< ヨハネの福音書 13 >

1 過越の祭の前に、イエスは、この世を去って父のみもとに行くべき自分の時がきたことを知り、世にいる自分の者たちを愛して、彼らを最後まで愛し通された。
Ngayon, bago ang Kapistahan ng Paskuwa, dahil alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na, na siya ay dapat ng umalis ng mundong ito tungo sa kaniyang Ama, minamahal niya ang sariling kaniya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa huli.
2 夕食のとき、悪魔はすでにシモンの子イスカリオテのユダの心に、イエスを裏切ろうとする思いを入れていたが、
Ngayon, nailagay na sa puso ni Judas Iscariote na anak ni Simon, na ipagkanulo si Jesus.
3 イエスは、父がすべてのものを自分の手にお与えになったこと、また、自分は神から出てきて、神にかえろうとしていることを思い、
Alam ni Jesus na ibinigay ng Ama sa kaniyang mga kamay ang lahat ng mga bagay at siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.
4 夕食の席から立ち上がって、上着を脱ぎ、手ぬぐいをとって腰に巻き、
Tumayo siya nang hapunan at ibinaba ang kaniyang panglabas na kasuotan. At kumuha siya ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili.
5 それから水をたらいに入れて、弟子たちの足を洗い、腰に巻いた手ぬぐいでふき始められた。
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at upang punasan sila ng tuwalya na ibinigkis sa kaniyang sarili.
6 こうして、シモン・ペテロの番になった。すると彼はイエスに、「主よ、あなたがわたしの足をお洗いになるのですか」と言った。
Lumapit si Jesus kay Simon Pedro, at sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”
7 イエスは彼に答えて言われた、「わたしのしていることは今あなたにはわからないが、あとでわかるようになるだろう」。
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sa ngayon ang ginagawa ko ay hindi mo pa maintindihan, ngunit sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ito”
8 ペテロはイエスに言った、「わたしの足を決して洗わないで下さい」。イエスは彼に答えられた、「もしわたしがあなたの足を洗わないなら、あなたはわたしとなんの係わりもなくなる」。 (aiōn g165)
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” (aiōn g165)
9 シモン・ペテロはイエスに言った、「主よ、では、足だけではなく、どうぞ、手も頭も」。
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huwag lamang ang aking mga paa ang iyong hugasan, ngunit pati na rin ang aking mga kamay at aking ulo.”
10 イエスは彼に言われた、「すでにからだを洗った者は、足のほかは洗う必要がない。全身がきれいなのだから。あなたがたはきれいなのだ。しかし、みんながそうなのではない」。
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ang sinuman na nakaligo na ay hindi na kailangang maghugas ng kahit ano pa maliban sa kaniyang mga paa, at siya ay malinis na malinis na; malinis ka na, ngunit hindi lahat kayo.”
11 イエスは自分を裏切る者を知っておられた。それで、「みんながきれいなのではない」と言われたのである。
Dahil alam ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya; kaya sinabi niya; “Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.”
12 こうして彼らの足を洗ってから、上着をつけ、ふたたび席にもどって、彼らに言われた、「わたしがあなたがたにしたことがわかるか。
Pagkatapos hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa at kunin ang kaniyang mga damit at muling umupo, sinabi niya sa kanila, “Alam ba ninyo ang ginawa ko para sa inyo?
13 あなたがたはわたしを教師、また主と呼んでいる。そう言うのは正しい。わたしはそのとおりである。
Tinatawag ninyo akong 'Guro' at 'Panginoon', at tama ang sinasabi ninyo, dahil ako nga iyon.
14 しかし、主であり、また教師であるわたしが、あなたがたの足を洗ったからには、あなたがたもまた、互に足を洗い合うべきである。
Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba.
15 わたしがあなたがたにしたとおりに、あなたがたもするように、わたしは手本を示したのだ。
Dahil binigyan ko kayo ng halimbawa upang dapat gawin din ninyo tulad ng ginawa ko sa inyo.
16 よくよくあなたがたに言っておく。僕はその主人にまさるものではなく、つかわされた者はつかわした者にまさるものではない。
Tunay nga sinasabi ko sa inyo, ang lingkod ay hindi mas matataas sa kaniyang Panginoon; ni ang isinugo ay mas mataas kaysa sa nagsugo sa kaniya.
17 もしこれらのことがわかっていて、それを行うなら、あなたがたはさいわいである。
Kung alam mo ang mga bagay na ito, pinagpala ka kung ginagawa mo ang mga ito.
18 あなたがた全部の者について、こう言っているのではない。わたしは自分が選んだ人たちを知っている。しかし、『わたしのパンを食べている者が、わたしにむかってそのかかとをあげた』とある聖書は成就されなければならない。
Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili — ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.'
19 そのことがまだ起らない今のうちに、あなたがたに言っておく。いよいよ事が起ったとき、わたしがそれであることを、あなたがたが信じるためである。
Sinasabi ko ito ngayon sa inyo upang kung ito ay mangyayari, maniniwala kayo na AKO NGA.
20 よくよくあなたがたに言っておく。わたしがつかわす者を受けいれる者は、わたしを受けいれるのである。わたしを受けいれる者は、わたしをつかわされたかたを、受けいれるのである」。
Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang sinumang aking isinusugo, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang siyang nagsugo sa akin.
