< テサロニケ人への手紙第一 5 >

1 兄弟たちよ。その時期と場合とについては、書きおくる必要はない。
Ngayon, tungkol sa mga oras at panahon, mga kapatid, hindi kailangang maisulat pa sa inyo ang mga bagay na ito.
2 あなたがた自身がよく知っているとおり、主の日は盗人が夜くるように来る。
Sapagkat alam na ninyo ng lubusan na ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw sa gabi.
3 人々が平和だ無事だと言っているその矢先に、ちょうど妊婦に産みの苦しみが臨むように、突如として滅びが彼らをおそって来る。そして、それからのがれることは決してできない。
Kapag sinabi nilang “Kapayapaan at kaligtasan,” at biglang darating sa kanila ang pagkawasak. Ito ay magiging katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis. Hindi sila makakatakas dito sa anumang paraan.
4 しかし兄弟たちよ。あなたがたは暗やみの中にいないのだから、その日が、盗人のようにあなたがたを不意に襲うことはないであろう。
Ngunit kayo, mga kapatid, wala na kayo sa kadiliman kaya aabutan kayo ng araw na iyon gaya ng isang magnanakaw.
5 あなたがたはみな光の子であり、昼の子なのである。わたしたちは、夜の者でもやみの者でもない。
Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng umaga. Hindi tayo mga anak ng gabi o ng kadiliman.
6 だから、ほかの人々のように眠っていないで、目をさまして慎んでいよう。
Kaya nga, huwag tayong matulog gaya ng ginagawa ng karamihan. Sa halip, magbantay tayo at maging malinaw ang ating pag-iisip.
7 眠る者は夜眠り、酔う者は夜酔うのである。
Sapagkat ang mga natutulog, sa gabi natutulog, at ang mga naglalasing, sa gabi naglalasing.
8 しかし、わたしたちは昼の者なのだから、信仰と愛との胸当を身につけ、救の望みのかぶとをかぶって、慎んでいよう。
Ngunit dahil tayo ay mga anak ng umaga, manatili tayong malinaw ang pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at ang helmet, na siyang katiyakan sa hinaharap na kaligtasan.
9 神は、わたしたちを怒りにあわせるように定められたのではなく、わたしたちの主イエス・キリストによって救を得るように定められたのである。
Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa poot, kundi upang matamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
10 キリストがわたしたちのために死なれたのは、さめていても眠っていても、わたしたちが主と共に生きるためである。
Siya ang namatay para sa atin, nang sa gayon, gising man tayo o natutulog, mabubuhay tayong kasama niya.
11 だから、あなたがたは、今しているように、互に慰め合い、相互の徳を高めなさい。
Kaya nga aliwin ninyo ang isa't isa at magpalakasan kayo, gaya ng inyong ginagawa.
12 兄弟たちよ。わたしたちはお願いする。どうか、あなたがたの間で労し、主にあってあなたがたを指導し、かつ訓戒している人々を重んじ、
Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na kilalanin ninyo ang mga gumagawang kasama ninyo at ang mga nakatataas sa inyo sa Panginoon at ang nagbibigay ng payo sa inyo.
13 彼らの働きを思って、特に愛し敬いなさい。互に平和に過ごしなさい。
Hinihiling din namin na pag-ukulan ninyo sila ng lubos na pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Maging payapa kayo sa bawat isa.
14 兄弟たちよ。あなたがたにお勧めする。怠惰な者を戒め、小心な者を励まし、弱い者を助け、すべての人に対して寛容でありなさい。
Hinihikayat namin kayo, mga kapatid: pagsabihan ninyo ang mga magugulo, palakasin ang mga pinanghinaan ng loob, tulungan ang mahina at maging matiyaga para sa lahat.
15 だれも悪をもって悪に報いないように心がけ、お互に、またみんなに対して、いつも善を追い求めなさい。
Siguraduhin ninyo na walang sinuman ang gaganti ng masama para sa masama sa sino man. Sa halip, pagsikapang matamo ang makakabuti sa bawat isa at para sa lahat.
16 いつも喜んでいなさい。
Magalak kayo lagi.
17 絶えず祈りなさい。
Manalangin ng walang patid.
18 すべての事について、感謝しなさい。これが、キリスト・イエスにあって、神があなたがたに求めておられることである。
Magpasalamat kayo sa lahat ng bagay. Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.
19 御霊を消してはいけない。
Huwag hadlangan ang Espiritu.
20 預言を軽んじてはならない。
Huwag hamakin ang mga propesiya.
21 すべてのものを識別して、良いものを守り、
Suriin ang lahat ng bagay. Panghawakan kung ano ang mabuti.
22 あらゆる種類の悪から遠ざかりなさい。
Iwasan ang bawat anyo ng masama.
23 どうか、平和の神ご自身が、あなたがたを全くきよめて下さるように。また、あなたがたの霊と心とからだとを完全に守って、わたしたちの主イエス・キリストの来臨のときに、責められるところのない者にして下さるように。
Nawa ang Diyos ng kapayapaan ay gawin kayong ganap na banal. Nawa ang buo ninyong espiritu, kaluluwa, at katawan ay mailaan na walang bahid sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
24 あなたがたを召されたかたは真実であられるから、このことをして下さるであろう。
Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin ang gagawa ng mga ito.
25 兄弟たちよ。わたしたちのためにも、祈ってほしい。
Mga kapatid, ipanalangin ninyo rin kami.
26 すべての兄弟たちに、きよい接吻をもって、よろしく伝えてほしい。
Batiin ninyo ang mga kapatid ng banal na halik.
27 わたしは主によって命じる。この手紙を、みんなの兄弟に読み聞かせなさい。
Hinihiling ko sa inyo sa ngalan ng Panginoon na ang sulat na ito ay mabasa sa lahat ng kapatid.
28 わたしたちの主イエス・キリストの恵みが、あなたがたと共にあるように。
Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.

< テサロニケ人への手紙第一 5 >