< Lik 23 >

1 Alò kon yon sèl kò, yo te leve pou mennen L devan Pilate.
Ang buong kapulungan ay tumayo, at dinala si Jesus sa harapan ni Pilato.
2 Yo te kòmanse akize L, e te di: “Nou te twouve mesye sa t ap egare nasyon nou an, e t ap anpeche yo peye kontribisyon yo bay César, e te di ke Li menm, Li se Kris la, yon Wa.”
Nagsimula silang paratangan siya, sinasabi, “Nalaman na inaakay ng taong ito ang aming bansa sa kasamaan, ipinagbabawal niyang magbigay ng buwis kay Ceasar, at sinasabing siya mismo ang Cristo, na isang hari.”
3 Donk Pilate te mande Li: “Èske Ou se Wa a Jwif yo?” Epi Li te reponn li: “Se sa ou di l la”.
Tinanong siya ni Pilato, sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At sinagot siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw na ang may sabi.”
4 Answit Pilate te di a chèf prèt yo avèk foul la: “Mwen pa twouve okenn koupabilite nan mesye sa a”.
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa maraming tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5 Men yo te kontinye ensiste, e t ap di: “L ap boulvèse pèp la, e L ap enstwi yo toupatou nan Juda, kòmanse soti nan Galilée, pou menm rive nan plas sa a.”
Ngunit sila ay nagpupumilit, sinasabi, “Ginugulo niya ang mga tao, nagtuturo sa buong Judea, mula sa Galilea maging sa lugar na ito.”
6 Men lè Pilate te tande sa, li te mande si mesye sa a te yon Galileyen.
Kaya nang marinig ito ni Pilato, tinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
7 Lè l te vin aprann ke Li te anba otorite Hérode, li te voye Li vè Hérode, ki te osi nan Jérusalem nan moman sa a.
Nang malaman niyang nasa ilalim siya ng pamumuno ni Herodes, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem din sa mga araw na iyon.
8 Alò, Hérode te trè kontan lè l te wè Jésus; paske li te vle wè L depi lontan, akoz ke li t ap tande de Li, e te espere wè l fè kalite mirak ki te fèt pa Li.
Nang makita ni Herodes si Jesus, labis siyang natuwa, dahil matagal na niya itong nais makita. Nakarinig siya ng tungkol sa kaniya at ninais niyang makakita ng ilang himala na ginawa niya.
9 Li te kesyone Li anpil, men Li pa t reponn li menm.
Maraming itinanong si Herodes kay Jesus, ngunit walang isinagot si Jesus sa kaniya.
10 Chèf prèt yo avèk skrib yo te kanpe la, e t ap akize Li avèk vanjans.
Tumayo ang mga punong pari at mga eskriba, marahas siyang pinaparatangan.
11 Epi lè Hérode avèk sòlda li yo, te fin trete L avèk ensolans, e moke L, yo te fè L abiye ak yon bèl manto, e te voye Li retounen bay Pilate.
Inalipusta siya ni Herodes kasama ng kaniyang mga kawal, at kinutya siya, at dinamitan siya ng magandang kasuotan, at ipinadala si Jesus pabalik kay Pilato.
12 Alò nan menm jou sa a, Hérode avèk Pilate te vin zanmi youn avèk lòt men avan sa, yo te lènmi youn ak lòt.
Naging magkaibigan sina Herodes at Pilato sa araw ding iyon (dati silang magkaaway.)
13 Pilate te rasanble chèf prèt yo avèk ofisye yo avèk pèp la.
Tinipon ni Pilato ang mga punong pari at ang mga pinuno at ang napakaraming tao,
14 Li te di yo: “Nou te mennen nonm sa a kote mwen tankou yon moun ki t ap pouse pèp la a rebelyon, e gade byen, selon egzamen ki fèt devan nou, mwen pa twouve okenn koupabilite nan Li, selon chaj ke nou fè kont Li yo.
at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo ang taong ito sa akin na tila isang taong pinangungunahan ang mga tao upang gumawa ng masama, at tingnan ninyo, tinanong ko siya sa harapan ninyo, wala akong nakitang kasalanan sa taong ito tungkol sa mga bagay na inyong ipinaparatang sa kaniya.
15 Non, ni Hérode pa twouve anyen, paske li te voye Li tounen bò kote nou; epi byen gade, anyen ki merite lanmò pa t fèt pa Li.
Wala, kahit si Herodes, sapagkat siya ay ipinabalik niya sa atin, at tingnan ninyo, wala siyang ginawang karapat-dapat ng kamatayan.
16 Konsa, mwen va pini Li, epi lage Li.”
Kaya parurusahan ko siya, at pakakawalan siya.
17 Alò li te oblije lage pou yo yon prizonye nan fèt la.
(Ngayon, sa pista, kailangang magpalaya ni Pilato ng isang bilanggo para sa mga Judio.)
18 Men yo te kriye fò tout ansanm, e te di: “Fè nonm sa ale! Libere pou nou Barabbas!”
Ngunit sabay-sabay silang sumigaw, sinasabi, “Alisin ninyo ang taong ito, at palayain si Barabbas para sa amin!”
