< ルカの福音書 3 >

1 さて,ティベリウス・カエサルの治世の第十五年,ポンティウス・ピラトがユダヤの総督,ヘロデがガリラヤの領主,その兄弟フィリポがイトゥリアとトラコニティスの領主,リュサニアスがアビレネの領主,
Ngayon, sa ika-labinlimang taon na paghahari ni Tiberio Cesar, habang si Poncio Pilato ay gobernador sa Judea, at si Herodes ang tetrarka sa Galilea, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa rehiyon ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia,
2 アンナスとカイアファスが大祭司であったころ,神の言葉が荒野でザカリアの子ヨハネに臨んだ。
at sa panahon na sina Anas at Caifas ang pinakapunong pari, dumating ang salita ng Diyos ay kay Juan na anak ni Zacarias, sa ilang.
3 彼はヨルダン周辺の全地方に行って,罪の許しのための悔い改めのバプテスマを宣教していた。
Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
4 預言者イザヤの言葉の書の中にこう書かれているとおりである。 「荒野で叫ぶ者の声がする,『主の道を整えよ。その道筋をまっすぐにせよ。
Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas.
5 すべての谷間は埋められるだろう。すべての山と丘とは低くされるだろう。曲がったところはまっすぐにされ,でこぼこの道は平らにされるだろう。
Ang bawat lambak ay mapupunan, ang bawat bundok at burol ay gagawing patag, ang mga likong daan ay magiging tuwid, at ang mga daang baku-bako ay gagawing maayos.
6 すべての肉なる者は神の救いを見るだろう』」。
Ang lahat ng tao ay makikita ang pagliligtas ng Diyos.”
7 そこで彼は,彼からバプテスマを受けようとして出て来た群衆に言った, 「マムシらの子孫よ,来ようとしている憤りから逃れるようにと,だれがあなた方に告げたのか。
Kaya sinabi ni Juan sa napakaraming bilang ng tao na dumarating upang magpabautismo sa kaniya, “Kayo na mga anak ng mga makamandag na ahas, sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na paparating?”
8 それなら,悔い改めにふさわしい実を生み出しなさい。『我々の父にアブラハムがいる』などと自分の内で言い始めてはいけない。あなた方に告げるが,神はこれらの石からでもアブラハムに子孫を起こすことができるのだ。
Mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi, at huwag ninyong simulan na sabihin sa inyong mga sarili, 'Mayroon tayong Abraham bilang ama natin,' dahil sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang lumikha ng mga anak para kay Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
9 おのはすでに木々の根もとに置かれている。だから,良い実を生み出さない木はみな切り倒されて,火の中に投げ込まれるのだ」。
Ang palakol ay nailagay na sa ugat ng mga puno. Kaya ang bawat puno na hindi namumunga nang mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10 群衆は彼に尋ねた,「わたしたちは何をすればよいのですか」。
At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi “Ano ang dapat naming gawin?”
11 彼は彼らに答えた,「二枚の上着を持っている者は,持っていない者に与えなさい。食物を持っている者も,同じようにしなさい」。
Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Kung ang isang tao ay may dalawang tunika, dapat niyang ibigay ang isa sa sinumang wala nito at sinuman ang may pagkain ay ganoon din ang dapat gawin.”
12 徴税人たちもバプテスマを受けに来て,彼に言った,「先生,わたしたちは何をすればよいのですか」。
At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”
13 彼は彼らに言った,「自分に定められたより多くを取り立ててはいけない」。
Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.”
14 兵士たちも彼に尋ねて言った,「わたしたちについてはどうですか。わたしたちは何をすればよいのですか」。 彼は彼らに言った,「人から乱暴にゆすり取ったり,不当に非難したりしてはいけない。自分の給料で満足しなさい」。
May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.”
15 民は待ち望んでおり,すべての者がヨハネについて,彼がキリストなのではないかと心の中で論じていたので,
Ngayon, habang ang mga tao ay sabik na naghihintay na dumating si Cristo, nagtataka ang bawat isa sa kanilang mga puso kung si Juan mismo ang Cristo.
