< Ἰώβ 19 >

1 ὑπολαβὼν δὲ Ιωβ λέγει
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 ἕως τίνος ἔγκοπον ποιήσετε ψυχήν μου καὶ καθαιρεῖτε με λόγοις
“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan at babasagin ng pira-piraso na may mga salita?
3 γνῶτε μόνον ὅτι ὁ κύριος ἐποίησέ με οὕτως καταλαλεῖτέ μου οὐκ αἰσχυνόμενοί με ἐπίκεισθέ μοι
Sampung beses ninyo na akong pinagsasabihan; hindi kayo nahihiya na pinagmamalupitan ninyo ako.
4 ναὶ δὴ ἐπ’ ἀληθείας ἐγὼ ἐπλανήθην παρ’ ἐμοὶ δὲ αὐλίζεται πλάνος λαλῆσαι ῥῆμα ὃ οὐκ ἔδει τὰ δὲ ῥήματά μου πλανᾶται καὶ οὐκ ἐπὶ καιροῦ
Kung totoo nga na nagkasala ako, mananatiling panagutan ko ang aking pagkakamali.
5 ἔα δὲ ὅτι ἐπ’ ἐμοὶ μεγαλύνεσθε ἐνάλλεσθε δέ μοι ὀνείδει
Kung totoo nga na magmamalaki kayo laban sa akin at mapaniwala ang lahat ng mga tao na nagkasala ako,
6 γνῶτε οὖν ὅτι ὁ κύριός ἐστιν ὁ ταράξας ὀχύρωμα δὲ αὐτοῦ ἐπ’ ἐμὲ ὕψωσεν
kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
7 ἰδοὺ γελῶ ὀνείδει καὶ οὐ λαλήσω κεκράξομαι καὶ οὐδαμοῦ κρίμα
Tingnan ninyo, sumisigaw ako na ginawan ako ng mali, pero hindi ako narinig; nanawagan ako ng tulong, pero walang katarungan.
8 κύκλῳ περιῳκοδόμημαι καὶ οὐ μὴ διαβῶ ἐπὶ πρόσωπόν μου σκότος ἔθετο
Pinaderan niya ang aking daanan para hindi ako makatawid, at pinadilim niya ang aking nilalakaran.
9 τὴν δὲ δόξαν ἀπ’ ἐμοῦ ἐξέδυσεν ἀφεῖλεν δὲ στέφανον ἀπὸ κεφαλῆς μου
Hinubad niya ang aking karangalan, at kinuha niya ang korona mula sa ulo ko.
10 διέσπασέν με κύκλῳ καὶ ᾠχόμην ἐξέκοψεν δὲ ὥσπερ δένδρον τὴν ἐλπίδα μου
Giniba niya ako sa bawat dako, at naglaho na ako; binunot niya ang aking mga pag-asa katulad ng isang puno.
11 δεινῶς δέ μοι ὀργῇ ἐχρήσατο ἡγήσατο δέ με ὥσπερ ἐχθρόν
Pinasiklab din niya ang kaniyang galit laban sa akin; tinuturing niya ako bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
12 ὁμοθυμαδὸν δὲ ἦλθον τὰ πειρατήρια αὐτοῦ ἐπ’ ἐμοὶ ταῖς ὁδοῖς μου ἐκύκλωσάν με ἐγκάθετοι
Nagtitipon ang mga hukbo niya, nagtayo sila ng tungtungan na panlusob laban sa akin at nagkampo sa paligid ng aking tolda.
13 ἀπ’ ἐμοῦ δὲ ἀδελφοί μου ἀπέστησαν ἔγνωσαν ἀλλοτρίους ἢ ἐμέ φίλοι δέ μου ἀνελεήμονες γεγόνασιν
Nilayo niya mula sa akin ang mga kapatid ko, nilayo niya ako mula sa aking mga kakilala.
14 οὐ προσεποιήσαντό με οἱ ἐγγύτατοί μου καὶ οἱ εἰδότες μου τὸ ὄνομα ἐπελάθοντό μου
Binigo ako ng aking mga kamag-anak; kinalimutan na ako ng malapit kong mga kaibigan.
15 γείτονες οἰκίας θεράπαιναί τέ μου ἀλλογενὴς ἤμην ἐναντίον αὐτῶν
Ang mga taong minsang tumuloy sa bahay ko bilang panauhin pati na ang mga lingkod kong babae ay itinuring akong ibang tao; isa akong dayuhan sa paningin nila.