19 (Li te yon moun ki te jete nan prizon pou yon rebelyon ki te fèt nan vil la, ak pou touye moun.)
Si Barabbas ay isang taong ibinilanggo dahil sa pagrerebelde sa lungsod at dahil sa pagpatay.
20 Pilate, ki te vle lage Jésus, te pale avèk yo ankò,
Kinausap ulit sila ni Pilato, ninanais na palayain si Jesus.
21 men yo te kontinye kriye fò, e te di: “Krisifye! Krisifye Li!”
Ngunit sumigaw sila, sinasabi, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus.”
22 Li te di yo yon twazyèm fwa: “Poukisa? Ki mal mesye sa a fè? Mwen pa twouve nan Li okenn fot ki mande lanmò. Konsa, mwen va pini Li, epi lage Li.”
Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon, “Bakit, anong masamang ginawa ng taong ito? Wala akong natagpuan upang siya ay marapat na parusahan ng kamatayan. Kaya, pagkatapos niyang maparusahan, pakakawalan ko siya.”
23 Men yo te ensiste toujou, e t ap mande ak gwo vwa pou Li krisifye. Epi vwa pa yo te kòmanse vin genyen.
Ngunit sila ay mapilit na may malalakas na tinig, hinihiling na ipapako siya krus. At nahikayat si Pilato ng kanilang mga tinig.
24 Konsa, Pilate te pase lòd ofisyèl pou sede bay yo sa yo te mande a.
Kaya nagpasya si Pilato na ibigay ang kanilang kahilingan.
25 Li te libere mesye ke yo t ap mande a, ki te jete nan prizon pou rebelyon ak touye moun nan, men li te livre Jésus kon volonte pa yo.
Pinalaya niya ang taong hiniling nila, na ibinilanggo dahil sa panggugulo at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Jesus ayon sa kalooban nila.
26 Lè yo te mennen L sòti, yo te mete men sou yon Simon de Cyrène ki t ap sòti andeyò, e te mete kwa a sou li pou l ta pote l dèyè Jésus.
Nang siya inilalayo nila, sinunggaban nila ang isang Simon na taga-Cirene, na nanggaling sa kabukiran, at pinapasan nila ang krus sa kaniya upang buhatin niya, na sumusunod kay Jesus.
27 Yon gran foul nan pèp la t ap swiv Li, avèk fanm yo ki t ap kriye e fè lamantasyon pou Li.
Siya ay sinusundan ng napakaraming tao, at mga kababaihang nagdadalamhati at tumatangis dahil sa kaniya.
28 Men Jésus, te vin vire vè yo, e te di: “Fi Jérusalem yo, sispann kriye pou Mwen, men kriye pou nou menm, ak pou pitit nou yo.
Ngunit lumingon si Jesus sa kanila, at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, ngunit tangisan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
29 Paske, veye byen, jou yo ap vini lè yo va di: ‘Beni se sila ki esteril yo, e vant ki pa t janm fè pitit yo, ak tete ki pa t janm bay timoun tete yo.’
Dahil tingnan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, 'Pinagpala ang mga baog at ang mga sinapupunang hindi nanganak, at ang mga suso na hindi nagpasuso.'
30 Alò, yo va kòmanse di a mòn yo: ‘Tonbe sou nou, e a ti kolin yo, kouvri nou.’
Sa panahong iyon sasabihin nila sa mga bundok, 'Bumagsak kayo sa amin,' at sa mga burol, 'Tabunan ninyo kami.'
31 Paske si yo fè bagay sa yo avèk bwa ki vèt, kisa k ap rive lè l sèch.”
Sapagkat kung gagawin nila ang mga bagay na ito habang ang puno ay berde, anong magyayari kapag tuyo na ito?”
32 De lòt mesye ki te kriminèl yo t ap mennen sòti pou mete a lanmò avèk Li.
May iba pang dalawang lalaking na mga kriminal ang dinala kasama niya upang patayin.
33 Lè yo te rive nan plas yo rele Plas Tèt Mò a, yo te krisifye Li avèk kriminèl yo, youn sou bò dwat, e youn sou bò goch.
Nang makarating sila sa lugar na kung tawagin ay Bungo, doon ay kanilang ipinako siya sa krus kasama ang mga kriminal, isa sa kaniyang kanan at isa sa kaniyang kaliwa.
34 Men Jésus t ap di: “Papa, padone yo; paske yo pa konnen kisa y ap fè.” Epi yo te tire osò pou divize vètman Li pami yo menm.
Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.
35 Pèp la te kanpe akote, e t ap gade. Menm ofisye yo t ap moke L, e t ap di: “Li te sove lòt yo, kite Li sove pwòp tèt Li si se Kris a Bondye a, Sila Ke Li Chwazi a.”
Ang mga tao ay nakatayong nanonood habang kinukutya rin siya ng mga pinuno, sinasabi, “Niligtas niya ang iba. Hayaan ninyong iligtas niya ang kaniyang sarili, kung siya nga ang Cristo ng Diyos, ang hinirang.”
