< תְהִלִּים 128 >

שִׁ֗יר הַֽמַּ֫עֲלֹ֥ות אַ֭שְׁרֵי כָּל־יְרֵ֣א יְהוָ֑ה הַ֝הֹלֵ֗ךְ בִּדְרָכָֽיו׃ 1
Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan.
יְגִ֣יעַ כַּ֭פֶּיךָ כִּ֣י תֹאכֵ֑ל אַ֝שְׁרֶ֗יךָ וְטֹ֣וב לָֽךְ׃ 2
Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana.
אֶשְׁתְּךָ֤ ׀ כְּגֶ֥פֶן פֹּרִיָּה֮ בְּיַרְכְּתֵ֪י בֵ֫יתֶ֥ךָ בָּ֭נֶיךָ כִּשְׁתִלֵ֣י זֵיתִ֑ים סָ֝בִ֗יב לְשֻׁלְחָנֶֽךָ׃ 3
Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang (sila) ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa.
הִנֵּ֣ה כִי־כֵ֭ן יְבֹ֥רַךְ גָּ֗בֶר יְרֵ֣א יְהוָֽה׃ 4
Oo, tunay nga, ang tao ay pagpapalain, siyang nagpaparangal kay Yahweh.
יְבָרֶכְךָ֥ יְהוָ֗ה מִצִּ֫יֹּ֥ון וּ֭רְאֵה בְּט֣וּב יְרוּשָׁלָ֑͏ִם כֹּ֝֗ל יְמֵ֣י חַיֶּֽיךָ׃ 5
Nawa pagpalain ka ni Yahweh mula sa Sion; nawa makita mo ang kasaganahan ng Jerusalem sa lahat ng araw ng iyong buhay.
וּרְאֵֽה־בָנִ֥ים לְבָנֶ֑יךָ שָׁ֝לֹ֗ום עַל־יִשְׂרָאֵֽל׃ 6
Nawa mabuhay ka para makita ang anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

< תְהִלִּים 128 >