< 使徒の働き 22 >

1 「兄弟たち、父たちよ、いま申し上げるわたしの弁明を聞いていただきたい」。
“Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa aking pagtatanggol na aking gagawin sa inyo ngayon.
2 パウロが、ヘブル語でこう語りかけるのを聞いて、人々はますます静粛になった。
Nang marinig ng mga tao si Pablo na nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, tumahimik sila. Sinabi niya,
3 そこで彼は言葉をついで言った、「わたしはキリキヤのタルソで生れたユダヤ人であるが、この都で育てられ、ガマリエルのひざもとで先祖伝来の律法について、きびしい薫陶を受け、今日の皆さんと同じく神に対して熱心な者であった。
“Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong.
4 そして、この道を迫害し、男であれ女であれ、縛りあげて獄に投じ、彼らを死に至らせた。
Inusig ko ang Daang ito hanggang sa kamatayan; iginapos ko ang mga lalaki at gayon din ang mga babae at ipinabilanggo ko sila.
5 このことは、大祭司も長老たち一同も、証明するところである。さらにわたしは、この人たちからダマスコの同志たちへあてた手紙をもらって、その地にいる者たちを縛りあげ、エルサレムにひっぱってきて、処罰するため、出かけて行った。
Ang punong pari at lahat ng mga nakatatanda ay maaari ding sumaksi na ako ay tumanggap ng liham na galing sa kanila para sa mga kapatid sa Damasco, upang ako ay maglakbay doon. Dadalhin ko sana sa Jerusalem na nakakadena silang mga nasa Daang ito upang parusahan.
6 旅をつづけてダマスコの近くにきた時に、真昼ごろ、突然、つよい光が天からわたしをめぐり照した。
Mangyari nga nang ako ay naglalakbay at malapit na sa Damasco, bandang tanghali may biglang pumalibot na matinding liwanag sa akin na galing sa langit.
7 わたしは地に倒れた。そして、『サウロ、サウロ、なぜわたしを迫害するのか』と、呼びかける声を聞いた。
Natumba ako sa lupa at nakarinig ng tinig na nagsabi sa akin, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?'
8 これに対してわたしは、『主よ、あなたはどなたですか』と言った。すると、その声が、『わたしは、あなたが迫害しているナザレ人イエスである』と答えた。
Sumagot ako, 'Sino ka, Panginoon?' Sinabi niya sa akin, 'Ako ay si Jesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.'
9 わたしと一緒にいた者たちは、その光は見たが、わたしに語りかけたかたの声は聞かなかった。
Nakita rin ng mga nakasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang kaniyang tinig na kumausap sa akin.
10 わたしが『主よ、わたしは何をしたらよいでしょうか』と尋ねたところ、主は言われた、『起きあがってダマスコに行きなさい。そうすれば、あなたがするように決めてある事が、すべてそこで告げられるであろう』。
Sinabi ko, 'Panginoon, ano ang dapat kong gawin?' Sinabi ng Panginoon sa akin, 'Tumayo ka at magtungo sa Damasco; doon sasabihin sa iyo ang lahat ng iyong gagawin.'
11 わたしは、光の輝きで目がくらみ、何も見えなくなっていたので、連れの者たちに手を引かれながら、ダマスコに行った。
Hindi ako makakita dahil sa sinag ng liwanag, kaya pumunta ako sa Damasco na inakay ng mga kasama ko.
12 すると、律法に忠実で、ダマスコ在住のユダヤ人全体に評判のよいアナニヤという人が、
Doon nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Ananias, isang tapat na tao na sumusunod sa kautusan at maganda ang sinasabi patungkol sa kaniya ng mga Judio na nakatira doon.
13 わたしのところにきて、そばに立ち、『兄弟サウロよ、見えるようになりなさい』と言った。するとその瞬間に、わたしの目が開いて、彼の姿が見えた。
Lumapit siya sa akin, tumayo sa aking tabi, at sinabi, 'Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.' Sa mga oras din na iyon, nakita ko siya.
14 彼は言った、『わたしたちの先祖の神が、あなたを選んでみ旨を知らせ、かの義人を見させ、その口から声をお聞かせになった。
Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig.
15 それはあなたが、その見聞きした事につき、すべての人に対して、彼の証人になるためである。
Dahil ikaw ang magiging saksi sa kaniya sa lahat ng mga tao tungkol sa iyong nakita at narinig.