16 ヨハネは皆に答えた,「わたしは確かに,あなた方に水でバプテスマを施しているが,わたしより強力な方が来られる。わたしはその方のサンダルの締めひもをほどくにも値しない。その方は,あなた方に聖霊と火でバプテスマを施すだろう。
Sinagot sila ni Juan na nagsabi sa kanilang lahat, “Para sa akin, binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit may isang paparating na mas higit na makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kaniyang mgapnyapaks. Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
17 あおり分けるものがその手にあり,その脱穀場をすっかりきれいにし,小麦をその倉に集め,もみ殻のほうは消すことのできない火で焼き尽くすだろう」。
Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”
18 こうして,他にも多くのことを勧めながら,民に良いたよりを宣教した。
Sa pamamagitan ng iba pang madaming panghihikayat, ipinangaral niya ang magandang balita sa mga tao.
19 ところが,領主ヘロデは,自分の兄弟の妻ヘロディアに関して,またヘロデが行なったすべての悪いことに関して彼に戒められたので,
Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes.
20 それらのすべての行為に加えて,ヨハネをろうやに閉じ込めた。
Ngunit gumawa pa ng napakasamang bagay si Herodes. Ipinakulong niya sa bilangguan si Juan.
21 民が皆バプテスマを受けている時のこと,イエスもバプテスマを受け,祈っていた。天が開いて,
At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas.
22 聖霊がハトのような姿で彼の上に下って来た。そして,天から出て来た声が言った,「あなたはわたしの愛する子,わたしの心にかなう者である」。
Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”
23 イエス自身は,教え始めた時およそ三十歳で,(一般の見方では)ヨセフの子,ヘリの子,
Ngayon si Jesus mismo, nang siya ay nagsimulang magturo, ay nasa edad na tatlumpung taon. Siya ang anak na lalaki (ayon sa pagpapalagay ng mga tao) ni Jose na anak ni Eli
24 マタトの子,レビの子,メルキの子,ヤナイの子,ヨセフの子,
na anak ni Matat na anak ni Levi na anak ni Melqui na anak ni Janai na anak ni Jose
25 マタティアの子,アモスの子,ナウムの子,エスリの子,ナガイの子,
na anak ni Matatias na anak ni Amos na anak ni Nahum na anak ni Esli na anak ni Nagai
26 マアトの子,マタティアの子,セメインの子,ヨセフの子,ユダの子,
na anak ni Maat na anak ni Matatias na anak ni Semei na anak ni Josec na anak ni Joda
27 ヨハナンの子,レサの子,ゼルバベルの子,シャルティエルの子,ネリの子,
na anak ni Joanan na anak ni Resa na anak ni Zerubabel na anak ni Salatiel na anak ni Neri
28 メルキの子,アディの子,コサムの子,エルモダムの子,エルの子,
na anak ni Melqui na anak ni Adi na anak ni Cosam na anak ni Elmadam na anak ni Er
29 ヨサの子,エリエゼルの子,ヨリムの子,マタトの子,レビの子,
na anak ni Josue na anak ni Eliezer na anak ni Jorim na anak ni Matat na anak ni Levi
30 シメオンの子,ユダの子,ヨセフの子,ヨナンの子,エリアキムの子,
na anak ni Simeon na anak ni Juda na anak ni Jose na anak ni Jonam na anak ni Eliaquim
31 メレアの子,メナンの子,マタタの子,ナタンの子,ダビデの子,
na anak ni Melea na anak ni Menna na anak ni Matata na anak ni Natan na anak ni David
32 エッサイの子,オベドの子,ボアズの子,サルモンの子,ナフションの子,
na anak ni Jesse na anak ni Obed na anak ni Boaz, na anak ni Salmon na anak ni Naason
33 アミナダブの子,アラムの子,ヨラムの子,ヘツロンの子,ペレツの子,ユダの子,
na anak ni Aminadab na anak ni Admin na anak ni Arni na anak ni Esrom na anak ni Farez na anak ni Juda
34 ヤコブの子,イサクの子,アブラハムの子,テラの子,ナホルの子,
na anak ni Jacob na anak ni Isaac na anak ni Abraham na anak ni Terah na anak ni Nahor
35 セルグの子,レウの子,ペレグの子,エベルの子,シェラの子,
na anak ni Serug na anak ni Reu na anak ni Peleg na anak ni Eber na anak ni Sala,
36 カイナンの子,アルパクシャドの子,セムの子,ノアの子,レメクの子,
na anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak ni Shem na anak ni Noe na anak ni Lamec na anak ni Metusalem na anak ni Enoc
37 メトセラの子,エノクの子,ヤレドの子,マハラルエルの子,カイナンの子,
na anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Kenan
38 エノスの子,セツの子,アダムの子,神の子であった。
na anak ni Enos na anak ni Set na anak ni Adan na anak ng Diyos.

< ルカの福音書 3 >