< 使徒の働き 11 >

1 さて、異邦人たちも神の言を受けいれたということが、使徒たちやユダヤにいる兄弟たちに聞えてきた。
Ngayon narinig ng mga alagad at mga kapatiran na nasa Judea na ang mga Gentil ay tumanggap din ng salita ng Diyos.
2 そこでペテロがエルサレムに上ったとき、割礼を重んじる者たちが彼をとがめて言った、
Nang makarating si Pedro sa Jerusalem, pinuna ng mga taong nabibilang sa mga tinuling pangkat;
3 「あなたは、割礼のない人たちのところに行って、食事を共にしたということだが」。
sinabi nila, “Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!”
4 そこでペテロは口を開いて、順序正しく説明して言った、
Ngunit nagsimulang ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang bagay na iyon ng detalyado; sinabi niya,
5 「わたしがヨッパの町で祈っていると、夢心地になって幻を見た。大きな布のような入れ物が、四すみをつるされて、天から降りてきて、わたしのところにとどいた。
Nananalangin ako sa lungsod ng Joppa, nang ako'y makakita ng isang pangitain ng isang sisidlang bumababa, katulad ng malaking kumot na ipinababa sa pamamagitan ng apat na sulok nito. Ito ay bumaba sa akin.
6 注意して見つめていると、地上の四つ足、野の獣、這うもの、空の鳥などが、はいっていた。
Minasdan ko ito at inisip ko ang tungkol dito. Nakita ko ang mga may apat na paang mga hayop sa lupa, mga mababangis na hayop, mga hayop na gumagapang, at mga ibon sa himpapawid.
7 それから声がして、『ペテロよ、立って、それらをほふって食べなさい』と、わたしに言うのが聞えた。
Pagkatapos narinig ko ang tinig na nagsabi sa akin, “Bumangon ka, Pedro; kumatay at kumain.”
8 わたしは言った、『主よ、それはできません。わたしは今までに、清くないものや汚れたものを口に入れたことが一度もございません』。
Sinabi ko, “Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailanman walang hindi banal o hindi malinis na pumasok sa aking bibig.”
9 すると、二度目に天から声がかかってきた、『神がきよめたものを、清くないなどと言ってはならない』。
Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, “Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis.”
10 こんなことが三度もあってから、全部のものがまた天に引き上げられてしまった。
Nangyari ito ng tatlong beses, at pagkatapos noon ang lahat ay naibalik muli sa langit.
11 ちょうどその時、カイザリヤからつかわされてきた三人の人が、わたしたちの泊まっていた家に着いた。
At narito, agad na may tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay kung saan kami naroon; sila ay ipinadala sa akin mula Cesarea.
12 御霊がわたしに、ためらわずに彼らと共に行けと言ったので、ここにいる六人の兄弟たちも、わたしと一緒に出かけて行き、一同がその人の家にはいった。
Iniutos ng Espiritu sa akin na sumama sa kanila, at dapat hindi ako tatangi sa kanila. Itong anim na mga kapatid ay sumama sa akin, at pumasok kami sa bahay ng lalaki.
13 すると彼はわたしたちに、御使が彼の家に現れて、『ヨッパに人をやって、ペテロと呼ばれるシモンを招きなさい。
Sinabi niya sa amin kung paano niya nakita ang anghel na nakatayo sa kaniyang bahay at nagsasabing, “Magpadala ka ng mga lalaki sa Joppa at sunduin si Simon na ang isa pang pangalan ay Pedro.
14 この人は、あなたとあなたの全家族とが救われる言葉を語って下さるであろう』と告げた次第を、話してくれた。
Siya ay magsasalita sa iyo ng isang mensahe na sa pamamagitan nito maliligtas ka— ikaw at lahat ng iyong sambahayan.”
15 そこでわたしが語り出したところ、聖霊が、ちょうど最初わたしたちの上にくだったと同じように、彼らの上にくだった。
Nang magsimula akong magsalita sa kanila, dumating ang Banal na Espiritu sa kanila, gayang nangyari sa atin noong una.
