< 使徒の働き 26 >

1 アグリッパはパウロに、「おまえ自身のことを話してもよい」と言った。そこでパウロは、手をさし伸べて、弁明をし始めた。
Kaya sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari kang magsalita para sa iyong sarili.” Pagkatapos iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay at nagsalita.
2 「アグリッパ王よ、ユダヤ人たちから訴えられているすべての事に関して、きょう、あなたの前で弁明することになったのは、わたしのしあわせに思うところであります。
“Masaya ako, Haring Agripa, na gagawin ko ang pagtatanggol ng aking kaso sa harapan mo sa araw na ito laban sa lahat ng paratang ng mga Judio;
3 あなたは、ユダヤ人のあらゆる慣例や問題を、よく知り抜いておられるかたですから、わたしの申すことを、寛大なお心で聞いていただきたいのです。
lalo na, sapagkat dalubhasa ka sa lahat ng mga nakaugalian at mga katanungan ng mga Judio. Kaya't hinihingi ko ang katiyagaan mong makinig sa akin.
4 さて、わたしは若い時代には、初めから自国民の中で、またエルサレムで過ごしたのですが、そのころのわたしの生活ぶりは、ユダヤ人がみんなよく知っているところです。
nga, nalalaman nang lahat ng mga Judio kung papaano ako namuhay sa aking kabataaan sa aking sariling bansa at sa Jerusalem.
5 彼らはわたしを初めから知っているので、証言しようと思えばできるのですが、わたしは、わたしたちの宗教の最も厳格な派にしたがって、パリサイ人としての生活をしていたのです。
Kilala nila ako mula sa simula at kinakailangan nilang tanggapin na namuhay ako bilang isang Pariseo, isang napakahigpit na sekta ng aming relihiyon.
6 今わたしは、神がわたしたちの先祖に約束なさった希望をいだいているために、裁判を受けているのであります。
Ngayon nakatayo ako rito upang hatulan dahil umaasa ako sa pangako na ginawa ng Diyos sa aming mga ninuno.
7 わたしたちの十二の部族は、夜昼、熱心に神に仕えて、その約束を得ようと望んでいるのです。王よ、この希望のために、わたしはユダヤ人から訴えられています。
Sapagkat ito ang pangako na inaasahang ng aming labing dalawang tribo na tanggapin habang matiyaga silang sumasamba sa Diyos gabi at araw. Dahil sa pag-asang ito, Haring Agripa, kaya pinaratangan ako ng mga Judio.
8 神が死人をよみがえらせるということが、あなたがたには、どうして信じられないことと思えるのでしょうか。
Bakit iniisip ng iba sa inyo na hindi kapani-paniwala na buhayin ng Diyos ang mga patay?
9 わたし自身も、以前には、ナザレ人イエスの名に逆らって反対の行動をすべきだと、思っていました。
Sa isang pagkakataon naisip ko sa aking sarili na kinakailangan kong gumawa ng maraming bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
10 そしてわたしは、それをエルサレムで敢行し、祭司長たちから権限を与えられて、多くの聖徒たちを獄に閉じ込め、彼らが殺される時には、それに賛成の意を表しました。
Ginawa ko ang mga ito sa Jerusalem; Ikinulong ko ang maraming mga mananampalataya sa bilangguan, at may kapangyarihan ako mula sa mga punong pari na gawin ito; at nang ipapatay sila, ibinigay ko rin ang aking boto laban sa kanila.
11 それから、いたるところの会堂で、しばしば彼らを罰して、無理やりに神をけがす言葉を言わせようとし、彼らに対してひどく荒れ狂い、ついに外国の町々にまで、迫害の手をのばすに至りました。
Madalas ko silang pinarurusahan sa lahat ng mga sinagoga at sinubukan ko silang magsalita ng masama laban sa Diyos. Galit na galit ako sa kanila at hinabol ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.
12 こうして、わたしは、祭司長たちから権限と委任とを受けて、ダマスコに行ったのですが、
Habang ginagawa ko ito, pumunta ako sa Damasco na may kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari;
13 王よ、その途中、真昼に、光が天からさして来るのを見ました。それは、太陽よりも、もっと光り輝いて、わたしと同行者たちとをめぐり照しました。
at sa daan patungo roon, sa katanghalian tapat, Hari, Nakakita ako ng liwanag mula sa langit na higit na mas maliwanag kaysa sa araw at nagliwanag palibot sa akin at sa mga kalalakihan na naglalakbay na kasama ko.
14 わたしたちはみな地に倒れましたが、その時ヘブル語でわたしにこう呼びかける声を聞きました、『サウロ、サウロ、なぜわたしを迫害するのか。とげのあるむちをければ、傷を負うだけである』。
Nang bumagsak kaming lahat sa lupa, nakarinig ako ng tinig na nagsasalita sa akin na nag sabi sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Mahirap para sayo na sumipa sa matulis na tungkod.'
15 そこで、わたしが『主よ、あなたはどなたですか』と尋ねると、主は言われた、『わたしは、あなたが迫害しているイエスである。
Pagkatapos sinabi ko, 'Sino ka, Panginoon?' Sumagot ang Panginoon, 'Ako si Jesus na iyong inuusig.