21 イエスがこれらのことを言われた後、その心が騒ぎ、おごそかに言われた、「よくよくあなたがたに言っておく。あなたがたのうちのひとりが、わたしを裏切ろうとしている」。
Nang sinabi ni Jesus ito, siya ay nabagabag sa espiritu at sinabi “Tunay nga sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”
22 弟子たちはだれのことを言われたのか察しかねて、互に顔を見合わせた。
Nagtinginan ang mga disipulo sa isa't-isa, nagtataka kung sino ang kaniyang tinutukoy.
23 弟子たちのひとりで、イエスの愛しておられた者が、み胸に近く席についていた。
May isa na nasa lamesa ang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, ang minamahal ni Jesus.
24 そこで、シモン・ペテロは彼に合図をして言った、「だれのことをおっしゃったのか、知らせてくれ」。
Kaya hinudyatan ni Simon Pedro ang alagad na ito at sinabi, “Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy.
25 その弟子はそのままイエスの胸によりかかって、「主よ、だれのことですか」と尋ねると、
Sumandal ang alagad na iyon sa dibdib ni Jesus at sinabi sa kaniya, “Panginoon, sino po iyon?”
26 イエスは答えられた、「わたしが一きれの食物をひたして与える者が、それである」。そして、一きれの食物をひたしてとり上げ、シモンの子イスカリオテのユダにお与えになった。
At sumagot si Jesus, “Iyong aking ipagsasawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan. “Nang kaniyang isawsaw ang tinapay, ibinigay niya ito kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
27 この一きれの食物を受けるやいなや、サタンがユダにはいった。そこでイエスは彼に言われた、「しようとしていることを、今すぐするがよい」。
At pagkatapos ng tinapay, pumasok si Satanas sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kaniiya, “Kung ano ang iyong gagawin, gawin mo ito agad.”
28 席を共にしていた者のうち、なぜユダにこう言われたのか、わかっていた者はひとりもなかった。
Ngayon, walang sinuman na nasa lamesa ang nakaaalam nang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ito sa kaniya.
29 ある人々は、ユダが金入れをあずかっていたので、イエスが彼に、「祭のために必要なものを買え」と言われたか、あるいは、貧しい者に何か施させようとされたのだと思っていた。
Naisip ng iba na, dahil si Judas ang nangangalaga sa supot ng salapi, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumili ka ng mga bagay na kailangan natin para sa kapistahan,” o kaya naman na siya ay dapat magbigay sa mga mahihirap.
30 ユダは一きれの食物を受けると、すぐに出て行った。時は夜であった。
Pagkatapos tanggapin ni Judas ang tinapay, agad siyang lumabas; at gabi na noon.
31 さて、彼が出て行くと、イエスは言われた、「今や人の子は栄光を受けた。神もまた彼によって栄光をお受けになった。
Nang si Judas ay umalis na, sinabi niJesus, “Ngayon ang Anak ng Tao ay naluwalhati.
32 彼によって栄光をお受けになったのなら、神ご自身も彼に栄光をお授けになるであろう。すぐにもお授けになるであろう。
At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Luluwalhatiin siya ng Diyos sa kaniyang sarili, at agad siyang luluwalhatiin niya.
33 子たちよ、わたしはまだしばらく、あなたがたと一緒にいる。あなたがたはわたしを捜すだろうが、すでにユダヤ人たちに言ったとおり、今あなたがたにも言う、『あなたがたはわたしの行く所に来ることはできない』。
Mga batang paslit, makakasama pa ninyo ako ng maikli pang panahon. Hahanapin ninyo ako, at tulad ng sinabi ko sa mga Judio, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakapunta.' Ngayon sinasabi ko rin ito sa inyo.
34 わたしは、新しいいましめをあなたがたに与える、互に愛し合いなさい。わたしがあなたがたを愛したように、あなたがたも互に愛し合いなさい。
Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa.
35 互に愛し合うならば、それによって、あなたがたがわたしの弟子であることを、すべての者が認めるであろう」。
Sa pamamagitan nito, malalaman ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung mahahalin niyo ang bawat isa.”
36 シモン・ペテロがイエスに言った、「主よ、どこへおいでになるのですか」。イエスは答えられた、「あなたはわたしの行くところに、今はついて来ることはできない。しかし、あとになってから、ついて来ることになろう」。
Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, “Panginoon, saan kayo pupunta?” Sumagot si Jesus, kung saan ako pupunta, sa ngayon ay hindi kayo makakasunod, ngunit makakasunod kayo pagkatapos nito.”
37 ペテロはイエスに言った、「主よ、なぜ、今あなたについて行くことができないのですか。あなたのためには、命も捨てます」。
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, bakit hindi kita masusundan kahit ngayon? Ibibigay ko ang buhay ko para sa iyo.”
38 イエスは答えられた、「わたしのために命を捨てると言うのか。よくよくあなたに言っておく。鶏が鳴く前に、あなたはわたしを三度知らないと言うであろう」。
Sumagot si Jesus, “Ibibigay mo ang buhay mo para sa akin? Tunay nga sinasabi ko sa iyo, hindi titiilaok ang tandang hanggang ikaila mo ako ng tatlong beses.

< ヨハネの福音書 13 >