16 θεράποντά μου ἐκάλεσα καὶ οὐχ ὑπήκουσεν στόμα δέ μου ἐδέετο
Nananawagan ako sa aking lingkod, pero hindi niya ako tinutugon kahit na nagmamakaawa ako sa pamamagitan ng aking bibig.
17 καὶ ἱκέτευον τὴν γυναῖκά μου προσεκαλούμην δὲ κολακεύων υἱοὺς παλλακίδων μου
Nakasusulasok sa asawa ko ang aking paghinga; nakapandidiri ang aking panawagan sa sariling kong mga kapatid na lalaki at babae.
18 οἱ δὲ εἰς τὸν αἰῶνά με ἀπεποιήσαντο ὅταν ἀναστῶ κατ’ ἐμοῦ λαλοῦσιν
Kahit ang mga bata ay kinasusuklaman ako; kung babangon ako para magsalita, pinagsasalitaan nila ako.
19 ἐβδελύξαντο δέ με οἱ εἰδότες με οὓς δὴ ἠγαπήκειν ἐπανέστησάν μοι
Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
20 ἐν δέρματί μου ἐσάπησαν αἱ σάρκες μου τὰ δὲ ὀστᾶ μου ἐν ὀδοῦσιν ἔχεται
Nakakapit ang mga buto ko sa aking balat at laman; buto't balat na lamang ang natitira sa akin.
21 ἐλεήσατέ με ἐλεήσατέ με ὦ φίλοι χεὶρ γὰρ κυρίου ἡ ἁψαμένη μού ἐστιν
Maawa kayo sa akin, maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil hinawakan ako ng kamay ng Diyos. Bakit ninyo ako inaapi na parang kayo ang Diyos?
22 διὰ τί δέ με διώκετε ὥσπερ καὶ ὁ κύριος ἀπὸ δὲ σαρκῶν μου οὐκ ἐμπίπλασθε
Bakit hindi pa kayo nasisiyahan sa pag-ubos ng laman ko?
23 τίς γὰρ ἂν δῴη γραφῆναι τὰ ῥήματά μου τεθῆναι δὲ αὐτὰ ἐν βιβλίῳ εἰς τὸν αἰῶνα
O, sana ay maisulat na ngayon ang mga sinasabi ko! O, sana maitala sa aklat ang mga ito!
24 ἐν γραφείῳ σιδηρῷ καὶ μολίβῳ ἢ ἐν πέτραις ἐγγλυφῆναι
O, sana ay magpakailanmang maiukit ito ng bakal na panulat at tingga sa isang bato!
25 οἶδα γὰρ ὅτι ἀέναός ἐστιν ὁ ἐκλύειν με μέλλων ἐπὶ γῆς
Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
26 ἀναστήσαι τὸ δέρμα μου τὸ ἀνατλῶν ταῦτα παρὰ γὰρ κυρίου ταῦτά μοι συνετελέσθη
pagkatapos mawasak ang balat ko, iyon ay, ang aking katawan, saka makikita ko ang Diyos sa aking pangangatawan.
27 ἃ ἐγὼ ἐμαυτῷ συνεπίσταμαι ἃ ὁ ὀφθαλμός μου ἑόρακεν καὶ οὐκ ἄλλος πάντα δέ μοι συντετέλεσται ἐν κόλπῳ
Makikita ko siya, ako mismo ang makakakita sa kaniya sa aking tabi; makikita siya ng aking mga mata, at hindi bilang isang dayuhan. Bibigay ang lamang-loob ko.
28 εἰ δὲ καὶ ἐρεῖτε τί ἐροῦμεν ἔναντι αὐτοῦ καὶ ῥίζαν λόγου εὑρήσομεν ἐν αὐτῷ
Kung sinasabi ninyo, 'Paano natin siya pahihirapan! Nasa kaniya ang ugat ng kaniyang mga kaguluhan',
29 εὐλαβήθητε δὴ καὶ ὑμεῖς ἀπὸ ἐπικαλύμματος θυμὸς γὰρ ἐπ’ ἀνόμους ἐπελεύσεται καὶ τότε γνώσονται ποῦ ἐστιν αὐτῶν ἡ ὕλη
matakot kayo sa espada, dahil ang poot ang nagdadala ng kaparusahan ng espada, para malaman ninyo na mayroong paghahatol.”

< Ἰώβ 19 >