< コリント人への手紙第二 8 >

1 兄弟たちよ。わたしたちはここで、マケドニヤの諸教会に与えられた神の恵みを、あなたがたに知らせよう。
Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, tungkol sa biyaya ng Diyos na naibigay sa mga iglesiya sa Macedonia.
2 すなわち、彼らは、患難のために激しい試錬をうけたが、その満ちあふれる喜びは、極度の貧しさにもかかわらず、あふれ出て惜しみなく施す富となったのである。
Sa panahon ng matinding pagsubok sa pagdadalamhati, ang kasaganahan ng kanilang kagalakan at ang mahigpit na pangangailangan sa kanilang kahirapan ay nagbunga ng matinding kasaganahan ng kagandahang loob.
3 わたしはあかしするが、彼らは力に応じて、否、力以上に施しをした。すなわち、自ら進んで、
Sapagkat nagpapatotoo ako na nagbigay sila hanggang sa kanilang makakaya, at labis pa sa kung ano ang kanilang makakaya. At naaayon sa kanilang sariling kalooban
4 聖徒たちへの奉仕に加わる恵みにあずかりたいと、わたしたちに熱心に願い出て、
nang may matinding pagmamakaawa, sumasamo sila sa amin para sa pagkakataon ng pagbabahagi sa paglilingkod sa mga mananampalataya.
5 わたしたちの希望どおりにしたばかりか、自分自身をまず、神のみこころにしたがって、主にささげ、また、わたしたちにもささげたのである。
Hindi ito nangyari nang gaya sa aming inaasahan. Sa halip, una nilang ibinigay ang kanilang mga sarili sa Panginoon. At ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa amin ayon sa kalooban ng Diyos.
6 そこで、この募金をテトスがあなたがたの所で、すでに始めた以上、またそれを完成するようにと、わたしたちは彼に勧めたのである。
Kaya hinimok namin si Tito, na nagsimula ng gawaing ito, upang maisakatuparan ang gawaing ito ng kagandahang loob para sa inyo.
7 さて、あなたがたがあらゆる事がらについて富んでいるように、すなわち、信仰にも言葉にも知識にも、あらゆる熱情にも、また、あなたがたに対するわたしたちの愛にも富んでいるように、この恵みのわざにも富んでほしい。
Ngunit nanagana kayo sa lahat ng bagay—sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa lahat ng kasipagan, at sa inyong pag-ibig para sa amin. Kaya siguraduhin niyo na managana kayo sa mga gawain ng kagandahang loob.
8 こう言っても、わたしは命令するのではない。ただ、他の人たちの熱情によって、あなたがたの愛の純真さをためそうとするのである。
SInasabi ko ito hindi bilang isang utos. Sa halip, sinasabi ko ito upang subukan ang katapatan ng inyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa pananabik ng ibang tao.
9 あなたがたは、わたしたちの主イエス・キリストの恵みを知っている。すなわち、主は富んでおられたのに、あなたがたのために貧しくなられた。それは、あなたがたが、彼の貧しさによって富む者になるためである。
Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kahit na siya ay mayaman, para sa inyong kapakanan siya ay naging mahirap, upang sa pamamagitan ng kaniyang kahirapan kayo ay maaaring maging mayaman.
10 そこで、わたしは、この恵みのわざについて意見を述べよう。それがあなたがたの益になるからである。あなたがたはこの事を、昨年以来、他に先んじて実行したばかりではなく、それを願っていた。
Sa bagay na ito bibigyan ko kayo ng payo na makakatulong sa inyo. Isang taon ang nakakaraan, hindi lang kayo nagsimulang gumawa ng isang bagay, kundi ninais ninyong gawin ito.
11 だから今、それをやりとげなさい。あなたがたが心から願っているように、持っているところに応じて、それをやりとげなさい。
Ngayon tapusin ninyo ito. Katulad ng pagsisikap at kagustuhan na gawin ito noon, matapos ninyo rin sana ito, hanggang kaya ninyo.
12 もし心から願ってそうするなら、持たないところによらず、持っているところによって、神に受けいれられるのである。
Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya.
