< 2 Korinther 11 >

1 Möchtet ihr euch doch ein klein wenig Torheit von mir gefallen lassen! Nicht wahr? Ihr laßt sie euch auch von mir gefallen;
Ninanais ko na pagtiyagaan ninyo ako sa ilan sa aking kamangmangan. Ngunit ako nga ay inyong pinagtitiyagaan!
2 denn ich eifere um euch mit göttlichem Eifer; ich habe euch ja einem einzigen Manne verlobt, um euch Christus als eine reine Jungfrau zuzuführen.
Sapagkat ako ay naninibugho sa inyo. Ako ay may maka-diyos na panibugho sa inyo sapagkat ipinangako ko kayo na mapangasawa ng isang lalaki. Ako ay nangako na ihaharap kayong dalisay na birhen kay Cristo.
3 Ich fürchte aber, daß, wie die Schlange einst Eva mit ihrer Arglist verführt hat, so auch eure Gedanken von der Einfalt und lauteren Gesinnung gegen Christus zum Argen hingezogen werden.
Ngunit ako ay natatakot na baka katulad ni Eba, kayo ay malinlang ng ahas sa kaniyang pagiging tuso, at ang inyong kaisipan ay maaring mailayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo.
4 Denn wenn irgend jemand daherkommt und euch einen anderen Jesus verkündigt, den wir nicht verkündigt haben, oder wenn ihr einen andersartigen Geist empfangt, den ihr (durch uns) nicht empfangen habt, oder eine andersartige Heilsbotschaft, die ihr (durch uns) nicht erhalten habt, so laßt ihr euch das bestens gefallen.
Sapagkat ipagpalagay na may dumating at ipahayag ang ibang Jesus liban sa aming ipinangaral. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang espiritu liban sa inyong tinanggap. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang ebanghelyo liban sa inyong tinanggap. Labis na ninyong pinapayagan ang mga ganitong bagay!
5 Ich denke doch, in keiner Beziehung hinter den »unvergleichlichen« Aposteln zurückgeblieben zu sein.
Sapagkat sa tingin ko, hindi ako ang pinakamababa sa mga tinatawag na pinakamagagaling na mga apostol.
6 Denn mag ich auch im Reden ungeschult sein, so bin ich es doch nicht in der Erkenntnis, die wir ja doch in jeder Hinsicht euch gegenüber bei allen erwiesen haben.
Ngunit kahit na ako ay hindi nagsanay sa pananalita, ako ay hindi kapos sa kaalaman. Sa bawat pagkakataon at sa lahat ng bagay pinaalam namin ito sa inyo.
7 Oder habe ich etwa dadurch eine Sünde begangen, daß ich mich selbst erniedrigt habe, damit ihr erhöht würdet, insofern ich euch die Heilsbotschaft Gottes ohne Entgelt getreulich verkündigt habe?
Ako ba ay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas? Sapagkat itinuro ko sa inyo ang mabuting balita ng Diyos ng walang bayad.
8 Andere Gemeinden habe ich ausgebeutet, indem ich Belohnung von ihnen genommen habe, um euch zu dienen;
Ninakawan ko ang ibang mga iglesia sa pamamagitan ng pagtanggap ko ng kanilang tulong upang kayo ay aking mapaglingkuran.
9 und während meines Aufenthalts bei euch bin ich, auch als ich Mangel litt, doch keinem zur Last gefallen; denn meinem Mangel haben die Brüder abgeholfen, die damals aus Mazedonien gekommen waren; und in jeder Beziehung habe ich mich so gehalten, daß ich euch nicht beschwerlich gefallen bin, und werde es auch (in Zukunft) so halten.
Noong ako ay na sa inyo at nangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kahit na sino. Sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinugunan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Sa lahat ng bagay iniwasan ko na maging pabigat sa inyo at ipagpapatuloy kong gawin iyon.
10 So gewiß die Wahrhaftigkeit Christi in mir wohnt: dieser Ruhm soll mir in den Gebieten von Achaja nicht verkümmert werden!
Gaya ng katotohanan ni Cristo na nasa akin, ang pagmamayabang kong ito ay hindi mapatatahimik sa mga bahagi ng Acaya.
