< ルカの福音書 4 >

1 さてイエス聖 靈にて滿ち、ヨルダン河より歸り、荒野にて四十 日のあひだ御靈に導かれ、
Nang si Jesus ay na puspos ng Banal na Espiritu, bumalik siya mula sa ilog Jordan at pinangunahan ng Espiritu sa ilang
2 惡魔に試みられ給ふ。この間なにをも食はず、日 數 滿ちてのち餓ゑ給ひたれば、
sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ng diyablo. Sa mga araw na iyon, hindi siya kumain ng anuman at sa huling mga araw siya ay nagutom.
3 惡魔いふ『なんぢ若し神の子ならば、此の石に命じてパンと爲らしめよ』
Sinabi ng diyablo sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.”
4 イエス答へたまふ『「人の生くるはパンのみに由るにあらず」と録されたり』
Sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, 'Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.”'
5 惡魔またイエスを携へのぼりて、瞬間に天下のもろもろの國を示して言ふ、
At dinala siya ng diyablo sa mataas na lugar, at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng mundo nang ilang sandali.
6 『この凡ての權威と國々の榮華とを汝に與へん。我これを委ねられたれば、我が欲する者に與ふるなり。
Sinabi ng diyablo sa kaniya, “Bibigyan kita ng kapangyarihang mamuno sa lahat ng mga kahariang ito, pati na ang kanilang kadakilaan. Kaya kong gawin ito dahil ibinigay ang mga ito sa akin upang pamunuan, at maaari ko itong ibigay sa sinumang gustuhin ko.
7 この故にもし我が前に拜せば、ことごとく汝の有となるべし』
Kaya kung ikaw ay yuyuko at sasamba sa akin, ang lahat ng ito ay mapapasaiyo.”
8 イエス答へて言ひたまふ『「主なる汝の神を拜し、ただ之にのみ事ふべし」と録されたり』
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.”'
9 惡魔またイエスをエルサレムに連れゆき、宮の頂上に立たせて言ふ『なんぢ若し神の子ならば、此處より己が身を下に投げよ。
Pagkatapos dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at inilagay siya sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula dito,
10 それは「なんぢの爲に御使たちに命じて守らしめ給はん」
Sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang alagaan ka at ingatan ka,'
11 「かれら手にて汝をささへ、その足を石に打當つる事なからしめん」と録されたるなり』
at, 'Iaangat ka nila sa kanilang mga kamay, upang hindi tumama ang iyong paa sa bato '.”
12 イエス答へて言ひたまふ『「主なる汝の神を試むべからず」と云ひてあり』
Sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Nasasabi, 'Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos.”'
13 惡魔あらゆる嘗試を盡してのち、暫くイエスを離れたり。
Nang matapos tuksuhin ng diyablo si Jesus, umalis siya at iniwanan siya hanggang sa ibang pagkakataon.
14 イエス御靈の能力をもてガリラヤに歸り給へば、その聲聞あまねく四方の地に弘る。
Pagkatapos, bumalik si Jesus sa Galilea as kapangyarihan ng Espiritu, at kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong paligid ng rehiyon.
15 かくて諸 會堂にて教をなし、凡ての人に崇められ給ふ。
Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, at ang bawat isa ay nagpuri sa kaniya.
16 偖その育てられ給ひし處のナザレに到り、例のごとく安息 日に會堂に入りて、聖書を讀まんとて立ち給ひしに、
Isang araw, siya ay pumunta sa Nazaret, ang lungsod na kung saan siya pinalaki. Sa kaniyang nakagawian, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga, at tumayo upang basahin ang kasulatan.
17 預言者イザヤの書を與へたれば、其の書を繙きて、かく録されたる所を見出し給ふ。
Ang balumbon ni propeta Isaias ay iniabot sa kaniya, kaya binuksan niya ang balumbon at nakita ang bahagi kung saan nakasulat,
18 『主の御靈われに在す。これ我に油を注ぎて貧しき者に福音を宣べしめ、我をつかはして囚人に赦を得ることと、盲人に見ゆることとを告げしめ、壓へらるる者を放ちて自由を與へしめ、
“Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, dahil itinalaga niya ako upang ipangaral ang magandang balita sa mga mahihirap. Isinugo niya ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag, at manumbalik ang paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi,
19 主の喜ばしき年を宣傳へしめ給ふなり』
ipahayag ang pinagpalang panahon ng Panginoon.”
20 イエス書を卷き、係の者に返して坐し給へば、會堂に居る者みな之に目を注ぐ。
Pagkatapos ay inirolyo niya ang kasulatang binalumbon, ibinalik sa tagapangasiwa ng sinagoga, at umupo. Ang mga mata ng lahat ng tao sa sinagoga ay nakatuon sa kaniya.
21 イエス言ひ出でたまふ『この聖書は今日なんぢらの耳に成就したり』
Siya ay nagsimulang magsalita sa kanila, “Ngayon itong kasulatan ay natupad sa inyong pandinig.”
22 人々みなイエスを譽め、又その口より出づる惠の言を怪しみて言ふ『これヨセフの子ならずや』
Bawat isa sa kanila ay nasaksihan ang lahat ng kaniyang mga sinabi at lahat sila ay namangha sa mga mapagpalang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinasabi nila, “Ito ay anak lamang ni Jose, hindi ba?”
23 イエス言ひ給ふ『なんぢら必ず我に俚諺を引きて「醫者よ、みづから己を醫せ、カペナウムにて有りしといふ我らが聞ける事どもを、己が郷なる此の地にても爲せ」と言はん』
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan.”'