13 それは、ほかの人々に楽をさせて、あなたがたに苦労をさせようとするのではなく、持ち物を等しくするためである。
Sapagkat ang gawaing ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at ang iba ay mabigatan. Sa halip, dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay.
14 すなわち、今の場合は、あなたがたの余裕があの人たちの欠乏を補い、後には、彼らの余裕があなたがたの欠乏を補い、こうして等しくなるようにするのである。
Ang iyong kasaganaan sa panahong ito ay makapagbibigay sa kung anuman ang kanilang pangangailangan. Ito ay dahil din sa ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagbigay ng iyong pangangailangan, at nang magkaroon ng pagkakapantay-pantay.
15 それは「多く得た者も余ることがなく、少ししか得なかった者も足りないことはなかった」と書いてあるとおりである。
Katulad ito ng nasusulat: “Ang nananagana ay nawalan ng labis, at ang may kaunti ay hindi nagkulang.”
16 わたしがあなたがたに対して持っている同じ熱情を、テトスの心にも与えて下さった神に感謝する。
Ngunit salamat sa Diyos, na naglagay sa puso ni Tito nang katulad ng pagmamalasakit na mayroon ako para sa inyo.
17 彼はわたしの勧めを受けいれ、そして更に熱心になって、自分から進んであなたがたのところに行った。
Sapagkat hindi niya lamang tinanggap ang aming panawagan, ngunit siya rin ay naging napaka-masikap tungkol dito. Dumating siya sa inyo sa kaniyang sariling kagustuhan.
18 わたしたちはまた、テトスと一緒に、ひとりの兄弟を送る。この兄弟が福音宣伝の上で得たほまれは、すべての教会に聞えているが、
Siya ay ipinadala namin kasama ang kapatid na pinupuri sa lahat ng mga iglesiya sa kaniyang gawa sa pagpapahayag ng ebanghelyo.
19 そのうえ、彼は、主ご自身の栄光があらわれるため、また、わたしたちの好意を示すために、骨を折って贈り物を集めているわたしたちの同伴者として、諸教会から選ばれたのである。
Hindi lamang ito, ngunit siya rin ang inihalal ng mga simbahan na maglakbay kasama namin sa aming pagangasiwa ng kagandahang loob. Ito ay para sa karangalan ng Panginoon at sa ating pagsusumikap na makatulong.
20 そうしたのは、わたしたちが集めているこの寄附金のことについて、人にかれこれ言われるのを避けるためである。
Kami ay umiiwas na magkaroon ng sino mang magreresklamo tungkol sa amin hinggil sa kagandahang loob na ito na ating pinangangasiwaan.
21 わたしたちは、主のみまえばかりではなく、人の前でも公正であるように、気を配っているのである。
Iniingatan naming gawin kung ano ang kagalang-galang, hindi lamang sa harap ng Panginoon, ngunit sa harap din ng mga tao.
22 また、もうひとりの兄弟を彼らと一緒に送る。わたしたちは、多くの事について彼が熱心であったことを、たびたび認めた。彼は今、あなたがたを非常に信頼して、ますます熱心になっている。
Ipinapadala rin namin kasama nila ang isa pang kapatid. Siya ay madalas naming nasubok, at napatunayan naming siya ay masigasig sa maraming gawain. Siya ay higit na masipag na ngayon dahil sa matibay na paniniwala niya sa inyo.
23 テトスについて言えば、彼はわたしの仲間であり、あなたがたに対するわたしの協力者である。この兄弟たちについて言えば、彼らは諸教会の使者、キリストの栄光である。
Patungkol naman kay Tito, siya ang aking kasama at kamanggagawa sa inyo. Gayon din naman sa aming mga kapatid, sila ay ipinadala ng mga iglesia. Sila ay karangalan kay Cristo.
24 だから、あなたがたの愛と、また、あなたがたについてわたしたちがいだいている誇とが、真実であることを、諸教会の前で彼らにあかししていただきたい。
Kaya ipakita niyo sa kanila ang inyong pag-ibig, at ipakita sa mga iglesia ang dahilan ng aming pagmamalaki tungkol sa inyo.

< コリント人への手紙第二 8 >