< レビ記 27 >

1 ヱホバ、モーセに告て言たまはく
Nangusap si Yahweh kay Moises at sinabi,
2 イスラエルの子孫につげてこれに言へ人もし誓願をかけなばなんぢの估價にしたがひてヱホバに献納物をなすべし
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag gagawa ang isang tao ng isang natatanging panata na nangangailangang gumamit siya ng isang pamantayang halaga ng isang tao na ilalaan niya kay Yahweh, gamitin ang sumusunod na mga halaga.
3 なんぢの估價はかくすべしすなはち二十歳より六十歳までは男には其價を聖所のシケルに循ひて五十シケルに估り
Ang inyong pamantayang halaga para sa isang lalaki mula dalawampu hanggang animnapung taong gulang ay dapat limampung siklo ng pilak, batay sa siklo ng santuwaryo.
4 女にはその價を三十シケルに估るべし
Ang inyong pamantayang halaga para sa isang babae sa parehong gulang ay dapat tatlumpung siklo.
5 また五歳より二十歳までは男にはその價を二十シケルに估り女には十シケルに估るべし
Mula limang taon hanggang dalawampung taong gulang ang inyong pamantayang halaga ay dapat dalawampung siklo para sa lalaki, at sampung siklo para sa babae.
6 また一箇月より五歳までは男にはその價を銀五シケルに估り女にはその價を銀三シケルに估るべし
Mula isang buwang gulang hanggang limang taon ang inyong pamantayang halaga ay dapat limang siklo ng pilak para sa isang lalaki, at tatlong siklo ng pilak para sa isang babae.
7 また六十歳より上は男にはその價を十五シケルに估り女には十シケルに估るべし
Mula animnapung taong gulang pataas ang inyong pamantayang halaga para sa isang lalaki ay dapat labin limang siklo, at sampung siklo para sa isang babae.
8 その人もし貧くして汝の估價に勝ざる時は祭司の前にいたり祭司の估價をうくべきなり祭司はその誓願者の力にしたがひて估價をなすべし
Pero kung ang taong gumawa ng panata ay hindi makabayad ng pamantayang halaga, kung gayon dapat iharap sa pari ang taong ibinigay, at bibigyang halaga ng pari ang taong iyon sa pamamagitan ng halagang makakaya ng isang gumagawa ng panata.
9 人もしそのヱホバに禮物として献ることを爲すとこるの牲畜の中を取り誓願の物となしてヱホバに献る時は其物は都て聖し
Kung gusto ng isang tao na mag-alay ng isang hayop kay Yahweh, at kung tatanggapin ito ni Yahweh, sa gayon ang hayop na iyon ay ilalaan sa kanya.
10 之を更むべからずまた佳を惡に惡を佳に易べからず若し牲畜をもて牲畜に易ることをせば其と其に易たる者ともに聖なるべし
Hindi dapat baguhin o palitan ng isang tao ang isang hayop na iyon, isang mabuti para sa isang masama o isang masama para sa isang mabuti. Kung gagawin niyang baguhin ang isa para sa iba, sa gayon parehong mga hayop at ang isa na ipinagpalit ay magiging banal.
11 もし人のヱホバに禮物として献ることを爲ざるとこるの汚たる畜の中ならばその畜を祭司の前に牽いたるべし
Gayunman, kung ang panunumpa ng isang tao na ibigay kay Yahweh ay totoong marumi, kung kaya hindi ito tatanggapin ni Yahweh, sa gayon dapat dalhin ng tao ang hayop sa isang pari.
12 祭司はまたその佳惡にしたがひてこれが估價をなすべし即ちその價は祭司の估るところによりて定むべきなり
Bibigyang halaga ito ng pari, sa pamamagitan ng halaga ng hayop sa pamilihan. Anuman ang halaga na ibinigay ng pari sa hayop, iyon ang magiging halaga nito.
13 その人若これを贖はんとせばその估る價にまた之が五分の一を加ふべし
At kung nais ng may-ari na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo nito.
14 また人もしその家をヱホバに聖別ささげたる時は祭司その佳惡にしたがひて之が估價を爲べし即ちその價は祭司の估るところによりて定むべきなり
Kung ninanais ng isang tao na ilaan ang kaniyang bahay para ibukod para kay Yahweh, sa gayon tatantiyahin ng pari ang halaga nito. Anuman ang ibibigay na halaga ng pari dito, iyon ang magiging halaga nito.
15 その人もし家を贖はんとせばその估價の金にまた之が五分の一を加ふべし然せば是は自分の有とならん
Pero kung ilalaan ng may-ari ang kaniyang tahanan at katagalan ninais na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo, at pagkatapos magiging kaniyang muli ang bahay.
16 人もしその遺業の田野の中をヱホバに献る時は其處に撒るる種の多少にしたがひてこれが估價をなすべし即ち大麥の種一ホメルを五十シケルに算べきなり
Kung ninanais ng isang tao na ilaan kay Yahweh ang ilan sa kaniyang lupa, sa gayon ang pagtataya ng halaga nito ay gagawin alinsunod sa halaga ng binhing kinakailangan upang itanim dito. Magkakahalaga ng limampung siklo ng pilak ang isang homer ng sebada.
17 もしその田野をヨベルの年より献たる時はその價は汝の估れる所によりて定むべし
Kung ilalaan niya ang kaniyang bukid sa panahon ng Taon ng Paglaya, ang tinatayang halaga ay mananatili.