11 Warum das? Etwa weil ich keine Liebe zu euch habe? Das weiß Gott.
Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na kayo ay aking minamahal.
12 Doch was ich (jetzt) tue, werde ich auch (fernerhin) tun, um denen, die gern eine Möglichkeit haben möchten, bei ihrem Rühmen ebenso erfunden zu werden wie ich, diese Möglichkeit abzuschneiden.
Ngunit ang aking ginagawa, ay gagawin ko rin. Gagawin ko ito upang maputol ang pagkakataon ng mga nagnanais ng pagkakataon na maging katulad namin sa kanilang mga pinagmamayabang.
13 Denn diese Leute sind Lügenapostel, unredliche Arbeiter, die nur die Maske von Aposteln Christi tragen.
Sapagkat ang mga ganoong tao ay hindi totoong apostol at mapanlinlang na mga manggagawa. Sila ay nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
14 Und das ist kein Wunder, denn der Satan selbst nimmt ja das Aussehen eines Lichtengels an.
At ito ay hindi na nakakagulat sapagkat kahit si Satanas ay nagpanggap na isang anghel ng liwanag.
15 Da ist es denn nichts Verwunderliches, wenn auch seine Diener mit der Maske von Dienern der Gerechtigkeit auftreten. Doch ihr Ende wird ihrem ganzen Tun entsprechen.
Ito ay hindi labis na nakagugulat kung ang kaniyang mga alagad ay nagbabalat kayo rin na mga alagad ng katuwiran. Ang kanilang kapalaran ay kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa.
16 Nochmals wiederhole ich es: Niemand möge mich für einen (wirklichen) Toren halten! Wenn aber doch – nun, so laßt euch meine Torheit einmal gefallen, damit auch ich ein kleines Loblied von mir anstimme!
Sinasabi ko ulit: Huwag isipin ng kahit na sino man na ako ay mangmang. Ngunit kung ganoon nga ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako tulad ng isang mangmang upang ako ay makapagyabang ng kaunti.
17 Was ich (jetzt) rede, das rede ich nicht im Sinne des Herrn, sondern eben in Torheit, weil das Rühmen nun einmal an der Tagesordnung ist.
Ang aking sinasabi tungkol sa mayabang na lakas ng loob na ito ay hindi pinapayagan ng Panginoon ngunit ako ay nagsasalita tulad ng isang mangmang.
18 Weil so viele sich nach dem Fleische rühmen, will auch ich es einmal tun.
Dahil maraming tao ang nagyayabang na naaayon sa laman, ako rin ay magyayabang.
19 Ihr laßt euch ja die Toren gern gefallen, ihr klugen Leute;
Sapagkat masaya ninyong pinagtitiyagaan ang mga mangmang. Kayo mismo ay matatalino!
20 ihr haltet ja still, wenn man euch als Knechte behandelt, wenn man euch aufzehrt, euch listig einfängt, wenn man selbstbewußt auftritt, ja euch ins Gesicht schlägt.
Sapagkat pinagtityagaan ninyo ang umaalipin sa inyo, kung siya ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa inyo, kung siya ay nanlalamang sa inyo, kung siya ay nagyayabang, o sinampal niya kayo sa mukha.
21 Zu meiner Schande muß ich gestehen: Dazu sind wir freilich zu schwach gewesen. Worauf sich aber sonst jemand ohne Scheu etwas einbildet – ich rede in Torheit –, darauf kann auch ich es mir ohne Scheu herausnehmen.
Nahihiya kong sasabin na kami ay labis na mahihina para gawin iyon. Ngunit kung magyayabang—ang iba ako ay nagsasalita na tulad ng isang mangmang—ako rin ay magyayabang.
22 Sie sind Hebräer? Ich auch. Sie sind Israeliten? Ich auch. Sie sind Nachkommen Abrahams? Ich auch.
Sila ba ay mga Hebreo? Ako rin. Sila ba ay mga Israelita? Ako rin. Sila ba ay mula sa kaapu-apuhan ni Abraham? Ako rin.
