< ヘブル人への手紙 10 >

1 いったい、律法はきたるべき良いことの影をやどすにすぎず、そのものの真のかたちをそなえているものではないから、年ごとに引きつづきささげられる同じようないけにえによっても、みまえに近づいて来る者たちを、全うすることはできないのである。
Sapagkat ang kautusan ay isang anino lamang ng mga mabubuting bagay na darating, hindi ng mga katotohanan. Hindi magagawang ganap ng kautusan ang mga lumalapit sa Diyos batay sa paraan ng parehong mga alay na inihahandog ng mga pari taun-taon.
2 もしできたとすれば、儀式にたずさわる者たちは、一度きよめられた以上、もはや罪の自覚がなくなるのであるから、ささげ物をすることがやんだはずではあるまいか。
O kung hindi, ititigil kayang maihandog ang mga alay na iyon? Sa ganiyang kalagayan, ang mga sumasamba ay nilinis ng minsan, na wala ng kamalayan sa kasalanan.
3 しかし実際は、年ごとに、いけにえによって罪の思い出がよみがえって来るのである。
Ngunit sa mga handog na iyon ay may pagpapa-alala sa mga nagawang kasalanan taun-taon.
4 なぜなら、雄牛ややぎなどの血は、罪を除き去ることができないからである。
Sapagkat hindi maaaring pawiin ng mga dugo ng toro at kambing ang mga kasalanan.
5 それだから、キリストがこの世にこられたとき、次のように言われた、「あなたは、いけにえやささげ物を望まれないで、わたしのために、からだを備えて下さった。
Nang dumating si Cristo dito sa mundo, sinabi niya, “Hindi mo nais ang mga handog o ang mga hain. Sa halip, inihanda mo ang isang katawan para sa akin.
6 あなたは燔祭や罪祭を好まれなかった。
Wala kang kasiyahan sa mga haing sinusunog o mga handog para sa kasalanan.”
7 その時、わたしは言った、『神よ、わたしにつき、巻物の書物に書いてあるとおり、見よ、御旨を行うためにまいりました』」。
At aking sinabi, “Masdan mo, narito ako upang gawin ang iyong kalooban, o Diyos, gaya ng nasusulat tungkol sa akin na nasa balumbon.”
8 ここで、初めに、「あなたは、いけにえとささげ物と燔祭と罪祭と(すなわち、律法に従ってささげられるもの)を望まれず、好まれもしなかった」とあり、
Sinabi niya gaya ng nasabi sa itaas, “Hindi mo nais ang mga handog at mga hain o ang mga handog na sinusunog para sa kasalanan, ni hindi ka nasisiyahan sa mga ito”— mga handog na inialay ayon sa kautusan.
9 次に、「見よ、わたしは御旨を行うためにまいりました」とある。すなわち、彼は、後のものを立てるために、初めのものを廃止されたのである。
At sinabi niya, “masdan mo, ako ay narito upang gawin ang iyong kalooban.” Isinantabi niya ang unang kaugalian upang maitatag ang pangalawa.
10 この御旨に基きただ一度イエス・キリストのからだがささげられたことによって、わたしたちはきよめられたのである。
Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.
11 こうして、すべての祭司は立って日ごとに儀式を行い、たびたび同じようないけにえをささげるが、それらは決して罪を除き去ることはできない。
Sa katunayan tumatayong naglilingkod ang bawat pari araw-araw, iniaalay ang parehong mga handog, kung saan, gayon pa man, hindi makatatanggal ng mga kasalanan kailanman.
12 しかるに、キリストは多くの罪のために一つの永遠のいけにえをささげた後、神の右に座し、
Ngunit pagkatapos na ialay ni Cristo ang isang handog para sa kasalanan magpakailanman, umupo siya sa kanang kamay ng Diyos,
13 それから、敵をその足台とするときまで、待っておられる。
naghihintay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay maibaba at gawing isang patungan para sa kaniyang paanan.
14 彼は一つのささげ物によって、きよめられた者たちを永遠に全うされたのである。
Dahil sa pamamagitan ng isang handog ay kaniyang ginawang ganap magpakailanman ang mga taong inihandog sa Diyos.
15 聖霊もまた、わたしたちにあかしをして、
At nagpapatotoo rin sa atin ang Banal na Espiritu. Sapagkat unang sinabi niya,
16 「わたしが、それらの日の後、彼らに対して立てようとする契約はこれであると、主が言われる。わたしの律法を彼らの心に与え、彼らの思いのうちに書きつけよう」と言い、
'' 'Ito ang tipan na aking gagawin sa kanila pagkatapos ng mga araw na iyon,' ang sabi ng Panginoon, 'Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”'
17 さらに、「もはや、彼らの罪と彼らの不法とを、思い出すことはしない」と述べている。
Pagkatapos sinabi niya, “Hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at paglabag sa kautusan.”
18 これらのことに対するゆるしがある以上、罪のためのささげ物は、もはやあり得ない。
Ngayon kung saan may kapatawaran na para sa mga ito, wala ng pag-aalay pa para sa kasalanan.
19 兄弟たちよ。こういうわけで、わたしたちはイエスの血によって、はばかることなく聖所にはいることができ、
Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.
20 彼の肉体なる幕をとおり、わたしたちのために開いて下さった新しい生きた道をとおって、はいって行くことができるのであり、
Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.