16 その時わたしは、主が『ヨハネは水でバプテスマを授けたが、あなたがたは聖霊によってバプテスマを受けるであろう』と仰せになった言葉を思い出した。
Naalala ko ang mga salita ng Panginoon, kung paano niya sinabing, “Tunay nga na nagbautismo si Juan ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa Banal na Espiritu.”
17 このように、わたしたちが主イエス・キリストを信じた時に下さったのと同じ賜物を、神が彼らにもお与えになったとすれば、わたしのような者が、どうして神を妨げることができようか」。
At kung ibinigay ng Diyos sa kanila ang parehong kaloob na gaya ng ibinigay niya sa atin nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ba ako upang salungatin ang Diyos?”
18 人々はこれを聞いて黙ってしまった。それから神をさんびして、「それでは神は、異邦人にも命にいたる悔改めをお与えになったのだ」と言った。
Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, “Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay.”
19 さて、ステパノのことで起った迫害のために散らされた人々は、ピニケ、クプロ、アンテオケまでも進んで行ったが、ユダヤ人以外の者には、だれにも御言を語っていなかった。
Kaya kumalat ang mga mananampalataya mula Jerusalem dahil sa paghihirap na nagumpisa noong kamatayan ni Esteban—ang mga mananampalatayang ito ay umabot sa mga malalayong lugar ng Fenicia, Sayprus at Antioquia. Sinabi nila ang mensahe tungkol kay Jesus sa mga Judio lamang, at wala nang iba pa.
20 ところが、その中に数人のクプロ人とクレネ人がいて、アンテオケに行ってからギリシヤ人にも呼びかけ、主イエスを宣べ伝えていた。
Ngunit ang ilan sa kanila, na mga lalaking taga- Sayprus at taga-Cirene, ay pumunta sa Antioquia at nagsalita sa mga Griego rin at ipinangaral ang Panginoong Jesus.
21 そして、主のみ手が彼らと共にあったため、信じて主に帰依するものの数が多かった。
At ang kamay ng Panginoon ay kasama nila; malaking bilang ang nanampalataya at bumalik sa Panginoon.
22 このうわさがエルサレムにある教会に伝わってきたので、教会はバルナバをアンテオケにつかわした。
Ang balita tungkol sa kanila ay nakarating sa tainga ng iglesia sa Jerusalem: at kanilang ipinadala si Bernabe hanggang sa Antioquia.
23 彼は、そこに着いて、神のめぐみを見てよろこび、主に対する信仰を揺るがない心で持ちつづけるようにと、みんなの者を励ました。
Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.
24 彼は聖霊と信仰とに満ちた立派な人であったからである。こうして主に加わる人々が、大ぜいになった。
Sapagkat siya'y mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, at maraming tao ang naidagdag sa Panginoon.
25 そこでバルナバはサウロを捜しにタルソへ出かけて行き、
Pagkatapos nito, pumunta ng Tarso si Bernabe upang hanapin si Saulo.
26 彼を見つけたうえ、アンテオケに連れて帰った。ふたりは、まる一年、ともどもに教会で集まりをし、大ぜいの人々を教えた。このアンテオケで初めて、弟子たちがクリスチャンと呼ばれるようになった。
Nang makita niya siya, isinama niya siya sa Antioquia. At nangyari, na sa loob ng isang taon, nakitipon sila sa iglesia at tinuruan ang maraming tao. At ang mga alagad ay unang tinawag na Kristiyano sa Antioquia.
27 そのころ、預言者たちがエルサレムからアンテオケにくだってきた。
Ngayon sa mga araw na ito ilang mga propeta ang bumaba mula Jerusalem papuntang Antioquia.
28 その中のひとりであるアガボという者が立って、世界中に大ききんが起るだろうと、御霊によって預言したところ、果してそれがクラウデオ帝の時に起った。
Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio.
29 そこで弟子たちは、それぞれの力に応じて、ユダヤに住んでいる兄弟たちに援助を送ることに決めた。
Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa.
30 そして、それをバルナバとサウロとの手に託して、長老たちに送りとどけた。
Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.

< 使徒の働き 11 >