< ヨハネの福音書 9 >

1 イエスが道をとおっておられるとき、生れつきの盲人を見られた。
Ngayon nang si Jesus ay dumaan, nakakita siya ng isang taong bulag mula pa sa kapanganakan.
2 弟子たちはイエスに尋ねて言った、「先生、この人が生れつき盲人なのは、だれが罪を犯したためですか。本人ですか、それともその両親ですか」。
Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, “Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito o ang kaniyang mga magulang, na dapat siyang isilang na bulag?”
3 イエスは答えられた、「本人が罪を犯したのでもなく、また、その両親が犯したのでもない。ただ神のみわざが、彼の上に現れるためである。
Sumagot si Jesus, “Hindi nagkasala ang taong ito ni ang kaniyang mga magulang, kundi upang ang mga gawa ng Dios ay mahayag sa kaniya.
4 わたしたちは、わたしをつかわされたかたのわざを、昼の間にしなければならない。夜が来る。すると、だれも働けなくなる。
Kailangan nating gawin ang mga gawain niya na siyang nagpadala sa akin habang araw pa. Darating ang gabi na kung kailan wala ng kayang gumawa.
5 わたしは、この世にいる間は、世の光である」。
Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”
6 イエスはそう言って、地につばきをし、そのつばきで、どろをつくり、そのどろを盲人の目に塗って言われた、
Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik sa pamamagitan ng laway, at pinahiran ng putik ang mga mata ng lalake.
7 「シロアム(つかわされた者、の意)の池に行って洗いなさい」。そこで彼は行って洗った。そして見えるようになって、帰って行った。
Sinabi niya sa kaniya, “Pumunta ka at maghilamos sa languyan ng Siloam (na isinalin na 'isinugo').” Kaya't umalis ang lalake, naghilamos, at bumalik nang nakakakakita na.
8 近所の人々や、彼がもと、こじきであったのを見知っていた人々が言った、「この人は、すわってこじきをしていた者ではないか」。
Pagkatapos, ang mga kapitbahay ng lalake at iyong mga dating nakakita sa kaniya bilang isang pulubi ay nagsasabi, “Hindi ba't ito ang lalaking dating nakaupo at namamalimos?”
9 ある人々は「その人だ」と言い、他の人々は「いや、ただあの人に似ているだけだ」と言った。しかし、本人は「わたしがそれだ」と言った。
Sinabi ng ilan, “Siya nga.” Sinabi ng iba, “Hindi, ngunit siya ay kamukha niya.” Ngunit sinasabi niya, “Ako nga iyon.”
10 そこで人々は彼に言った、「では、おまえの目はどうしてあいたのか」。
Sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon paanong nabuksan ang iyong mga mata?”
11 彼は答えた、「イエスというかたが、どろをつくって、わたしの目に塗り、『シロアムに行って洗え』と言われました。それで、行って洗うと、見えるようになりました」。
Sumagot siya, “Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at pinahiran ang aking mga mata at sinabi sa akin, “Pumunta ka sa Siloam at maghilamos.' Kaya umalis ako at naghilamos, at nanumbalik ang aking paningin.”
12 人々は彼に言った、「その人はどこにいるのか」。彼は「知りません」と答えた。
Sinabi nila sa kaniya, “Nasaan siya?” sumagot siya, “Hindi ko alam.”
13 人々は、もと盲人であったこの人を、パリサイ人たちのところにつれて行った。
Dinala nila ang lalaki na dating bulag sa mga Pariseo.
14 イエスがどろをつくって彼の目をあけたのは、安息日であった。
Ngayon iyon ay Araw ng Pamamahinga nang si Jesus ay gumawa ng putik at pinadilat ang kaniyang mga mata.
15 パリサイ人たちもまた、「どうして見えるようになったのか」、と彼に尋ねた。彼は答えた、「あのかたがわたしの目にどろを塗り、わたしがそれを洗い、そして見えるようになりました」。
Pagkatapos tinanong siya muli ng mga Pariseo kung paano niya natanggap ang kaniyang paningin. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako, at ngayon nakakakita na ako.”
16 そこで、あるパリサイ人たちが言った、「その人は神からきた人ではない。安息日を守っていないのだから」。しかし、ほかの人々は言った、「罪のある人が、どうしてそのようなしるしを行うことができようか」。そして彼らの間に分争が生じた。
Sinabi ng ilang mga Pariseo, “Ang taong ito ay hindi galing sa Dios dahil hindi niya tinutupad ang Araw ng Pamamahinga.” Sinabi ng iba, “Papaanong makakagawa ng ganyang mga pangitain ang isang tao na iyon na makasalanan?” Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang kalagitnaan.
17 そこで彼らは、もう一度この盲人に聞いた、「おまえの目をあけてくれたその人を、どう思うか」。「預言者だと思います」と彼は言った。
Kaya tinanong nilang muli ang lalaking bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya dahil pinadilat niya ang iyong mga mata?” Sinabi ng lalaking bulag, “Siya ay isang propeta.”
18 ユダヤ人たちは、彼がもと盲人であったが見えるようになったことを、まだ信じなかった。ついに彼らは、目が見えるようになったこの人の両親を呼んで、
Ngayon ang mga Judio ay hindi pa din naniniwala tungkol sa kaniya na dating bulag at nakamit ang kaniyang paningin hanggang sa tinawag nila ang mga magulang ng iyong nagkamit ng kaniyang paningin.
19 尋ねて言った、「これが、生れつき盲人であったと、おまえたちの言っているむすこか。それではどうして、いま目が見えるのか」。
Tinanong nila ang mga magulang, “Ito ba ang inyong Anak na sinasabi ninyong pinangangak na bulag? Papaanong nakakakita na siya ngayon?”