21 さらに、神の家を治める大いなる祭司があるのだから、
At dahil mayroon tayong dakilang pari sa bahay ng Diyos,
22 心はすすがれて良心のとがめを去り、からだは清い水で洗われ、まごころをもって信仰の確信に満たされつつ、みまえに近づこうではないか。
Lumapit tayo na may totoong puso na may lubos na katiyakan ng pananampalataya, na may mga pusong nawisikan at nilinis mula sa masamang budhi at ang ating katawan na nahugasan ng dalisay na tubig.
23 また、約束をして下さったのは忠実なかたであるから、わたしたちの告白する望みを、動くことなくしっかりと持ち続け、
Panghawakan ding mabuti ang paghahayag ng ating pananalig ng walang pag-aalinlangan, sapagkat ang Diyos na siyang nangako ay tapat.
24 愛と善行とを励むように互に努め、
Kaya isaalang-alang natin kung paano pasisiglahin ang isa't- isa sa pag-ibig at sa mga mabubuting gawa.
25 ある人たちがいつもしているように、集会をやめることはしないで互に励まし、かの日が近づいているのを見て、ますます、そうしようではないか。
Huwag tayong tumigil sa pagtitipon-tipon ng magkakasama, katulad ng ginawa ng ilan. Sa halip, palakasin pa natin ng higit ang isa't isa, ngayong nakikita ninyo na nalalapit na ang araw.
26 もしわたしたちが、真理の知識を受けたのちにもなお、ことさらに罪を犯しつづけるなら、罪のためのいけにえは、もはやあり得ない。
Sapagkat kung ating sasadyain ang paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang kaalaman sa katotohanan, ang handog para sa kasalanan ay hindi na umiiral.
27 ただ、さばきと、逆らう者たちを焼きつくす激しい火とを、恐れつつ待つことだけがある。
Sa halip, mayroon lamang tiyak na inaasahang nakakatakot na hatol at nagngangalit na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos.
28 モーセの律法を無視する者が、あわれみを受けることなしに、二、三の人の証言に基いて死刑に処せられるとすれば、
Sinuman na lumabag sa kautusan ni Moises ay mamamatay ng walang awa sa patunay ng dalawa o tatlong saksi.
29 神の子を踏みつけ、自分がきよめられた契約の血を汚れたものとし、さらに恵みの御霊を侮る者は、どんなにか重い刑罰に価することであろう。
Gaano pa kaya kabigat na parusa sa akala ninyo ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos, sinumang magturing sa dugo ng tipan na hindi banal, ang dugo na kaniyang inihandog sa Diyos—sinuman na humamak sa Biyaya ng Espiritu
30 「復讐はわたしのすることである。わたし自身が報復する」と言われ、また「主はその民をさばかれる」と言われたかたを、わたしたちは知っている。
Sapagkat kilala natin ang nagsabi nito, “Akin ang paghihiganti at ako ang maniningil.” At muli, “Hahatulan ng Panginoon ang kaniyang mga tao.”
31 生ける神のみ手のうちに落ちるのは、恐ろしいことである。
Nakakatakot nga ang mahulog sa mga kamay ng buhay na Diyos!
32 あなたがたは、光に照されたのち、苦しい大きな戦いによく耐えた初めのころのことを、思い出してほしい。
Ngunit alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, pagkatapos na kayo ay maliwanagan kung papaanong kayo ay nagtiis ng matinding pagdurusa.
33 そしられ苦しめられて見せ物にされたこともあれば、このようなめに会った人々の仲間にされたこともあった。
Nailantad kayo sa madla ng may pangungutya sa pamamagitan ng mga panlalait, pag-uusig at kayo ay kabilang sa mga nakaranas ng ganitong pagdurusa.
34 さらに獄に入れられた人々を思いやり、また、もっとまさった永遠の宝を持っていることを知って、自分の財産が奪われても喜んでそれを忍んだ。
Sapagkat mayroon kayong habag sa mga bilanggo, at inyong tinanggap nang may kagalakan ang pagsamsam ng inyong mga ari-arian, na alam ninyo sa inyong mga sarili na mayroon kayong mas mabuti at walang hanggang pag-aari.
35 だから、あなたがたは自分の持っている確信を放棄してはいけない。その確信には大きな報いが伴っているのである。
Kaya nga huwag ninyong isasawalang-bahala ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala.
36 神の御旨を行って約束のものを受けるため、あなたがたに必要なのは、忍耐である。
Sapagkat kailangan ninyo ng pagtitiyaga upang inyong matanggap ang ipinangako ng Diyos pagkatapos ninyong magawa ang kaniyang kalooban.
37 「もうしばらくすれば、きたるべきかたがお見えになる。遅くなることはない。
“Sapagkat sa kaunting panahon, ang siyang paparating ay tiyak na darating at hindi ito maaantala.
38 わが義人は、信仰によって生きる。もし信仰を捨てるなら、わたしのたましいはこれを喜ばない」。
Mabubuhay ang matuwid kong lingkod sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung tatalikod siya, hindi ako masisiyahan sa kaniya.”
39 しかしわたしたちは、信仰を捨てて滅びる者ではなく、信仰に立って、いのちを得る者である。
Ngunit hindi tayo katulad ng ilang tumalikod at napahamak. Sa halip, tayo ay ilan sa mga may pananampalataya upang mapanatili ang ating mga kaluluwa.

< ヘブル人への手紙 10 >