている時とはいえ、わたしのところに来るとはどういうわけですか」。
Sinabi ni Jefta sa mga pinuno ng Galaad, “Kinasuklaman ninyo ako at pinilit akong umalis sa bahay ng aking ama. Bakit ngayon nandito kayo akin kapag nasa kaguluhan kayo?”
8 ギレアデの長老たちはエフタに言った、「それでわたしたちは今、あなたに帰ったのです。どうぞ、わたしたちと一緒に行って、アンモンの人々と戦ってください。そしてわたしたちとギレアデに住んでいるすべてのものとのかしらになってください」。
Sinabi ng mga nakatatanda sa Galaad kay Jefta, “Iyan ang dahilan kung bakit bumalik kam sa iyo ngayon; sumama ka sa amin at labanan natin ang mga tao sa Ammon, at magiging pinuno ka ng lahat na siyang nanirahan ng Galaad.”
9 エフタはギレアデの長老たちに言った、「もしあなたがたが、わたしをつれて帰って、アンモンの人々と戦わせるとき、主が彼らをわたしにわたされるならば、わたしはあなたがたのかしらとなりましょう」。
Sinabi ni Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, “Kung dadalhin niyo ako muli ating lugar para makipaglaban sa mga tao sa Ammon, at kung bibigyan tayo ng katagumpayan ni Yahweh laban sa kanila, ako ang magiging pinuno ninyo.”
10 ギレアデの長老たちはエフタに言った、「主はあなたとわたしたちの間の証人です。わたしたちは必ずあなたの言われるとおりにしましょう」。
Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!”
11 そこでエフタはギレアデの長老たちと一緒に行った。民は彼を立てて自分たちのかしらとし、大将とした。それでエフタはミヅパで、自分の言葉をことごとく主の前に述べた。
Kaya pumunta si Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, at ginawa siya ng mga tao na kanilang pinuno at kumander. Nang nasa harapan siya ni Yahweh sa Mizpa, inulit ni Jefta ang lahat ng kaniyang mga ipinangako.
12 かくてエフタはアンモンの人々の王に使者をつかわして言った、「あなたはわたしとなんのかかわりがあって、わたしのところへ攻めてきて、わたしの国と戦おうとするのですか」。
Pagktapos nagpadala ng mga mensahero si Jefta sa hari ng mga taga-Ammon, na nagsasabing, “Ano itong alitan sa pagitan natin? Bakit kayo ppunta at sapilitang kukunin ang aming lupain?”
13 アンモンの人々の王はエフタの使者に答えた、「昔、イスラエルがエジプトから上ってきたとき、アルノンからヤボクに及び、またヨルダンに及ぶわたしの国を奪い取ったからです。それゆえ今、穏やかにそれを返しなさい」。
Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, “Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa.”
14 エフタはまた使者をアンモンの人々の王につかわして、
Muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga tao ng Amon,
15 言わせた、「エフタはこう申します、『イスラエルはモアブの地も、またアンモンの人々の地も取りませんでした。
at sinabi niya, “Ito ang pinapasabi ni Jefta: Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at ang lupain ng mga taga-Ammon,
16 イスラエルはエジプトから上ってきたとき、荒野をとおって紅海にいたり、カデシにきました。
pero, nang lumabas sila mula sa Ehipto, at nagpunta ang mga Israelita sa ilang patungong Dagat Pula at sa Kadesh,
17 そしてイスラエルは使者をエドムの王につかわして「どうぞ、われわれにあなたの国を通らせてください」と言わせましたが、エドムの王は聞きいれませんでした。また同じように人をモアブの王につかわしたが、彼も承諾しなかったので、イスラエルはカデシにとどまりました。
Nagpadala ang mga Israelita ng mga mensahero sa hari ng Edom, na nagsasabing, 'Pakiusap pahintulatan kaming tumawid sa inyong lupain,' pero hindi nakinig ang hari ng Edom. Nagpadala rin sila ng mga mensahero sa hari ng Moab, pero tumanggi siya. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kades.
18 それから荒野をとおって、エドムの地とモアブの地を回り、モアブの地の東部に達し、アルノンの向こうに宿営しましたがモアブの領域には、はいりませんでした。アルノンはモアブの境だからです。
Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab.
19 次にイスラエルはヘシボンの王すなわちアモリびとの王シホンに使者をつかわし、シホンに向かって「どうぞ、われわれにあなたの国をとおって、われわれの目的地へ行かせてください」と言わせました。
Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.'
20 ところがシホンはイスラエルを信ぜず、その領域を通らせないばかりか、かえってすべての民を集めてヤハヅに陣を取り、イスラエルと戦いましたが、
Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel.
21 イスラエルの神、主はシホンとそのすべての民をイスラエルの手にわたされたので、イスラエルは彼らを撃ち破って、その土地に住んでいたアモリびとの地をことごとく占領し、
At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon.
22 アルノンからヤボクまでと、荒野からヨルダンまで、アモリびとの領域をことごとく占領しました。
Kinuha nila ang lahat ng bagay na nakapaloob sa teritoryo ng mga Amoreo, mula sa Arnon patungong Jabbok, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.
