< Lukács 10 >

1 Ezek után pedig rendele az Úr másokat is, hetvenet, és elküldé azokat kettőnként az ő orczája előtt, minden városba és helyre, a hová ő menendő vala.
Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan.
2 Monda azért nékik: Az aratni való sok, de a munkás kevés; kérjétek azért az aratásnak Urát, hogy küldjön munkásokat az ő aratásába.
Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin, ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Kaya nga madaliing manalangin sa Panginoon ng ani, upang magpadala siya ng manggagawa sa kaniyang ani.
3 Menjetek el: Ímé én elbocsátlak titeket, mint bárányokat a farkasok közé.
Humayo kayo sa inyong lakad. Tingnan, Sinusugo ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo.
4 Ne hordozzatok erszényt, se táskát, se sarut; és az úton senkit ne köszöntsetek.
Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, lalagyang panglakbay, ni mga sandalyas, at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
5 Valamely házba bementek, először ezt mondjátok: Békesség e háznak!
Anumang mga bahay na inyong tutuluyan, una ninyong sabihin, 'Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.'
6 És ha lesz ott valaki békességnek fia, a ti békességtek azon marad; ha nem, ti reátok tér vissza.
Kung ang isang taong payapa ay naroon, ang inyong kapayapaan ay mapapasakaniya, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa iyo.
7 Ugyanazon házban maradjatok pedig, azt evén és iván, a mit ők adnak: mert méltó a munkás az ő jutalmára. Ne járjatok házról-házra.
Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
8 És valamely városba bementek, és befogadnak titeket, azt egyétek, a mit előtökbe adnak:
Sa lungsod na inyong tutuluyan, at kayo ay tinanggap, kumain kayo ng anumang ihain sa inyong harapan,
9 És gyógyítsátok a betegeket, a kik ott lesznek, és mondjátok nékik: Elközelített hozzátok az Isten országa.
at pagalingin ninyo ang may sakit na naroroon. Sabihin niyo sa kanila, 'Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.'
10 Valamely városba pedig bementek, és titeket be nem fogadnak, annak utczáira kimenvén, ezt mondjátok:
Ngunit sa anumang mga lungsod na inyong pupuntahan, at hindi nila kayo tinanggap, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin,
11 Még a port is, a mely reánk ragadt a ti várostokból, itt köztetek letöröljük; mindazáltal ez legyen tudtotokra, hogy az Isten országa elközelített hozzátok.
'Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pinupunasan laban sa inyo! Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na.'
12 Mondom pedig néktek, hogy a Sodomabeliek állapota tűrhetőbb lesz ama napon, hogynem azé a városé.
Sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, higit na mapagtitiisan ang Sodoma kaysa sa lungsod na iyon.
13 Jaj néked Korazin! Jaj néked Bethsaida! mert ha Tírusban és Sídonban lettek volna azok a csodák, melyek te benned lőnek, régen zsákban és hamuban ülve megtértek volna.
Aba sa inyo, Corazin! Aba sa inyo Betsaida! Kung ang makapangyarihang mga gawa na nagawa sa inyo ay nagawa sa Tiro at Sidon, matagal na sana silang nagsisi, na nakaupo sa telang magaspang at sa mga abo.
14 Hanem Tírusnak és Sídonnak tűrhetőbb lesz állapota az ítéletkor, hogynem néktek.
Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo.
15 És te Kapernaum, mely mind az égig felmagasztaltattál, a pokolig fogsz lealáztatni. (Hadēs g86)
Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades. (Hadēs g86)
16 A ki titeket hallgat, engem hallgat, és a ki titeket megvet, engem vet meg; és a ki engem vet meg, azt veti meg, a ki engem elküldött.
Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin, at ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.”
17 Visszatére pedig a hetven tanítvány örömmel, mondván: Uram, még az ördögök is engednek nékünk a te neved által!
Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, “Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan.”
18 Ő pedig monda nékik: Látám a Sátánt, mint a villámlást lehullani az égből.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat.
19 Ímé adok néktek hatalmat, hogy a kígyókon és skorpiókon tapodjatok, és az ellenségnek minden erején; és semmi nem árthat néktek.
Tingnan, binigyan ko kayo ng kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makapananakit sa inyo sa anumang paraan.
20 De azon ne örüljetek, hogy a lelkek néktek engednek; hanem inkább azon örüljetek, hogy a ti neveitek fel vannak írva a mennyben.
Gayon pa man huwag kayong magalak lamang sa mga ito, na ang mga espiritu ay sumusunod sa inyo, ngunit higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.”
21 Azon órában örvendeze Jézus lelkében, és monda: Hálákat adok néked, Atyám, mennynek és földnek Ura, hogy elrejtetted ezeket a bölcsek és értelmesek elől, és a kisdedeknek megjelentetted. Igen, Atyám, mert így volt kedves te előtted.
Sa parehong oras na iyon, siya ay nagalak nang lubusan sa Banal na Espiritu, at sinabi, “Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at nakakaunawa, at ipinahayag ang mga ito sa mga walang muwang, tulad ng mga maliliit na bata. Oo, Ama, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyong paningin.”
22 Mindent nékem adott az én Atyám: és senki sem tudja, kicsoda a Fiú, csak az Atya; és kicsoda az Atya, hanem csak a Fiú, és a kinek a Fiú akarja megjelenteni.
