< コリント人への手紙第二 12 >

1 わたしは誇らざるを得ないので、無益ではあろうが、主のまぼろしと啓示とについて語ろう。
Dapat akong magyabang, ngunit walang mapapala dito. Ngunit ako ay magpapatuloy sa mga pangitain at mga pahayag na mula sa Panginoon.
2 わたしはキリストにあるひとりの人を知っている。この人は十四年前に第三の天にまで引き上げられたそれが、からだのままであったか、わたしは知らない。からだを離れてであったか、それも知らない。神がご存じである。
Ako ay may kilalang tao kay Cristo, labing apat na taon na ang nakararaan—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos— na dinala sa ikatlong langit.
3 この人がそれが、からだのままであったか、からだを離れてであったか、わたしは知らない。神がご存じである
At alam ko na ang taong ito—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos—
4 パラダイスに引き上げられ、そして口に言い表わせない、人間が語ってはならない言葉を聞いたのを、わたしは知っている。
na dinala sa paraiso at narinig ang mga bagay na labis na sagrado na sabihin ng kahit na sino.
5 わたしはこういう人について誇ろう。しかし、わたし自身については、自分の弱さ以外には誇ることをすまい。
Para sa tulad ng tao na iyon ako ay magyayabang. Ngunit para sa akin hindi ako magyayabang, maliban sa aking mga kahinaan.
6 もっとも、わたしが誇ろうとすれば、ほんとうの事を言うのだから、愚か者にはならないだろう。しかし、それはさし控えよう。わたしがすぐれた啓示を受けているので、わたしについて見たり聞いたりしている以上に、人に買いかぶられるかも知れないから。
Kung gusto kong magyabang, hindi ako magiging mangmang sapagkat sasabihin ko ang katotohanan. Ngunit pipigilan kong magmayabang upang walang mag-isip na ako ay higit sa kung anong nakikita sa akin o naririnig mula sa akin.
7 そこで、高慢にならないように、わたしの肉体に一つのとげが与えられた。それは、高慢にならないように、わたしを打つサタンの使なのである。
Pipigilan ko rin na magmayabang dahil sa hindi pangkaraniwang uri na mga pahayag na iyon. Kung kaya, upang ako ay hindi mapuno ng pagmamalaki, isang tinik sa laman ang ibinigay sa akin, isang mensahero mula kay Satanas upang ako ay guluhin at ng ako ay hindi labis na maging mapagmataas.
8 このことについて、わたしは彼を離れ去らせて下さるようにと、三度も主に祈った。
Tatlong beses akong nagmakaawa sa Panginoon tungkol dito, para tanggalin ito sa akin.
9 ところが、主が言われた、「わたしの恵みはあなたに対して十分である。わたしの力は弱いところに完全にあらわれる」。それだから、キリストの力がわたしに宿るように、むしろ、喜んで自分の弱さを誇ろう。
At sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan.” Kung kaya mas mabuti pang ipagmayabang ko ang tungkol sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa akin.
10 だから、わたしはキリストのためならば、弱さと、侮辱と、危機と、迫害と、行き詰まりとに甘んじよう。なぜなら、わたしが弱い時にこそ、わたしは強いからである。
Kung kaya ako ay nasisiyahan alang-alang kay Cristo, sa kahinaan man, sa panglalait man, sa kaguluhan man, sa pagmamalupit man, sa mga pangyayari man na nakapagbibigay ng kapighatian. Sa tuwing ako ay mahina, saka ako malakas.
11 わたしは愚か者となった。あなたがたが、むりにわたしをそうしてしまったのだ。実際は、あなたがたから推薦されるべきであった。というのは、たといわたしは取るに足りない者だとしても、あの大使徒たちにはなんら劣るところがないからである。
Ako ay naging isang mangmang! Pinilit ninyo ako na gawin ito, kahit kayo sana ang dapat pumuri sa akin. Sapagkat hindi ako mababa kaysa sa mga tinatawag na matatalinong apostol na iyan, kahit na ako ay walang silbi.
12 わたしは、使徒たるの実を、しるしと奇跡と力あるわざとにより、忍耐をつくして、あなたがたの間であらわしてきた。
Ang tunay na palatandaan ng isang apostol ay ginawa sa inyo ng buong pagtitiyaga, ang mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay at mga dakilang gawa.
