< テサロニケ人への手紙第一 3 >

1 そこで、わたしたちはこれ以上耐えられなくなって、わたしたちだけがアテネに留まることに定め、
Kaya naman, nang hindi na namin kayang tiisin pa ito, inakala naming mabuti ang maiwan sa Atenas ng mag-isa.
2 わたしたちの兄弟で、キリストの福音における神の同労者テモテをつかわした。それは、あなたがたの信仰を強め、
Pinapunta namin si Timoteo, ang ating kapatid at lingkod ng Diyos sa ebanghelyo ni Cristo upang palakasin at aliwin kayo tungkol sa inyong pananampalataya.
3 このような患難の中にあって、動揺する者がひとりもないように励ますためであった。あなたがたの知っているとおり、わたしたちは患難に会うように定められているのである。
Ginawa namin ang mga ito upang walang isa man ang mayanig sa mga pagdurusang ito. Sapagkat inyong nalalaman na sa bagay na ito kami ay hinirang.
4 そして、あなたがたの所にいたとき、わたしたちがやがて患難に会うことをあらかじめ言っておいたが、あなたがたの知っているように、今そのとおりになったのである。
Katunayan, nang kami ay kasama ninyo, sinabi na namin sa inyo na kami ay magdurusa sa kapighatian at nagkatotoo ito gaya ng inyong nalalaman.
5 そこで、わたしはこれ以上耐えられなくなって、もしや「試みる者」があなたがたを試み、そのためにわたしたちの労苦がむだになりはしないかと気づかって、あなたがたの信仰を知るために、彼をつかわしたのである。
Sa kadahilanang ito, nang hindi ko na kayang tiisin pa, nagsugo ako upang malaman ang tungkol sa inyong pananampalataya. Maaaring ang manunukso ay tinukso kayo, at ang aming pagtatrabaho ay nawalan ng kabuluhan.
6 ところが今テモテが、あなたがたの所からわたしたちのもとに帰ってきて、あなたがたの信仰と愛とについて知らせ、また、あなたがたがいつもわたしたちのことを覚え、わたしたちがあなたがたに会いたく思っていると同じように、わたしたちにしきりに会いたがっているという吉報をもたらした。
Ngunit pumarito si Timoteo sa amin galing sa inyo at dinala sa amin ang mabuting balita ng inyong pananampalataya at pag-ibig. Sinabi niya sa amin na laging nasa inyo ang aming mga mabubuting alaala, na nasasabik kayong makita kami gaya ng aming pananabik na makita kayo.
7 兄弟たちよ。それによって、わたしたちはあらゆる苦難と患難との中にありながら、あなたがたの信仰によって慰められた。
Dahil dito, mga kapatid, naaliw kami dahil sa inyong pananampalataya, sa lahat ng aming pagkabalisa at pagdadalamhati.
8 なぜなら、あなたがたが主にあって堅く立ってくれるなら、わたしたちはいま生きることになるからである。
Sapagkat ngayon, nabubuhay kami kung mananatili kayong matatag sa Panginoon.
9 ほんとうに、わたしたちの神のみまえで、あなたがたのことで喜ぶ大きな喜びのために、どんな感謝を神にささげたらよいだろうか。
Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa inyo, para sa lahat ng kagalakan na mayroon kami sa harap ng ating Diyos dahil sa inyo?
10 わたしたちは、あなたがたの顔を見、あなたがたの信仰の足りないところを補いたいと、日夜しきりに願っているのである。
Gabi at araw nananalangin kami ng buong tiyaga upang makita namin kayo ng harapan at maipagkaloob kung ano ang kulang sa inyong pananampalataya.
11 どうか、わたしたちの父なる神ご自身と、わたしたちの主イエスとが、あなたがたのところへ行く道を、わたしたちに開いて下さるように。
Nawa ang ating Diyos Ama, at ang ating Panginoong Jesus ang manguna sa amin sa inyo.
12 どうか、主が、あなたがた相互の愛とすべての人に対する愛とを、わたしたちがあなたがたを愛する愛と同じように、増し加えて豊かにして下さるように。
Nawa palaguin kayo at pasaganahin ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't-isa at sa lahat ng tao, na gaya ng ginagawa namin sa inyo.
13 そして、どうか、わたしたちの主イエスが、そのすべての聖なる者と共にこられる時、神のみまえに、あなたがたの心を強め、清く、責められるところのない者にして下さるように。
Nawa ay gawin niya ito upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harap ng ating Diyos at Ama sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang mga banal.

< テサロニケ人への手紙第一 3 >