18 もし又その田野をヨベルの後に献たる時は祭司そのヨベルの年までに遺れる年の數にしたがひてその金を算へこれに準じてその估價を減すべし
Pero kung ilalaan niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng Paglaya, sa gayon dapat kwentahin ng pari ang halaga ng lupa ayon sa bilang ng mga taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Paglaya, at dapat bawasan ang tinatayang halaga.
19 その田野を献たる者若これを贖はんとせばその估價の金の五分の一をこれに加ふべし然せば是はその人に歸せん
Kung ang taong naglaan ng bukid ay nagnanais na tubusin ito, sa gayon dapat siyang magdagdag ng ikalima sa tinatayang halaga, at ito ay magiging kaniyang muli.
20 然ど若その田野を贖ふことをせず又はこれを他の人に賣ことをなさば再び贖ふことを得じ
Kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipagbili niya ang bukid sa ibang tao, hindi na ito matutubos kailanman.
21 その田野はヨベルにおよびて出きたる時は永く奉納たる田野のごとくヱホバに歸して聖き者となり祭司の產業とならん
Sa halip, ang bukid, kapag ibinalik ito sa Paglaya, magiging isang banal na regalo kay Yahweh, katulad ng bukid na ganap na ibinigay kay Yahweh. Mabibilang ito sa pari.
22 若また自己が買たる田野にしてその遺業にあらざる者をヱホバに献たる時は
Kung ilalaan ng isang tao kay Yahweh ang bukid na kanyang binili, pero ang bukid na iyon ay hindi bahagi ng lupain ng kanyang pamilya,
23 祭司その人のために估價してヨベルの年までの金を推算べし彼は汝の估れる金高をその日ヱホバにたてまつりて聖物となすべし
pagkatapos aalamin ng pari ang tinatayang halaga hanggang sa Taon ng Paglaya, at dapat bayaran ng tao ang halaga sa araw na iyon bilang isang banal na regalo kay Yahweh.
24 ヨベルの年にいたればその田野は賣主なるその本來の所有主に歸るべし
Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang bukid sa tao kung kanino ito binili, sa may-ari ng lupa.
25 汝の估價はみな聖所のシケルにしたがびて爲べし二十ゲラを一シケルとなす
Dapat na itakda ang lahat ng mga tinatayang mga halaga ayon sa timbang ng santuwaryong siklo. Dalawampung gera ang dapat na katumbas ng isang siklo.
26 但し牲畜の初子はヱホバに歸すべき初子なれば何人もこれを献べからず牛にもあれ羊にもあれ是はヱホバの所屬なり
Pero ang unang anak ng mga hayop ay nabibilang na kay Yahweh at walang tao ang maaaring maglaan nito—maging lalaking baka o tupa—sapagkat ito ay nabibilang kay Yahweh.
27 若し汚たる畜ならば汝の估價にしたがひこれにその五分の一を加へてその人これを贖ふべし若これを贖ふことをせずば汝の估價にしたがひて之を賣べし
Kung ito ay isang maruming hayop, maaaring bilhin itong muli ng may-ari sa tinatayang halaga, at dapat na idagdag ang ikalima sa halagang iyon. Kung hindi tinubos ang hayop, sa gayon ipagbibili ito sa itinakdang halaga.
28 但し人がその凡て有る物の中より取て永くヱホバに納めたる奉納物は人にもあれ畜にもあれその遺業の田野にもあれ一切賣べからずまた贖ふべからず奉納物はみなヱホバに至聖物たるなり
Gayunman, walang taong maglalaan kay Yahweh mula sa anumang bagay na mayroon siya, maging tao o hayop, o lupa ng kanyang pamilya, na maaaring ipagbili o tinubos. Bawat inilaan na bagay ay banal kay Yahweh.
29 また人の中永く奉納られて奉納物となれる者も贖ふべからず必ず殺すべし
Walang pantubos ang maaaring ibayad para sa taong ibinukod para patayin. Dapat patayin ang taong iyon.
30 地の十分の一は地の產物にもあれ樹の果にもあれ皆ヱホバの所屬にしてヱホバに聖きなり
Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh.
31 人もしその献る十分の一を贖はんとせば之にまたその五分の一を加ふべし
Kung tutubusin ng isang tao ang alinman sa kanyang ikapu, dapat siyang magdagdag ng ikalima sa halaga nito.
32 牛または羊の十分の一については凡て杖の下を通る者の第十番にあたる者はヱホバに聖き者なるべし
Para sa lahat ng ikapu ng grupo ng mga hayop o ang kawan, anuman ang dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol, dapat ilaan kay Yahweh ang ikasampu.
33 その佳惡をたづぬべからずまた之を易べからず若これを易る時は其とその易たる者ともに聖き者となるべしこれを贖ふことを得ず
Hindi dapat humanap ang pastol ng higit na mabuti o higit na masamang mga hayop, at hindi niya maaaring ipagpalit ang isa para sa iba. Kung papalitan man niya ito, magiging banal ang parehong mga hayop at iyon na kung saan ito ipinagpalit. Hindi ito matutubos.”'
34 是等はヱホバがシナイ山においてイスラエルの子孫のためにモーセに命じたまひし誡命なり
Ito ang mga utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai para sa mga bayan ng Israel.

< レビ記 27 >