23 Sie sind Diener Christi? Ich rede im Aberwitz: Ich bin’s noch mehr: In mühevollen Arbeiten überreichlich, in Gefangenschaften überreichlich, unter Schlägen mehr als genug, in Todesgefahren gar oft;
Sila ba ay mga alagad ni Cristo? (Ako ay nagsasalita na para bang ako ay wala sa aking tamang pag-iisip.) Lalong lalo na ako. Ako ay higit na nakaranas ng mabigat na trabaho, sa mas maraming bilangguan, nakaranas ng hindi mabilang na pamamalo, humarap sa panganib ng kamatayan.
24 von Juden habe ich fünfmal die vierzig (Geißelhiebe) weniger einen erhalten;
Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang “apatnapung latigo binawasan ng isa”.
25 dreimal bin ich ausgepeitscht, einmal gesteinigt worden; dreimal habe ich Schiffbruch gelitten, einen Tag und eine Nacht bin ich ein Spielball der Wellen gewesen;
Tatlong beses akong pinalo ng tungkod. Minsang binato. Tatlong beses na nawasak ang barko na aking sinasakyan. nakaranas akong magdamag at buong araw na nasa karagatan.
26 wie viele beschwerliche Fußwanderungen habe ich gemacht, wie viele Gefahren bestanden durch Flüsse, Gefahren durch Räuber, Gefahren durch meine eigenen Volksgenossen, Gefahren durch Heiden, Gefahren in Städten, Gefahren in Einöden, Gefahren auf dem Meer, Gefahren unter falschen Brüdern!
Ako ay madalas na nasa paglalakbay, nanganib mula sa mga ilog, nanganib mula sa mga magnanakaw, nanganib mula sa aking mga kababayan, nanganib mula sa mga Gentil, nanganib sa lungsod, nanganib sa ilang, nanganib sa karagatan, nanganib mula sa mapagpanggap na mga kapatid.
27 Wie oft habe ich Mühsale und Beschwerden bestanden, wie oft durchwachte Nächte, Hunger und Durst, wie oft Entbehrungen (jeder Art), Kälte und Mangel an Kleidung!
Ako ay nakaranas ng matinding trabaho at paghihirap, mga gabi na walang tulog, madalas na nagugutom at nauuhaw, madalas na nag-aayuno, giniginaw at walang maisuot.
28 Dazu – abgesehen von allem Außergewöhnlichen – das Überlaufenwerden tagaus tagein, die Sorge für alle (meine) Gemeinden!
Bukod pa sa lahat ng ito, araw-araw ang panggigipit sa akin ng aking pag-aalala sa lahat ng mga iglesiya. Kung sinuman ang nanghihina, ako rin ay nanghihina?
29 Wo ist jemand schwach (in seinem Glaubensleben), und ich wäre nicht auch schwach? Wo wird jemandem Anstoß bereitet, ohne daß ich brennenden Schmerz empfände?
Sino ang naging dahilan ng pagkahulog ng isa sa kasalan, na hindi ako nagalit?
30 Wenn einmal gerühmt sein muß, so will ich mich der Erweisungen meiner Schwachheit rühmen.
Kung ako ay magyayabang. Ako ay magyayabang tungkol sa mga nagpapakita ng aking kahinaan.
31 Der Gott und Vater des Herrn Jesus, der in alle Ewigkeit Hochgelobte, weiß, daß ich nicht lüge. (aiōn g165)
Ang Diyos at ang Ama ng Panginoong Jesus, siya na pinupuri magpakailanman, alam niya na hindi ako nagsisinungaling! (aiōn g165)
32 In Damaskus hat der Statthalter des Königs Aretas die Stadt (Damaskus) bewachen lassen, um mich festzunehmen;
Sa Damascus, ang gobernador sa ilalim ni haring Aretas ay binabantayan ang lungsod ng Damasco upang ako ay huliin.
33 da hat man mich durch eine Öffnung in einem Korbe über die Stadtmauer hinabgelassen, und so bin ich seinen Händen entronnen.
Ngunit ako ay ibinaba sa bintana sa pader gamit ang basket at ako ay nakatakas mula sa kaniyang mga kamay.

< 2 Korinther 11 >