16 そこで今、なんのためらうことがあろうか。すぐ立って、み名をとなえてバプテスマを受け、あなたの罪を洗い落しなさい』。
At bakit ka naghihintay ngayon? Tumayo ka, at magpabautismo, at hugasan ang iyong mga kasalanan na tumatawag sa kaniyang pangalan.'
17 それからわたしは、エルサレムに帰って宮で祈っているうちに、夢うつつになり、
Pagkatapos kong makabalik sa Jerusalem at habang ako ay nananalangin sa templo, nangyari nga na binigyan ako ng pangitain.
18 主にまみえたが、主は言われた、『急いで、すぐにエルサレムを出て行きなさい。わたしについてのあなたのあかしを、人々が受けいれないから』。
Nakita ko siya na sinabi sa akin, 'Magmadali ka at lisanin kaagad ang Jerusalem, dahil hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.'
19 そこで、わたしが言った、『主よ、彼らは、わたしがいたるところの会堂で、あなたを信じる人々を獄に投じたり、むち打ったりしていたことを、知っています。
Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga.
20 また、あなたの証人ステパノの血が流された時も、わたしは立ち合っていてそれに賛成し、また彼を殺した人たちの上着の番をしていたのです』。
Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya.
21 すると、主がわたしに言われた、『行きなさい。わたしが、あなたを遠く異邦の民へつかわすのだ』」。
Ngunit sinabi niya sa akin “Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil.”
22 彼の言葉をここまで聞いていた人々は、このとき、声を張りあげて言った、「こんな男は地上から取り除いてしまえ。生かしおくべきではない」。
Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, “Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay.”
23 人々がこうわめき立てて、空中に上着を投げ、ちりをまき散らす始末であったので、
Habang sila ay nagsisigawan, hinahagis nila ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis ng alikabok sa hangin
24 千卒長はパウロを兵営に引き入れるように命じ、どういうわけで、彼に対してこんなにわめき立てているのかを確かめるため、彼をむちの拷問にかけて、取り調べるように言いわたした。
at ipinag-utos ng punong kapitan na dalhin si Pablo sa kampo. Iniutos na hagupitin siya habang tinatanong, upang malaman niya kung bakit nagsisigawan sila laban sa kaniya ng ganoon.
25 彼らがむちを当てるため、彼を縛りつけていた時、パウロはそばに立っている百卒長に言った、「ローマの市民たる者を、裁判にかけもしないで、むち打ってよいのか」。
Nang magapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa tabi, “Naaayon ba sa batas na hagupitin mo ang isang taong Romano na hindi pa nahahatulan?”
26 百卒長はこれを聞き、千卒長のところに行って報告し、そして言った、「どうなさいますか。あの人はローマの市民なのです」。
Nang marinig ito ng senturion, pinuntahan niya ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Ano ang gagawin mo? Dahil ang taong ito ay isang mamamayang Romano.”
27 そこで、千卒長がパウロのところにきて言った、「わたしに言ってくれ。あなたはローマの市民なのか」。パウロは「そうです」と言った。
Pumunta ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, isa ka nga bang Romano?” sinabi ni Pablo, “Oo.”
28 これに対して千卒長が言った、「わたしはこの市民権を、多額の金で買い取ったのだ」。するとパウロは言った、「わたしは生れながらの市民です」。
Sumagot ang punong kapitan, “Dahil lamang sa malaking halaga ng salapi kaya ako naging isang mamamayan.”Ngunit sinabi ni Pablo, “Ipinanganak ako na isang mamamayang Roma.”
29 そこで、パウロを取り調べようとしていた人たちは、ただちに彼から身を引いた。千卒長も、パウロがローマの市民であること、また、そういう人を縛っていたことがわかって、恐れた。
At ang mga tao na magtatanong sa kaniya ay agad na iniwan siya. Natakot din ang punong kapitan, nang malaman niya na si Pablo ay isang mamamayang Romano, dahil ipinagapos niya siya.
30 翌日、彼は、ユダヤ人がなぜパウロを訴え出たのか、その真相を知ろうと思って彼を解いてやり、同時に祭司長たちと全議会とを召集させ、そこに彼を引き出して、彼らの前に立たせた。
Sa sumunod na araw, gustong malaman ng punong kapitan ang katotohanan tungkol sa mga paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya tinanggal niya ang gapos at inutusan ang mga punong pari at lahat ng konseho upang magpulong. At dinala nila si Pablo sa baba at iniharap sa kanila.

< 使徒の働き 22 >