20 両親は答えて言った、「これがわたしどものむすこであること、また生れつき盲人であったことは存じています。
Kaya sumagot ang kaniyang mga magulang sa kanila, “Alam naming ito ang aming anak at siya ay bulag nang isilang.
21 しかし、どうしていま見えるようになったのか、それは知りません。また、だれがその目をあけて下さったのかも知りません。あれに聞いて下さい。あれはもうおとなですから、自分のことは自分で話せるでしょう」。
Kung paano siya ngayon ay nakakakita na, hindi namin alam, at kung sino ang nagpadilat sa kaniyang mga mata, hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Siya ay matanda na. Makakapag-salita siya para sa kaniyang sarili.”
22 両親はユダヤ人たちを恐れていたので、こう答えたのである。それは、もしイエスをキリストと告白する者があれば、会堂から追い出すことに、ユダヤ人たちが既に決めていたからである。
Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga.
23 彼の両親が「おとなですから、あれに聞いて下さい」と言ったのは、そのためであった。
Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, “Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya.
24 そこで彼らは、盲人であった人をもう一度呼んで言った、「神に栄光を帰するがよい。あの人が罪人であることは、わたしたちにはわかっている」。
Kaya sa pangalawang pagkakataon tinawag nila ang lalake na naging bulag at sinabi sa kaniya, “Magbigay papuri ka sa Dios. Alam naming makasalanan ang taong iyon.”
25 すると彼は言った、「あのかたが罪人であるかどうか、わたしは知りません。ただ一つのことだけ知っています。わたしは盲であったが、今は見えるということです」。
At sumagot ang taong iyon, “Kung siya man ay isang makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay ang alam ko: Noon ako ay bulag, at ngayon ako ay nakakakita na.”
26 そこで彼らは言った、「その人はおまえに何をしたのか。どんなにしておまえの目をあけたのか」。
At sinabi nila sa kaniya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinadilat ang iyong mga mata?”
27 彼は答えた、「そのことはもう話してあげたのに、聞いてくれませんでした。なぜまた聞こうとするのですか。あなたがたも、あの人の弟子になりたいのですか」。
Sumagot siya, “Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan! Bakit ninyo gustong itong marinig muli? Hindi ninyo nais maging alagad din niya, hindi ba?”
28 そこで彼らは彼をののしって言った、「おまえはあれの弟子だが、わたしたちはモーセの弟子だ。
Nilait nila siya at sinabi, “Ikaw ay kaniyang alagad, ngunit kami ay mga alagad ni Moises.
29 モーセに神が語られたということは知っている。だが、あの人がどこからきた者か、わたしたちは知らぬ」。
Alam namin na ang Dios ay nakipag-usap kay Moises, ngunit para sa taong iyon, hindi namin alam kung saan siya nanggaling.”
30 そこで彼が答えて言った、「わたしの目をあけて下さったのに、そのかたがどこからきたか、ご存じないとは、不思議千万です。
Ang lalake ay sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit, ito ay isang kamangha-manghang bagay, at hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, gayon pinadilat niya ang aking mga mata.
31 わたしたちはこのことを知っています。神は罪人の言うことはお聞きいれになりませんが、神を敬い、そのみこころを行う人の言うことは、聞きいれて下さいます。
Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.
32 生れつき盲であった者の目をあけた人があるということは、世界が始まって以来、聞いたことがありません。 (aiōn g165)
Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag. (aiōn g165)
33 もしあのかたが神からきた人でなかったら、何一つできなかったはずです」。
Kung ang taong ito ay hindi galing sa Diyos, wala siyang kayang gawin.”
34 これを聞いて彼らは言った、「おまえは全く罪の中に生れていながら、わたしたちを教えようとするのか」。そして彼を外へ追い出した。
Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?” Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.
35 イエスは、その人が外へ追い出されたことを聞かれた。そして彼に会って言われた、「あなたは人の子を信じるか」。
Narinig ni Jesus na pinalayas nila siya sa sinagoga. Nakita niya siya at sinabi, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”
36 彼は答えて言った、「主よ、それはどなたですか。そのかたを信じたいのですが」。
Sumagot siya at sinabi, “Sino siya, Panginoon, upang sasampalataya ako sa kaniya?”
37 イエスは彼に言われた、「あなたは、もうその人に会っている。今あなたと話しているのが、その人である」。
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Nakita mo na siya, at siya itong nakikipag-usap sa iyo.”
38 すると彼は、「主よ、信じます」と言って、イエスを拝した。
Sinabi ng lalake, “Panginoon, sumasampalataya ako.” Pagkatapos, sumamba siya sa kaniya.
39 そこでイエスは言われた、「わたしがこの世にきたのは、さばくためである。すなわち、見えない人たちが見えるようになり、見える人たちが見えないようになるためである」。
Sinabi ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito para sa paghuhukom upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at upang ang mga nakakakita ay maging bulag.”
40 そこにイエスと一緒にいたあるパリサイ人たちが、それを聞いてイエスに言った、「それでは、わたしたちも盲なのでしょうか」。
Narinig ng ilan sa mga Pariseo na kasama niya ang mga bagay na ito, at nagtanong sa kaniya, “Bulag din ba kami?”
41 イエスは彼らに言われた、「もしあなたがたが盲人であったなら、罪はなかったであろう。しかし、今あなたがたが『見える』と言い張るところに、あなたがたの罪がある。
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga bulag, wala sana kayong kasalanan. Subalit, ngayon sinasabi ninyong, “Nakakakita kami,” kaya ang inyong kasalanan ay nananatili.

< ヨハネの福音書 9 >