13 いったい、あなたがたが他の教会よりも劣っている点は何か。ただ、このわたしがあなたがたに負担をかけなかったことだけではないか。この不義は、どうか、ゆるしてもらいたい。
Kaya paanong kayo ay mas hindi pinapahalagahan kaysa sa ibang mga iglesiya, maliban na lang na ako ay hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa ganitong kamalian!
14 さて、わたしは今、三度目にあなたがたの所に行く用意をしている。しかし、負担はかけないつもりである。わたしの求めているのは、あなたがたの持ち物ではなく、あなたがた自身なのだから。いったい、子供は親のために財をたくわえて置く必要はなく、親が子供のためにたくわえて置くべきである。
Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak.
15 そこでわたしは、あなたがたの魂のためには、大いに喜んで費用を使い、また、わたし自身をも使いつくそう。わたしがあなたがたを愛すれば愛するほど、あなたがたからますます愛されなくなるのであろうか。
Ako ay labis na matutuwa na gumugol at mapagod para sa inyong mga kaluluwa. Kung mahal ko kayo ng labis, dapat ba akong mahalin ng kakaunti?
16 わたしは、あなたがたに重荷を負わせなかったとしても、悪がしこくて、あなたがたからだまし取ったのだと、人は言う。
Ngunit ganoon nga, hindi ako naging pabigat sa inyo. Ngunit dahil ako ay tuso, kayo ay aking nahuli sa pamamagitan ng panlinlang.
17 わたしは、あなたがたにつかわした人たちのうちのだれかをとおして、あなたがたからむさぼり取っただろうか。
Kayo ba ay nilamangan ko sa pamamagitan ng aking mga isinugo sa inyo?
18 わたしは、テトスに勧めてそちらに行かせ、また、かの兄弟を同行させた。テトスは、あなたがたからむさぼり取ったことがあろうか。わたしたちは、みな同じ心で歩いたではないか。同じ足並みで歩いたではないか。
Pinakiusapan ko si Tito na pumunta sa inyo, at pinasama ko sa kaniya ang isang kapatid. Nilamangan ba kayo ni Tito? Hindi ba tayo lumakad sa parehong paraan?
19 あなたがたは、わたしたちがあなたがたに対して弁明をしているのだと、今までずっと思ってきたであろう。しかし、わたしたちは、神のみまえでキリストにあって語っているのである。愛する者たちよ。これらすべてのことは、あなたがたの徳を高めるためなのである。
Sa tingin niyo ba sa buong panahon ay ipinagtatanggol namin ang aming mga sarili sa inyo? Sa paningin ng Diyos, ayon sa kalooban ni Cristo ipinagsasabi namin ang lahat para sa inyong kalakasan.
20 わたしは、こんな心配をしている。わたしが行ってみると、もしかしたら、あなたがたがわたしの願っているような者ではなく、わたしも、あなたがたの願っているような者でないことになりはすまいか。もしかしたら、争い、ねたみ、怒り、党派心、そしり、ざんげん、高慢、騒乱などがありはすまいか。
Sapagkat ako ay nangangamba na baka hindi ko makita sa inyo ang aking inaasahan. Ako ay nangangamba na baka hindi niyo makita sa akin ang inyong inaasahan. Ako ay nangangamba na baka mayroong pagtatalo, pagkainggit, pagsilakbo ng galit, makasariling hangarin, usap-usapan, pagmamataas at kaguluhan.
21 わたしが再びそちらに行った場合、わたしの神が、あなたがたの前でわたしに恥をかかせ、その上、多くの人が前に罪を犯していながら、その汚れと不品行と好色とを悔い改めていないので、わたしを悲しませることになりはすまいか。
Ako ay nangangamba na sa aking pagbalik, ibaba ako ng aking Diyos sa inyong harapan. Ako ay nangangamba na baka ako ay magdalamhati dahil sa maraming nagkasala noon, at sa mga hindi nagsisi mula sa karumihan at pangangalunya at kahalayan na kanilang nakaugalian.

< コリント人への手紙第二 12 >