< 使徒の働き 2 >

1 五旬節の日がきて、みんなの者が一緒に集まっていると、
Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
2 突然、激しい風が吹いてきたような音が天から起ってきて、一同がすわっていた家いっぱいに響きわたった。
Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
3 また、舌のようなものが、炎のように分れて現れ、ひとりびとりの上にとどまった。
Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
4 すると、一同は聖霊に満たされ、御霊が語らせるままに、いろいろの他国の言葉で語り出した。
Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
5 さて、エルサレムには、天下のあらゆる国々から、信仰深いユダヤ人たちがきて住んでいたが、
Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
6 この物音に大ぜいの人が集まってきて、彼らの生れ故郷の国語で、使徒たちが話しているのを、だれもかれも聞いてあっけに取られた。
Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
7 そして驚き怪しんで言った、「見よ、いま話しているこの人たちは、皆ガリラヤ人ではないか。
Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
8 それだのに、わたしたちがそれぞれ、生れ故郷の国語を彼らから聞かされるとは、いったい、どうしたことか。
Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
9 わたしたちの中には、パルテヤ人、メジヤ人、エラム人もおれば、メソポタミヤ、ユダヤ、カパドキヤ、ポントとアジヤ、
Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,
10 フルギヤとパンフリヤ、エジプトとクレネに近いリビヤ地方などに住む者もいるし、またローマ人で旅にきている者、
sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma,
11 ユダヤ人と改宗者、クレテ人とアラビヤ人もいるのだが、あの人々がわたしたちの国語で、神の大きな働きを述べるのを聞くとは、どうしたことか」。
Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.”
12 みんなの者は驚き惑って、互に言い合った、「これは、いったい、どういうわけなのだろう」。
Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”
13 しかし、ほかの人たちはあざ笑って、「あの人たちは新しい酒で酔っているのだ」と言った。
Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.”
14 そこで、ペテロが十一人の者と共に立ちあがり、声をあげて人々に語りかけた。「ユダヤの人たち、ならびにエルサレムに住むすべてのかたがた、どうか、この事を知っていただきたい。わたしの言うことに耳を傾けていただきたい。
Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin.
15 今は朝の九時であるから、この人たちは、あなたがたが思っているように、酒に酔っているのではない。
Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
16 そうではなく、これは預言者ヨエルが預言していたことに外ならないのである。すなわち、
Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel:
17 『神がこう仰せになる。終りの時には、わたしの霊をすべての人に注ごう。そして、あなたがたのむすこ娘は預言をし、若者たちは幻を見、老人たちは夢を見るであろう。
'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
18 その時には、わたしの男女の僕たちにもわたしの霊を注ごう。そして彼らも預言をするであろう。
Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
19 また、上では、天に奇跡を見せ、下では、地にしるしを、すなわち、血と火と立ちこめる煙とを、見せるであろう。
Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
20 主の大いなる輝かしい日が来る前に、日はやみに月は血に変るであろう。
Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon.
21 そのとき、主の名を呼び求める者は、みな救われるであろう』。
Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
22 イスラエルの人たちよ、今わたしの語ることを聞きなさい。あなたがたがよく知っているとおり、ナザレ人イエスは、神が彼をとおして、あなたがたの中で行われた数々の力あるわざと奇跡としるしとにより、神からつかわされた者であることを、あなたがたに示されたかたであった。
Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-
23 このイエスが渡されたのは神の定めた計画と予知とによるのであるが、あなたがたは彼を不法の人々の手で十字架につけて殺した。
dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay;
24 神はこのイエスを死の苦しみから解き放って、よみがえらせたのである。イエスが死に支配されているはずはなかったからである。
binuhay ng Diyos, inalis ang mga sakit at kamatayan sa kaniya, sapagakat hindi siya maaaring pigilan nito.
25 ダビデはイエスについてこう言っている、『わたしは常に目の前に主を見た。主は、わたしが動かされないため、わたしの右にいて下さるからである。
Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kaniya, 'Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, sapagkat siya ay nasa aking kanang kamay upang hindi ako matinag.
