< ヘブル人への手紙 6 >

1 そういうわけだから、わたしたちは、キリストの教の初歩をあとにして、完成を目ざして進もうではないか。今さら、死んだ行いの悔改めと神への信仰、
Kung gayon, iwan na natin ang mga unang natutunan tungkol sa mensahe ni Cristo, kailangan nating magpatuloy sa pagiging ganap, at huwag na muling ilagay ang saligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa at ng pananampalataya sa Diyos,
2 洗いごとについての教と按手、死人の復活と永遠のさばき、などの基本の教をくりかえし学ぶことをやめようではないか。 (aiōnios g166)
ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. (aiōnios g166)
3 神の許しを得て、そうすることにしよう。
Gagawin din natin ito kung papahintulutan ng Diyos.
4 いったん、光を受けて天よりの賜物を味わい、聖霊にあずかる者となり、
Sapagkat imposible para sa kanila na minsan nang naliwanagan, na nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, na naging kabahagi ng Banal na Espiritu,
5 また、神の良きみ言葉と、きたるべき世の力とを味わった者たちが、 (aiōn g165)
at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, (aiōn g165)
6 そののち堕落した場合には、またもや神の御子を、自ら十字架につけて、さらしものにするわけであるから、ふたたび悔改めにたち帰ることは不可能である。
at sila nga na nahulog na—ito ay imposible nang ibalik silang muli sa pagsisisi. Ito ay dahil sa ipinako nilang muli para sa kanilang mga sarili ang nag-iisang Anak ng Diyos, ginawa siyang dahilan ng lantarang kahihiyan.
7 たとえば、土地が、その上にたびたび降る雨を吸い込で、耕す人々に役立つ作物を育てるなら、神の祝福にあずかる。
Sapagkat ang lupang tumanggap ng ulan na madalas bumuhos dito at nagbibigay ng pananim na kapaki-pakinabang para sa kanila na nagtrabaho ng lupa, ay tumanggap ng pagpapalang galing sa Diyos.
8 しかし、いばらやあざみをはえさせるなら、それは無用になり、やがてのろわれ、ついには焼かれてしまう。
Ngunit kung tubuan ito ng tinik at dawag, ito ay walang pakinabang at nanganganib na maisumpa. At ang kahahantungan nito ay pagkasunog.
9 しかし、愛する者たちよ。こうは言うものの、わたしたちは、救にかかわる更に良いことがあるのを、あなたがたについて確信している。
Kahit na kami ay nagsasalita na gaya nito, minamahal kong mga kaibigan, kami ay naniniwala sa mas mabuting mga bagay ukol sa inyo at sa mga bagay na tungkol sa kaligtasan.
10 神は不義なかたではないから、あなたがたの働きや、あなたがたがかつて聖徒に仕え、今もなお仕えて、御名のために示してくれた愛を、お忘れになることはない。
Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita para sa kaniyang pangalan, sa ganoon naglingkod kayo sa mga mananampalataya at patuloy na naglingkod sa kanila.
11 わたしたちは、あなたがたがひとり残らず、最後まで望みを持ちつづけるためにも、同じ熱意を示し、
At labis naming ninanais na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng parehong kasipagan hanggang sa wakas na may buong katiyakan ng pagtitiwala.
12 怠ることがなく、信仰と忍耐とをもって約束のものを受け継ぐ人々に見習う者となるように、と願ってやまない。
Ayaw namin na maging mabigat ang inyong katawan, sa halip maging katulad kayo ng mga magmamana ng mga pangako dahil sa pananampalataya at pagtitiis.
13 さて、神がアブラハムに対して約束されたとき、さして誓うのに、ご自分よりも上のものがないので、ご自分をさして誓って、
Sapagkat nang ginawa ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham, siya ay nanumpa sa kaniyang sarili, sapagkat hindi siya makapanumpa sa mas higit sa kaniya.
14 「わたしは、必ずあなたを祝福し、必ずあなたの子孫をふやす」と言われた。
Sinabi niya, “Tunay na ikaw ay aking pagpapalain, at labis kong dadagdagan ang iyong mga kaapu-apuhan.''
15 このようにして、アブラハムは忍耐強く待ったので、約束のものを得たのである。
Sa ganitong paraan, natanggap ni Abraham kung ano ang ipinangako pagkatapos niyang maghintay ng may pagtitiis.
16 いったい、人間は自分より上のものをさして誓うのであり、そして、その誓いはすべての反対論を封じる保証となるのである。
Sapagkat ang mga tao ay nanunumpa sa mas mataas sa kanilang mga sarili, at sa bawat pagtatalo nila, ang sinumpaan ang siyang pangwakas bilang pagpapatunay.
17 そこで、神は、約束のものを受け継ぐ人々に、ご計画の不変であることを、いっそうはっきり示そうと思われ、誓いによって保証されたのである。
Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa.
18 それは、偽ることのあり得ない神に立てられた二つの不変の事がらによって、前におかれている望みを捕えようとして世をのがれてきたわたしたちが、力強い励ましを受けるためである。
Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.
19 この望みは、わたしたちにとって、いわば、たましいを安全にし不動にする錨であり、かつ「幕の内」にはいり行かせるものである。
Mayroon tayo nitong pagtitiwala bilang matatag at maaasahan na angkla ng ating mga kaluluwa, ang pagtitiwala na pumapasok sa dakong loob sa likod ng tabing.
20 その幕の内に、イエスは、永遠にメルキゼデクに等しい大祭司として、わたしたちのためにさきがけとなって、はいられたのである。 (aiōn g165)
Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn g165)

< ヘブル人への手紙 6 >