36 Sòlda yo osi ki t ap moke Li, te vin kote L, pou ofri Li diven si.
Pinagtawanan din siya ng mga kawal, lumalapit sa kaniya, inaalukan siya ng suka,
37 Yo t ap di: “Si Ou se Wa a Jwif yo, sove tèt Ou!”
at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”
38 Alò te gen yon enskripsyon anwo Li: “Sa Se Wa a Jwif Yo”.
Mayroon ding isang karatula sa itaas niya, “ITO ANG HARI NG MGA JUDIO.”
39 Youn nan kriminèl ki te pann yo t ap voye pawòl abizif vè Li; li t ap di: “Èske se pa Kris la Ou ye? Sove tèt Ou, avèk nou!”
Nilait siya ng isa sa mga kriminal na nakapako sa krus, sinasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami.”
40 Men lòt la te reponn ak repwòch e te di: “Èske ou pa menm pè Bondye, paske ou anba menm lòd kondanasyon an?
Ngunit sumagot ang isa, sinaway siya at sinabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos, sapagkat ikaw ay nasa ilalim ng parehong parusa?
41 Epi nou menm avèk jistis, paske nou ap resevwa sa ke nou merite pou zèv nou yo; men mesye sila a pa fè okenn mal.”
Nararapat lang na narito tayo, sapagkat tinatanggap natin ang nararapat sa ating mga ginawa. Ngunit ang taong ito ay walang ginawang mali.”
42 Konsa li te di: “Jésus, sonje mwen lè Ou antre nan wayòm Ou an!”
At dagdag pa niya, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”
43 Li te reponn li: “Anverite Mwen di ou, jodi a, ou va avè M nan Paradi.”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tunay ngang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa paraiso.”
44 Alò se te anviwon sizyèm lè, e tenèb te tonbe sou tout latè jiska nevyèm lè.
Nang pasapit na ang Ika-anim na oras, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras
45 Solèy la te kache nèt, e vwal tanp lan te chire an de bout.
habang nagdidilim ang araw. Pagkatapos, nahati sa gitna ang kurtina ng templo.
46 Jésus te kriye avèk yon gwo vwa, e te di: “Papa, nan men Ou Mwen remèt lespri Mwen.” Lè L fin di sa, Li te respire dènye souf Li.
At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, “Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay.
47 Alò, lè santenye a te wè sa ki te rive a, li te kòmanse bay lwanj a Bondye, e te di: “Anverite, mesye sa a te inosan.”
Nang makita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos, sinabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito.”
48 Alò tout foul la ki te vini ansanm pou espektak sila a, lè yo te wè sa ki te rive a, yo te retounen e t ap bat lestomak yo.
Nang ang mga bagay na naganap ay nakita ng napakaraming taong sama-samang dumating upang saksihan ang pangyayaring ito, nagsi-uwian sila na dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49 Epi tout sila ki te rekonèt Li yo, ak fanm Galilée ki te akonpanye Li yo, te kanpe a yon distans e t ap gade tout bagay sa yo.
Ngunit ang lahat ng mga kakilala niya, at ang mga babaing sumunod sa kaniya mula sa Galilea, ay nakatayo sa di-kalayuan, pinapanood ang mga bagay na ito.
50 Yon mesye ki te rele Joseph, yon manm Konsèy la, te yon nonm ki te bon e jis.
Masdan ninyo, may isang lalaking nagngangalang Jose, na kabilang sa Konseho, isang mabuti at matuwid na tao
51 Li pa t dakò avèk plan yo a. Se te yon mesye ki te soti Arimathée, yon vil a Jwif yo, e li t ap tann vini wayòm Bondye a.
(hindi siya sumang-ayon sa kanilang pasya at sa kanilang ginawa), mula sa Arimatea, isang Judiong lungsod, na siyang naghihintay sa kaharian ng Diyos.
52 Mesye sila a te ale kote Pilate, e te mande kò Jésus.
Ang taong ito ay lumapit kay Pilato, hiningi ang katawan ni Jesus.
53 Konsa, li te desann kò li, li te vlope li nan yon twal lèn, e li te depoze li nan yon tonbo ki te fouye nan wòch, kote pèsòn pa t janm te depoze.
Ibinababa niya ito, at binalot ito ng pinong lino, at inilagay siya sa isang libingang inukit sa bato, na hindi pa napaglilibingan.
54 Se te Jou Preparasyon an, e Saba te prèt pou kòmanse.
Noon ay ang Araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang Araw ng Pamamahinga.
55 Alò fanm ki te vini avèk Li yo depi Galilée te swiv, e te wè tonm nan ak jan kò L te depoze a.
Ang mga babaing kasama niyang lumabas sa Galilea ay sumunod, at nakita ang libingan at kung paano inilagay ang kaniyang katawan.
56 Answit yo te retounen pou prepare epis avèk pafen. Epi nan Saba a, yo te repoze selon Lalwa a.
Sila ay umuwi, at naghanda ng mga pabango at mga pamahid. At sa araw ng Pamamahinga, sila ay nagpahinga ayon sa kautusan.

< Lik 23 >