''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya.”
23 És a tanítványokhoz fordulván, monda ő magoknak: Boldog szemek, a melyek látják azokat, a melyeket ti láttok.
Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya nang bukod, “Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo.
24 Mert mondom néktek, hogy sok próféta és király kívánta látni, a miket ti láttok, de nem látták; és hallani, a miket hallotok, de nem hallották.
Sinasabi ko sa inyo, maraming mga propeta at mga hari na hinangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila ito nakita, at marinig ang mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig.”
25 És ímé egy törvénytudó felkele, kísértvén őt, és mondván: Mester, mit cselekedjem, hogy az örök életet vehessem? (aiōnios g166)
Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?” (aiōnios g166)
26 Ő pedig monda annak: A törvényben mi van megírva? mint olvasod?
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nakasulat sa kautusan? Paano mo ito binabasa?”
27 Az pedig felelvén, monda: Szeresd az Urat, a te Istenedet teljes szívedből és teljes lelkedből és minden erődből és teljes elmédből; és a te felebarátodat, mint magadat.
Sumagot na nagsabi siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
28 Monda pedig annak: Jól felelél; ezt cselekedd, és élsz.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka.”
29 Az pedig igazolni akarván magát, monda Jézusnak: De ki az én felebarátom?
Ngunit ang guro na naghahangad na na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, “At sino ang aking kapwa?”
30 Jézus pedig felelvén, monda: Egy ember megy vala alá Jeruzsálemből Jerikóba, és rablók kezébe esék, a kik azt kifosztván és megsebesítvén, elmenének, és ott hagyák félholtan.
Sumagot na nagsabi si Jesus, “May isang tao na bumaba sa Jerico mula sa Jerusalem. Nahulog siya sa kamay ng mga magnanakaw, na sumamsam sa kaniyang mga ari-arian, at binugbog siya, at iniwan siyang halos patay na.
31 Történet szerint pedig megy vala alá azon az úton egy pap, a ki azt látván, elkerülé.
Nagkataon na may isang pari ang bumaba sa daang iyon, at nang siya ay nakita nito, siya ay dumaan sa kabila ng daan.
32 Hasonlóképen egy Lévita is, mikor arra a helyre ment, és azt látta, elkerülé.
Gayon din naman sa isang Levita, nang siya ay dumating sa lugar at nakita siya, ay dumaan sa kabila ng daan.
33 Egy samaritánus pedig az úton menvén, odaért, a hol az vala: és mikor azt látta, könyörületességre indula.
Ngunit isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya. Nang makita siya, siya ay nahabag.
34 És hozzájárulván, bekötözé annak sebeit, olajat és bort töltvén azokba; és azt felhelyezvén az ő tulajdon barmára, vivé a vendégfogadó házhoz, és gondját viselé néki.
Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya.
35 Másnap pedig elmenőben két pénzt kivévén, adá a gazdának, és monda néki: Viselj gondot reá, és valamit ezen fölül reáköltesz, én mikor visszatérek, megadom néked.
Nang sumunod na araw, siya ay kumuha ng dalawang denaryo, at ibinigay sa katiwala ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Alagaan mo siya at anumang magagastos mong labis, sa aking pagbalik, babayaran kita.'
36 E három közül azért kit gondolsz, hogy felebarátja volt annak, a ki a rablók kezébe esett?
Sino sa tatlong ito, sa tingin mo, ang naging isang kapwa sa kaniya na nahulog sa mga magnanakaw?”
37 Az pedig monda: Az, a ki könyörült rajta. Monda azért néki Jézus: Eredj el, és te is a képen cselekedjél.
Sinabi ng guro, “Ang nagpakita ng awa sa kaniya.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka at gayon din ang gawin mo.”
38 Lőn pedig, mikor az úton menének, hogy ő beméne egy faluba; egy Mártha nevű asszony pedig befogadá őt házába.
Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay.
39 És ennek vala egy Mária nevezetű testvére, ki is Jézus lábainál leülvén, hallgatja vala az ő beszédét.
Mayroon siyang isang kapatid na nagngangalang Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kaniyang salita.
40 Mártha pedig foglalatos volt a szüntelen való szolgálatban; előállván azért, monda: Uram, nincs-é arra gondod, hogy az én testvérem magamra hagyott engem, hogy szolgáljak? Mondjad azért néki, hogy segítsen nékem.
Ngunit si Marta ay sobrang abala sa paghahanda ng pagkain. Lumapit siya kay Jesus, at sinabi, “Panginoon, pababayaan mo ba na iniwan ako ng aking kapatid na mag-isang maglingkod? Kaya sabihin mo sa kaniya na tulungan ako.”
41 Felelvén pedig, monda néki Jézus: Mártha, Mártha, szorgalmas vagy és sokra igyekezel:
Ngunit sumagot ang Panginoon at sinabi sa kaniya, “Marta, Marta, masyado kang abala tungkol sa maraming bagay,
42 De egy a szükséges dolog: és Mária a jobb részt választotta, mely el nem vétetik ő tőle.
ngunit iisang bagay lamang ang kinakailangan. Pinili ni Maria kung ano ang pinakamabuti, na hindi makukuha mula sa kaniya.”

< Lukács 10 >