16 さあ、起きあがって、自分の足で立ちなさい。わたしがあなたに現れたのは、あなたがわたしに会った事と、あなたに現れて示そうとしている事とをあかしし、これを伝える務に、あなたを任じるためである。
Ngayon bumangon ka at tumayo sa iyong mga paa; dahil sa layuning ito'y nagpakita ako saiyo, upang italaga ka bilang lingkod at saksi tungkol sa mga bagay na alam mo tungkol sa akin ngayon at sa mga bagay na ipapakita ko pagkatapos nito;
17 わたしは、この国民と異邦人との中から、あなたを救い出し、あらためてあなたを彼らにつかわすが、
at ililigtas kita mula sa mga tao at mula sa mga Gentil kung saan kita isusugo,
18 それは、彼らの目を開き、彼らをやみから光へ、悪魔の支配から神のみもとへ帰らせ、また、彼らが罪のゆるしを得、わたしを信じる信仰によって、聖別された人々に加わるためである』。
upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'
19 それですから、アグリッパ王よ、わたしは天よりの啓示にそむかず、
Samakatuwid, Haring Agripa, hindi ko sinuway ang pangitain mula sa langit;
20 まず初めにダマスコにいる人々に、それからエルサレムにいる人々、さらにユダヤ全土、ならびに異邦人たちに、悔い改めて神に立ち帰り、悔改めにふさわしいわざを行うようにと、説き勧めました。
ngunit, una sa mga nasa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem at sa lahat ng dako ng bansa ng Judea, at pati na rin sa mga Gentil, nangaral ako upang sila ay magsisi at bumalik sa Diyos, gumagawa ng mga bagay na karapatdapat sa pagsisisi.
21 そのために、ユダヤ人は、わたしを宮で引き捕えて殺そうとしたのです。
Sa kadahilanang ito hinuli ako ng mga Judio sa loob ng templo at sinubukan akong patayin.
22 しかし、わたしは今日に至るまで神の加護を受け、このように立って、小さい者にも大きい者にもあかしをなし、預言者たちやモーセが、今後起るべきだと語ったことを、そのまま述べてきました。
Tinulungan ako ng Diyos hanggang ngayon, kaya't tumayo ako at nagpatotoo sa mga pangkaraniwang tao at sa mga dakila na hindi hihigit sa kung ano ang sinabi ng mga propeta at ni Moises kung ano ang mangyayari;
23 すなわち、キリストが苦難を受けること、また、死人の中から最初によみがえって、この国民と異邦人とに、光を宣べ伝えるに至ることを、あかししたのです」。
na ang Cristo ay dapat magdusa, at siya ang unang ibabangon mula sa mga patay at magpapahayag ng kaliwanagan sa mga Judio at mga Gentil.”
24 パウロがこのように弁明をしていると、フェストは大声で言った、「パウロよ、おまえは気が狂っている。博学が、おまえを狂わせている」。
Nang matapos ni Pablo ang kaniyang pagtatanggol, sinabi ni Festo sa malakas na tinig, “Pablo, nababaliw ka; ang napakaraming natutunan mo ang nagpapabaliw sayo.”
25 パウロが言った、「フェスト閣下よ、わたしは気が狂ってはいません。わたしは、まじめな真実の言葉を語っているだけです。
Ngunit sinabi ni Pablo, “Hindi ako nababaliw, kagalanggalang na Festo; ngunit nilakasan ko ang aking loob na magpahayag ng mga salita ng katotohanan at kahinahunan.
26 王はこれらのことをよく知っておられるので、王に対しても、率直に申し上げているのです。それは、片すみで行われたのではないのですから、一つとして、王が見のがされたことはないと信じます。
Sapagkat nalalaman ng hari ang mga bagay na ito; at kaya't, malaya akong nakapagsasalita sa kaniya, sapagkat ako'y nahikayat na wala sa mga bagay na ito ang maitatago sa kaniya; sapakat hindi ito ginawa sa isang sulok.
27 アグリッパ王よ、あなたは預言者を信じますか。信じておられると思います」。
Naniniwala kaba sa mga propeta, Haring Agripa? Alam ko na naniniwala ka.”
28 アグリッパがパウロに言った、「おまえは少し説いただけで、わたしをクリスチャンにしようとしている」。
Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Sa maikling panahon ay hinihikayat mo ako na maging Kristiyano?”
29 パウロが言った、「説くことが少しであろうと、多くであろうと、わたしが神に祈るのは、ただあなただけでなく、きょう、わたしの言葉を聞いた人もみな、わたしのようになって下さることです。このような鎖は別ですが」。
Sinabi ni Pablo, Ipinanalangin ko sa Diyos na kahit sa maikli o mahabang panahon, hindi lang ikaw, kundi sa lahat ng nakikinig sa akin ngayon, ay maging katulad ko, ngunit maliban sa mga kadenang ito.”
30 それから、王も総督もベルニケも、また列席の人々も、みな立ちあがった。
Pagkatapos tumayo ang hari at ang gobernador, at si Bernice din at ang mga naka-upong kasama nila;
31 退場してから、互に語り合って言った、「あの人は、死や投獄に当るようなことをしてはいない」。
nang umalis sila ng bulwagan, nag-usap-usap ang bawat isa at nagsabing, “Ang taong ito ay walang ginawa na ano man na karapatdapat sa kamatayan o pagkabilanggo.”
32 そして、アグリッパがフェストに言った、「あの人は、カイザルに上訴していなかったら、ゆるされたであろうに」。
Sinabi ni Agripa kay Festo, “Ang taong ito ay maaaring napalaya na kung hindi sana siya umapila kay Cesar.”

< 使徒の働き 26 >