26 それゆえ、わたしの心は楽しみ、わたしの舌はよろこび歌った。わたしの肉体もまた、望みに生きるであろう。
Samakatuwid, natuwa ang aking puso at nagalak ang aking dila. Maging ang aking laman ay mamumuhay nang may pananalig.
27 あなたは、わたしの魂を黄泉に捨ておくことをせず、あなたの聖者が朽ち果てるのを、お許しにならないであろう。 (Hadēs g86)
Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. (Hadēs g86)
28 あなたは、いのちの道をわたしに示し、み前にあって、わたしを喜びで満たして下さるであろう』。
Ipinahayag mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupunuin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.'
29 兄弟たちよ、族長ダビデについては、わたしはあなたがたにむかって大胆に言うことができる。彼は死んで葬られ、現にその墓が今日に至るまで、わたしたちの間に残っている。
Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon.
30 彼は預言者であって、『その子孫のひとりを王位につかせよう』と、神が堅く彼に誓われたことを認めていたので、
Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono.
31 キリストの復活をあらかじめ知って、『彼は黄泉に捨ておかれることがなく、またその肉体が朽ち果てることもない』と語ったのである。 (Hadēs g86)
Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' (Hadēs g86)
32 このイエスを、神はよみがえらせた。そして、わたしたちは皆その証人なのである。
Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.
33 それで、イエスは神の右に上げられ、父から約束の聖霊を受けて、それをわたしたちに注がれたのである。このことは、あなたがたが現に見聞きしているとおりである。
Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 ダビデが天に上ったのではない。彼自身こう言っている、『主はわが主に仰せになった、
Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay,
35 あなたの敵をあなたの足台にするまでは、わたしの右に座していなさい』。
hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”
36 だから、イスラエルの全家は、この事をしかと知っておくがよい。あなたがたが十字架につけたこのイエスを、神は、主またキリストとしてお立てになったのである」。
Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”
37 人々はこれを聞いて、強く心を刺され、ペテロやほかの使徒たちに、「兄弟たちよ、わたしたちは、どうしたらよいのでしょうか」と言った。
Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, “Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?”
38 すると、ペテロが答えた、「悔い改めなさい。そして、あなたがたひとりびとりが罪のゆるしを得るために、イエス・キリストの名によって、バプテスマを受けなさい。そうすれば、あなたがたは聖霊の賜物を受けるであろう。
At sinabi ni Pedro sa kanila, “Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu.
39 この約束は、われらの主なる神の召しにあずかるすべての者、すなわちあなたがたと、あなたがたの子らと、遠くの者一同とに、与えられているものである」。
Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
40 ペテロは、ほかになお多くの言葉であかしをなし、人々に「この曲った時代から救われよ」と言って勧めた。
Pinatotohanan at hinimok niya sila sa pamamagitan ng maraming mga salita; sinabi niya,” Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga masasamang salin-lahing ito.
41 そこで、彼の勧めの言葉を受けいれた者たちは、バプテスマを受けたが、その日、仲間に加わったものが三千人ほどあった。
Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa.
42 そして一同はひたすら、使徒たちの教を守り、信徒の交わりをなし、共にパンをさき、祈をしていた。
Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin.
43 みんなの者におそれの念が生じ、多くの奇跡としるしとが、使徒たちによって、次々に行われた。
Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol.
44 信者たちはみな一緒にいて、いっさいの物を共有にし、
Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian,
45 資産や持ち物を売っては、必要に応じてみんなの者に分け与えた。
at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa.
46 そして日々心を一つにして、絶えず宮もうでをなし、家ではパンをさき、よろこびと、まごころとをもって、食事を共にし、
Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
47 神をさんびし、すべての人に好意を持たれていた。そして主は、救われる者を日々仲間に加えて下さったのである。
Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.

< 使徒の働き 2 >