< ヨブ 記 4 >

1 その時、テマンびとエリパズが答えて言った、
Sumagot si Elifaz ang Temaneo at sinabing,
2 「もし人があなたにむかって意見を述べるならば、あなたは腹を立てるでしょうか。しかしだれが黙っておれましょう。
“Kung sakaling may kumausap sa iyo, malulungkot ka ba? Pero sino ba ang makakapigil sa kaniyang sarili para magsalita?
3 見よ、あなたは多くの人を教えさとし、衰えた手を強くした。
Tingnan mo nga naman, nagturo ka sa marami, pinalakas mo ang mga nanghihinang kamay.
4 あなたの言葉はつまずく者をたすけ起し、かよわいひざを強くした。
Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
5 ところが今、この事があなたに臨むと、あなたは耐え得ない。この事があなたに触れると、あなたはおじ惑う。
Pero ngayong ikaw naman ang may kaguluhan, nanghihina ka; ikaw ay dinapuan ng kaguluhan, at ikaw ay naguluhan.
6 あなたが神を恐れていることは、あなたのよりどころではないか。あなたの道の全きことは、あなたの望みではないか。
Hindi ba dapat ang takot mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob? Hindi ba ang integridad mo sa iyong mga ginagawa ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?
7 考えてみよ、だれが罪のないのに、滅ぼされた者があるか。どこに正しい者で、断ち滅ぼされた者があるか。
Parang awa mo na, isipin mo itong mabuti: may inosente bang naghirap? O kaya may matuwid bang pinalayas?
8 わたしの見た所によれば、不義を耕し、害悪をまく者は、それを刈り取っている。
Ayon sa aking natunghayan, siyang nagbungkal ng kasalanan, at nagtanim ng kaguluhan, ay umani rin nito.
9 彼らは神のいぶきによって滅び、その怒りの息によって消えうせる。
Sila ay mamamatay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos; sa pagsabog ng kaniyang galit sila ay matutupok.
10 ししのほえる声、たけきししの声はともにやみ、若きししのきばは折られ、
Ang atungal ng mga leon, ang tinig ng mabangis na leon, maging ang pangil ng mga batang leon—ang lahat ay nabasag.
11 雄じしは獲物を得ずに滅び、雌じしの子は散らされる。
Ang matandang leon ay namatay dahil sa kawalan ng mga biktima; ang mga batang leon ng inahin ay nagkalat saan mang lugar.
12 さて、わたしに、言葉がひそかに臨んだ、わたしの耳はそのささやきを聞いた。
Subalit ngayon, may lihim na dumating sa akin, may bumulong sa aking tainga tungkol dito.
13 すなわち人の熟睡するころ、夜の幻によって思い乱れている時、
Sa mga kahulugan ng mga pangitain sa gabi, habang ang mga tao ay natutulog nang mahimbing.
14 恐れがわたしに臨んだので、おののき、わたしの骨はことごとく震えた。
Matinding takot ang siyang lumukob sa akin, at sa aking mga buto ay nanginig.
15 時に、霊があって、わたしの顔の前を過ぎたので、わたしの身の毛はよだった。
Pagkatapos isang espiritu ang dumaan sa aking harapan, at ang mga balahibo ko ay nagsipagtayuan.
16 そのものは立ちどまったが、わたしはその姿を見わけることができなかった。一つのかたちが、わたしの目の前にあった。わたしは静かな声を聞いた、
Ang espiritu ay tumigil at tumayo, pero di ko maaninag ang kaniyang anyo. Isang anyo ang nasa aking harapan, tahimik ang paligid at may bigla akong narinig,
17 『人は神の前に正しくありえようか。人はその造り主の前に清くありえようか。
“Ang isang mortal na tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos? Mas dalisay ba ang tao kaysa sa kaniyang Manlilikha?
18 見よ、彼はそのしもべをさえ頼みとせず、その天使をも誤れる者とみなされる。
Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,
19 まして、泥の家に住む者、ちりをその基とする者、しみのようにつぶされる者。
ano pa kaya silang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa putik, at ang mga pundasyon ay nasa buhangin, na mas marupok sa mga kulisap na madaling durugin?
20 彼らは朝から夕までの間に打ち砕かれ、顧みる者もなく、永遠に滅びる。
Sa pagitan ng umaga at gabi sila ay winasak; naglaho na sila magpakailanman nang walang nakakapansin sa kanila.
21 もしその天幕の綱が彼らのうちに取り去られるなら、ついに悟ることもなく、死にうせるではないか』。
Hindi ba nabunot ang tali ng kanilang mga tolda? Namatay sila, namatay sila nang walang karunungan.

< ヨブ 記 4 >