< テモテへの手紙第二 1 >

1 神の御旨により、キリスト・イエスにあるいのちの約束によって立てられたキリスト・イエスの使徒パウロから、
Mula kay Pablo, na isang apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ayon sa pangako ng buhay na nakay Cristo Jesus,
2 愛する子テモテへ。父なる神とわたしたちの主キリスト・イエスから、恵みとあわれみと平安とが、あなたにあるように。
para kay Timoteo, pinakamamahal na anak: Biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
3 わたしは、日夜、祈の中で、絶えずあなたのことを思い出しては、きよい良心をもって先祖以来つかえている神に感謝している。
Nagpapasalamat ako sa Diyos, na aking pinaglilingkuran mula pa sa aking mga ninuno, na may malinis na budhi, habang patuloy kitang inaalala sa aking mga panalangin. Gabi at araw,
4 わたしは、あなたの涙をおぼえており、あなたに会って喜びで満たされたいと、切に願っている。
nananabik akong makita ka, upang maaari akong mapuno ng kagalakan. Naaalala ko ang iyong mga pagluha.
5 また、あなたがいだいている偽りのない信仰を思い起している。この信仰は、まずあなたの祖母ロイスとあなたの母ユニケとに宿ったものであったが、今あなたにも宿っていると、わたしは確信している。
Napaalalahanan ako sa tapat mong pananampalataya na unang ipinamuhay ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice. At natitiyak ko na ipinapamuhay mo rin ito.
6 こういうわけで、あなたに注意したい。わたしの按手によって内にいただいた神の賜物を、再び燃えたたせなさい。
Ito ang dahilan na pinapaalalahanan kita na pagningasin muli ang kaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pagpatong ko ng aking mga kamay.
7 というのは、神がわたしたちに下さったのは、臆する霊ではなく、力と愛と慎みとの霊なのである。
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig at disiplina.
8 だから、あなたは、わたしたちの主のあかしをすることや、わたしが主の囚人であることを、決して恥ずかしく思ってはならない。むしろ、神の力にささえられて、福音のために、わたしと苦しみを共にしてほしい。
Kaya huwag mong ikakahiya ang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, maging ako, si Pablo, na kaniyang bilanggo. Sa halip, makibahagi sa pagdurusa para sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos.
9 神はわたしたちを救い、聖なる招きをもって召して下さったのであるが、それは、わたしたちのわざによるのではなく、神ご自身の計画に基き、また、永遠の昔にキリスト・イエスにあってわたしたちに賜わっていた恵み、 (aiōnios g166)
Ang Diyos ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag. Ginawa niya ito, hindi ayon sa ating mga gawa, ngunit ayon sa kaniyang layunin at biyaya. Ibinigay niya ang mga bagay na ito sa atin kay Cristo Jesus bago pa ang pasimula ng panahon. (aiōnios g166)
10 そして今や、わたしたちの救主キリスト・イエスの出現によって明らかにされた恵みによるのである。キリストは死を滅ぼし、福音によっていのちと不死とを明らかに示されたのである。
Ngunit ngayon naihayag na ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Si Cristo ang siyang naglagay ng hangganan sa kamatayan at nagdala ng buhay na walang hangganan upang magliwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo.
11 わたしは、この福音のために立てられて、その宣教者、使徒、教師になった。
Dahil dito, ako ay hinirang na tagapangaral, isang apostol, at tagapagturo.
12 そのためにまた、わたしはこのような苦しみを受けているが、それを恥としない。なぜなら、わたしは自分の信じてきたかたを知っており、またそのかたは、わたしにゆだねられているものを、かの日に至るまで守って下さることができると、確信しているからである。
Dahil dito ako din ay nagdurusa sa mga bagay na ito. Ngunit hindi ako nahiya, sapagkat kilala ko ang aking pinaniwalaan. Natitiyak ko na kaya niyang ingatan ang anumang bagay na ipinagkatiwala ko sa kaniya hanggang sa araw na iyon.
13 あなたは、キリスト・イエスに対する信仰と愛とをもって、わたしから聞いた健全な言葉を模範にしなさい。
Ingatan mo ang mga halimbawa ng mga tapat na mensaheng narinig mo sa akin, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus.
14 そして、あなたにゆだねられている尊いものを、わたしたちの内に宿っている聖霊によって守りなさい。
Ang mabuting bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, bantayan mo ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na namumuhay sa atin.
15 あなたの知っているように、アジヤにいる者たちは、皆わたしから離れて行った。その中には、フゲロとヘルモゲネもいる。
Alam mo ito, na lahat ng nakatira sa Asya ay tumalikod sa akin. Sa grupong ito ay sina Figelo at Hermogenes.
16 どうか、主が、オネシポロの家にあわれみをたれて下さるように。彼はたびたび、わたしを慰めてくれ、またわたしの鎖を恥とも思わないで、
Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat madalas niya akong pinalalakas at hindi niya ikinahiya ang aking kadena.
17 ローマに着いた時には、熱心にわたしを捜しまわった末、尋ね出してくれたのである。
Sa halip, noong nasa Roma siya, masigasig niya akong hinanap, at natagpuan niya ako.
18 どうか、主がかの日に、あわれみを彼に賜わるように。彼がエペソで、どれほどわたしに仕えてくれたかは、だれよりもあなたがよく知っている。
Ang Panginoon nawa ang magkaloob sa kaniya upang kaniyang masumpungan ang habag sa araw na iyon. At alam mo ng lubusan ang lahat ng paraan ng pagtulong niya sa akin sa Efeso.

< テモテへの手紙第二 1 >