24 また言ひ給ふ『われ誠に汝らに告ぐ、預言者は己が郷にて喜ばるることなし。
Sinabi din niya, “Tapat kong sinasabi sa inyo, walang propeta ang tinanggap sa sarili niyang bayan.
25 われ實をもて汝らに告ぐ、エリヤのとき三年 六个月、天とぢて、全地 大なる饑饉なりしが、イスラエルの中に多くの寡婦ありたれど、
Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan na maraming mga balo sa Israel sa panahon ni Elias, noong sumara ang kalangitan na walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon, noong nagkaroon ng matinding taggutom sa lahat ng kalupaan.
26 エリヤは其の一人にすら遣されず、唯シドンなるサレプタの一人の寡婦にのみ遣されたり。
Ngunit hindi ipinadala si Elias sa kahit sinuman sa kanila, ngunit sa isang balo lamang na naninirahan sa Sarepta na malapit sa lungsod ng Sidon.
27 また預言者エリシヤの時、イスラエルの中に多くの癩病人ありしが、其の一人だに潔められず、唯シリヤのナアマンのみ潔められたり』
Mayroon ding maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo, ngunit wala sa kanila ang gumaling maliban kay Naaman na taga-Siria.”
28 會堂にをる者みな之を聞きて憤恚に滿ち、
Lahat ng tao sa sinagoga ay napuno ng matinding galit nang marinig nila ang mga bagay na ito.
29 起ちてイエスを町より逐ひ出し、その町の建ちたる山の崖に引き往きて、投げ落さんとせしに、
Tumayo sila at ipinagtabuyan siya paalis ng lungsod, at dinala siya sa gilid ng burol kung saan itinayo ang kanilang lungsod, upang siya ay maari nilang ihulog sa bangin.
30 イエスその中を通りて去り給ふ。
Ngunit siya ay lumakad palusot sa kanilang kalagitnaan at siya ay umalis.
31 かくてガリラヤの町カペナウムに下りて、安息 日ごとに人を教へ給へば、
At siya ay bumaba patungong Capernaum, isang lungsod ng Galilea. Sa isang Araw ng Pamamahinga siya ay nagturo sa mga tao sa sinagoga.
32 人々その教に驚きあへり。その言、權威ありたるに因る。
Sila ay namangha sa kaniyang itinuturo, dahil nagsalita siya nang may kapangyarihan.
33 會堂に穢れし惡鬼の靈に憑かれたる人あり、大聲に叫びて言ふ、
Ngayon, sa sinagoga sa araw na iyon may isang tao na may espiritu ng maruming demonyo, at siya ay sumigaw nang may malakas na tinig,
34 『ああ、ナザレのイエスよ、我らは汝となにの關係あらんや。我らを亡さんとて來給ふか。我はなんぢの誰なるを知る、神の聖者なり』
“Ano ang nais mong gawin sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Ikaw ba ay pumarito para kami ay puksain? Alam ko kung sino ka! Ikaw ang Banal ng Diyos!”
35 イエス之を禁めて言ひ給ふ『默せ、その人より出でよ』惡鬼その人を人々の中に倒し、傷つけずして出づ。
Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi, “Manahimik ka at lumabas ka sa kaniya!” Nang naihagis ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, siya ay lumabas mula sa kaniya na walang nangyaring masama sa lalaki.
36 みな驚き語り合ひて言ふ『これ如何なる言ぞ、權威と能力とをもて命ずれば、穢れし惡鬼すら出で去る』
Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, “Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas.”
37 ここにイエスの噂あまねく四方の地に弘りたり。
Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.
38 イエス會堂を立ち出でて、シモンの家に入り給ふ。シモンの外姑おもき熱を患ひ居たれば、人々これが爲にイエスに願ふ。
Pagkatapos, umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Ngayon, ang biyenan ni Simon ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat, at sila ay nakiusap para sa kaniya.
39 その傍らに立ちて熱を責めたまへば、熱 去りて女たちどころに起きて彼らに事ふ。
Kaya tumayo siya malapit sa kaniya at sinaway ang kaniyang lagnat, at umalis ito. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanila.
40 日のいる時、さまざまの病を患ふ者をもつ人、みな之をイエスに連れ來れば、一々その上に手を置きて醫し給ふ。
Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling.
41 惡鬼もまた多くの人より出でて叫びつつ言ふ『なんぢは神の子なり』之を責めて物 言ふことを免し給はず、惡鬼そのキリストなるを知るに因りてなり。
May mga demonyo din na lumabas mula sa kanila, sumusigaw at nagsasabi, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Sinaway ni Jesus ang mga demonyo at hindi niya sila pinayagang magsalita, dahil alam nila na siya ang Cristo.
42 明くる朝イエス出でて寂しき處にゆき給ひしが、群衆たづねて御許に到り、その去り往くことを止めんとせしに、
Nang dumating ang dapit-umaga, pumunta siya sa isang tahimik na lugar. Maraming mga tao ang naghahanap sa kaniya at pumunta kung saang lugar siya naroon. Sinubukan nila na pigilan siya sa pag-alis sa kanila.
43 イエス言ひ給ふ『われ又ほかの町々にも神の國の福音を宣傳へざるを得ず、わが遣されしは之が爲なり』
Ngunit sinabi niya sa kanila, “Dapat ko ring ipangaral ang magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang lungsod, dahil ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito.”
44 かくてユダヤの諸 會堂にて教を宣べたまふ。
At siya ay nagpatuloy na nangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.

< ルカの福音書 4 >