< コリント人への手紙第二 3 >

1 わたしたちは、またもや、自己推薦をし始めているのだろうか。それとも、ある人々のように、あなたがたにあてた、あるいは、あなたがたからの推薦状が必要なのだろうか。
Sinisimulan ba naming papurihang muli ang aming mga sarili? Hindi namin kailangan ng mga liham ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo, tulad ng ibang tao, hindi ba?
2 わたしたちの推薦状は、あなたがたなのである。それは、わたしたちの心にしるされていて、すべての人に知られ、かつ読まれている。
Kayo mismo, ang aming liham ng rekomendasyon, nasusulat sa aming mga puso, alam at nababasa sa pamamagitan ng lahat ng tao.
3 そして、あなたがたは自分自身が、わたしたちから送られたキリストの手紙であって、墨によらず生ける神の霊によって書かれ、石の板にではなく人の心の板に書かれたものであることを、はっきりとあらわしている。
At pinakita ninyo na kayo ay liham mula kay Cristo, na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito ay naisulat hindi sa tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na buhay. Hindi ito nasusulat sa tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng puso ng mga tao.
4 こうした確信を、わたしたちはキリストにより神に対していだいている。
At ito ang tiwala na mayroon kami sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
5 もちろん、自分自身で事を定める力が自分にある、と言うのではない。わたしたちのこうした力は、神からきている。
Wala kaming kakayahan sa aming mga sarili upang angkinin ang anumang bagay na galing mula sa amin. Sa halip, ang aming kakayahan ay mula sa Diyos.
6 神はわたしたちに力を与えて、新しい契約に仕える者とされたのである。それは、文字に仕える者ではなく、霊に仕える者である。文字は人を殺し、霊は人を生かす。
ito ang Diyos na siyang gumawa na makaya naming kami ay maging mga lingkod ng isang bagong tipan. Ito ang tipan na hindi isang sulat ngunit ng Espiritu. Dahil ang sulat ay nakamamatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 もし石に彫りつけた文字による死の務が栄光のうちに行われ、そのためイスラエルの子らは、モーセの顔の消え去るべき栄光のゆえに、その顔を見つめることができなかったとすれば、
Ngayon ang gawa ng kamatayan na nakaukit sa mga salita sa ibabaw ng bato ay dumating ng may kaluwalhatian na ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Moises. Dahil ito sa kaluwalhatiang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaluwalhatian na naglalaho.
8 まして霊の務は、はるかに栄光あるものではなかろうか。
Hindi ba't ang mga gawa ng Espiritu ay siyang higit na maluwalhati?
9 もし罪を宣告する務が栄光あるものだとすれば、義を宣告する務は、はるかに栄光に満ちたものである。
Dahil kung ang paglilingkod ng kahatulan ay may kaluwalhatian, gaano pa kaya nananagana ang paglilingkod ng katuwiran sa kaluwalhatian!
10 そして、すでに栄光を受けたものも、この場合、はるかにまさった栄光のまえに、その栄光を失ったのである。
Dahil sa katunayan, ang minsang naging maluwalhati ay hindi na naging maluwalhati sa paraang ito, dahil sa kaluwalhatian na humigit dito.
11 もし消え去るべきものが栄光をもって現れたのなら、まして永存すべきものは、もっと栄光のあるべきものである。
Dahil kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, gaano pa ang nananatili sa kaluwalhatian!
12 こうした望みをいだいているので、わたしたちは思いきって大胆に語り、
Dahil mayroon tayong pag-asa, napakatapang natin.
13 そしてモーセが、消え去っていくものの最後をイスラエルの子らに見られまいとして、顔におおいをかけたようなことはしない。
Hindi tayo tulad ni Moises, na naglagay ng takip sa kaniyang mukha, upang ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng tuwid sa katapusan ng isang kaluwalhatian na naglalaho.
14 実際、彼らの思いは鈍くなっていた。今日に至るまで、彼らが古い契約を朗読する場合、その同じおおいが取り去られないままで残っている。それは、キリストにあってはじめて取り除かれるのである。
Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito.
15 今日に至るもなお、モーセの書が朗読されるたびに、おおいが彼らの心にかかっている。
Ngunit hanggang ngayon, sa tuwing si Moises ay mababasa isang takip ang tinataglay nila sa kanilang mga puso.
16 しかし主に向く時には、そのおおいは取り除かれる。
Ngunit kapag ang isang tao ay bumalik sa Panginoon, ang takip sa mukha ay matatanggal.
17 主は霊である。そして、主の霊のあるところには、自由がある。
Ngayon ang Panginoon ay ang Espiritu. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan.
18 わたしたちはみな、顔おおいなしに、主の栄光を鏡に映すように見つつ、栄光から栄光へと、主と同じ姿に変えられていく。これは霊なる主の働きによるのである。
Ngayon tayong lahat na walang takip sa mga mukha ay makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon. Binago tayo sa parehong larawan ng kaluwalhatian mula sa isang uri ng antas ng kaluwalhatian tungo sa isa pa, tulad ng mula sa Panginoon, na Espiritu.

< コリント人への手紙第二 3 >