< Klagelieder 3 >

1 Ich bin der Mann, der Elend hat erfahren durch seines Grimmes Rute.
Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.
2 Mich drängte er und führte mich in Finsternis und tiefes Dunkel.
Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
3 An mir erprobt er immer wieder seine Macht den ganzen Tag.
Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.
4 Er rieb mir auf mein Fleisch und meine Haut, zerbrach mir mein Gebein.
Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.
5 Und eingeschritten ist er gegen mich mit Gift und Aufhängen,
Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
6 versetzte mich in Finsternis wie ewig Tote.
Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.
7 Er mauerte mich ein, ließ keinen Ausweg offen, beschwerte mich mit Ketten.
Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
8 Ob ich auch schreie, rufe, er weist mein Beten ab,
Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
9 versperrt mit Pfählen meine Wege, verstört mir meine Pfade.
Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Er ist mir wie ein Bär, der lauert, ein Löwe in dem Hinterhalt.
Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Er kreist um meine Wege, umschließt mich, macht mich einsam,
Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 dann spannt er seinen Bogen und stellt als Ziel mich auf für seine Pfeile.
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 Er schießt mir in die Nieren des Köchers Söhne.
Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ich wurde meinem ganzen Volke zum Gespött, ihr Spottlied für den ganzen Tag.
Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.
15 Mit Bitternissen machte er mich satt, berauschte mich mit Wermut,
Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 zermalmen ließ er meine Zähne Kiesel und wälzte mich im Staube.
Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 Des Glücks beraubt ward meine Seele, daß ich des Heiles ganz vergaß
At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
18 und sprach: "Dahin ist meine Lebenskraft und meine Hoffnung auf den Herrn."
At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
19 Ja, der Gedanke an mein Elend, meine Irrsale, ist Wermut mir und Gift.
Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Und doch denkt meine Seele dran und sinnt in mir.
Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Und ich bedachte dies und schöpfte daraus meine Hoffnung.
Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.
22 Des Herren Huld ist nicht zu Ende und sein Erbarmen nicht erschöpft.
Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Neu ist's an jedem Morgen; ja: "Groß ist Deine Treue;
Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
24 mein Anteil ist der Herr", spricht meine Seele; "drum hoffe ich auf ihn."
Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
25 Der Herr ist denen gütig, die seiner harren, und einer Seele, die ihn sucht.
Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Drum ist es gut, schweigend des Herren Hilfe zu erwarten.
Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 Gar heilsam ist es für den Mann, das Joch in seiner Jugend schon zu tragen.
Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Er sitze einsam da und schweige, weil er's ihm auferlegt!
Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Mit seinem Mund berühre er den Staub! Vielleicht gibt's dann noch Hoffnung.
Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Er biete seine Wange jenem dar, der nach ihm schlägt, und lasse sich mit Schmach ersättigen!
Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Denn nicht auf ewig will der Herr verstoßen.
Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Und fügt er auch Betrübnis zu, erbarmt er sich auch wieder seiner Gnadenfülle nach.
Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Denn nicht aus Lust erniedrigt er und beugt die Menschenkinder,
Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 damit man mit den Füßen all die Gefangenen des Landes trete,
Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 daß man das Recht der Leute beuge, das sie beim Allerhöchsten haben.
Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Daß jemandem sein Recht genommen wird, das kann der Herr nicht billigen.
Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Wer ist's, der sprach, und es geschah, und nicht befohlen hätte es der Herr?
Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Ja, kommt nicht aus des Höchsten Mund das Schlimme wie das Gute?
Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
39 Was klagt ein Mensch im Leben, ein Mann ob seiner Sündenstrafe?
Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Laßt uns doch unsern Wandel prüfen und erforschen und uns zum Herrn bekehren!
Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Laßt uns die Herzen lieber als die Hände zu Gott im Himmel heben:
Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 "Gesündigt haben wir in Widerspenstigkeit; Du hast uns nicht vergeben.
Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Du hast mit Zorn uns ganz bedeckt, verfolgt, gemordet mitleidlos.
Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Du hast Dich in Gewölk gehüllt, daß kein Gebet hindurch mehr dringe.
Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Zu Kehricht und zum Auswurf hast Du uns gemacht inmitten jener Völker.
Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 Weit rissen über uns den Mund all unsre Feinde auf.
Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Zu Angst und Furcht ward uns Verwüstung und Verderben."
Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Mein Auge weinte Wasserströme ob der Vernichtung, die getroffen meines Volkes Tochter.
Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Und ohne Ruhe fließt mein Auge und ohne Rasten,
Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 bis daß herniederschaue und es sehe der Herr vom Himmel.
Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Mein Auge klagt ohn Ende ob all den Töchtern meiner Stadt.
Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Mich jagten hin und her wie einen Vogel, die mir so grundlos Feinde waren.
Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
53 Mein Leben wollten sie vernichten in der Grube; mit Steinen warfen sie auf mich.
Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
54 Dann strömte übers Haupt mir Wasser; ich sprach: "Ich bin verloren."
Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55 Da rief ich Deinen Namen, Herr, aus tiefster Grube an.
Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Du hörtest meine Stimme: "Ach, verschließe meinem Rufen und meinem Seufzen nicht Dein Ohr!"
Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Du nahtest, als ich Dich gerufen; Du sprachst: "Sei nur getrost!"
Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Du führtest meine Sache, Herr; Du wahrtest mir das Leben.
Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Nun siehst Du, Herr: Bedrückt bin ich. Verhilf zu meinem Rechte mir!
Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.
60 All ihre Rachgier schauest Du, all ihre Pläne gegen mich,
Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.
61 Du hörst ihr Schmähen, Herr, und all ihr Planen gegen mich,
Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 die Reden meiner Widersacher, ihr stetes Trachten gegen mich.
Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Ihr Sitzen und ihr Aufstehn schau Dir an! Zum Spottlied bin ich ihnen.
Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit.
64 Du lohnest ihnen, Herr, nach ihrer Hände Werk.
Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 Verblendung gibst Du ihrem Herzen, gibst ihnen Deinen Fluch.
Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Im Zorn verfolgst Du sie und tilgst sie unterm Himmel, Herr.
Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

< Klagelieder 3 >