23 このようにイスラエルの神、主はその民イスラエルの前からアモリびとを追い払われたのに、あなたはそれを取ろうとするのですか。
Kaya pagkatapos si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay pinaalis ang mga Amoreo sa harapan sa kaniyang bayan ng Israel, at ngayon dapat ba ninyong angkinin ang kanilang lupain?
24 あなたは、あなたの神ケモシがあなたに取らせるものを取らないのですか。われわれはわれわれの神、主がわれわれの前から追い払われたものの土地を取るのです。
Hindi ninyo kukunin ang lupain ng Cemos, na ibinigay, na inyong diyos? Kaya kung anumang lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh, ating kukunin.
25 あなたはモアブの王チッポルの子バラクにまさる者ですか。バラクはかつてイスラエルと争ったことがありますか。かつて彼らと戦ったことがありますか。
Ngayon mas magaling ba kayo kaysa kay Balac na anak na lalaki ni Zippor, na hari ng Moab? Naglakas-loob ba siyang magkaroon ng pagtatalo sa Israel? Nagdeklara ba siya ng digmaan laban sa kanila?
26 イスラエルはヘシボンとその村里に住み、またアロエルとその村里およびアルノンの岸に沿うすべての町々に住むこと三百年になりますが、あなたがたはどうしてその間にそれを取りもどさなかったのですか。
Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
27 わたしはあなたに何も悪い事をしたこともないのに、あなたはわたしと戦って、わたしに害を加えようとします。審判者であられる主よ、どうぞ、きょう、イスラエルの人々とアンモンの人々との間をおさばきください』」。
Wala akong ginawang mali sa inyo, pero gumagawa ka ng mali sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin. Si Yahweh, ang hukom, ang magpapasya sa araw na ito sa pagitan ngbayan ng Israel at sa bayan ng Ammon.”
28 しかしアンモンの人々の王はエフタが言いつかわした言葉をききいれなかった。
Pero ang hari ng mga tao ng Ammon ay tinalikuran ang babala na ipinadala sa kaniya ni Jefta.
29 時に主の霊がエフタに臨み、エフタはギレアデおよびマナセをとおって、ギレアデのミヅパに行き、ギレアデのミヅパから進んでアンモンの人々のところに行った。
Pagkatapos dumating kay Jefta ang Espiritu ni Yahweh, at dumaan siya sa Galaad at Manases, at dumaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad kaniyang nadaanan ang mga tao ng Ammon.
30 エフタは主に誓願を立てて言った、「もしあなたがアンモンの人々をわたしの手にわたされるならば、
Gumawa si Jefta ng isang panata kay Yahweh at sinabing, “Kung bibigyan mo ako ng tagumpay laban sa mga tao ng Ammon,
31 わたしがアンモンの人々に勝って帰るときに、わたしの家の戸口から出てきて、わたしを迎えるものはだれでも主のものとし、その者を燔祭としてささげましょう」。
at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog.”
32 エフタはアンモンの人々のところに進んで行って、彼らと戦ったが、主は彼らをエフタの手にわたされたので、
Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
33 アロエルからミンニテの附近まで、二十の町を撃ち敗り、アベル・ケラミムに至るまで、非常に多くの人を殺した。こうしてアンモンの人々はイスラエルの人々の前に攻め伏せられた。
Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel.
34 やがてエフタはミヅパに帰り、自分の家に来ると、彼の娘が鼓をもち、舞い踊って彼を出迎えた。彼女はエフタのひとり子で、ほかに男子も女子もなかった。
Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
35 エフタは彼女を見ると、衣を裂いて言った、「ああ、娘よ、あなたは全くわたしを打ちのめした。わたしを悩ますものとなった。わたしが主に誓ったのだから改めることはできないのだ」。
Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
36 娘は言った、「父よ、あなたは主に誓われたのですから、主があなたのために、あなたの敵アンモンの人々に報復された今、あなたが言われたとおりにわたしにしてください」。
Sinabi niya sa kaniya, “Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo.”
37 娘はまた父に言った、「どうぞ、この事をわたしにさせてください。すなわち二か月の間わたしをゆるし、友だちと一緒に行って、山々をゆきめぐり、わたしの処女であることを嘆かせてください」。
Sinabi niya sa kaniyang ama, “Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan.”
38 エフタは「行きなさい」と言って、彼女を二か月の間、出してやった。彼女は友だちと一緒に行って、山の上で自分の処女であることを嘆いたが、
Sinabi niya, “Umalis ka na.” Pinaalis niya ang kaniyang anak na babae ng dalawang buwan. Siya ay Iniwan niya, siya at ang kaniyang mga kasamahan, at nagdalamhati sila sa kaniyang pagkabirhen sa burol.
39 二か月の後、父のもとに帰ってきたので、父は誓った誓願のとおりに彼女におこなった。彼女はついに男を知らなかった。
Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel
40 これによって年々イスラエルの娘たちは行って、年に四日ほどギレアデびとエフタの娘のために嘆くことがイスラエルのならわしとなった。
na ang mga babaeng anak ng Israel sa bawat taon, sa loob ng apat na araw, ay ipapaulit ang kwento tungkol sa babaeng anak ni Jefta na Galaadita.

< 士師記 11 >