< 1 Samuel 1 >

1 Und zu Ramataim war ein Mann, ein Sufite vom Gebirge Ephraim namens Elkana, Jerochams Sohn und Elihus Enkel, Tochurs Urenkel und Ururenkel Suphs, ein Ephratiter.
Mayroong isang tao ng Romataim-Zofim, sa maburol na lupain ng Efraim; ang kanyang pangalan ay si Elkana na anak na lalaki ni Jeroham na anak na lalaki ni Elihu na anak na lalaki ni Tohu na anak na lalaki ni Zuf, isang Efrateo.
2 Er hatte zwei Frauen. Die eine hieß Anna, die andere Peninna. Peninna aber hatte Kinder, Anna nicht.
Mayroon siyang dalawang asawa; ang pangalan ng unang asawa ay si Ana at ang pangalan ng pangalawa ay si Penina. Nagkaroon ng mga anak si Penina, ngunit hindi nagkaanak si Ana.
3 Dieser Mann nun zog alljährlich aus seiner Stadt hinauf, zu Silo anzubeten und dem Herrn der Heerscharen zu opfern. Priester des Herrn aber waren dort die beiden Söhne Elis, Chophni und Pinechas.
Umaalis ang taong ito mula sa kanyang siyudad taon-taon upang sumamba at mag-alay kay Yahweh ng mga hukbo sa Shilo. Naroon ang dalawang anak na lalaki ni Eli, sina Hofni at Pinehas, na mga pari kay Yahweh.
4 Eines Tages nun opferte Elkana. Dabei gab er seinem Weibe Peninna und all ihren Söhnen und Töchtern mehrere Stücke.
Kapag dumarating ang araw para kay Elkana para mag-alay bawat taon, palagi niyang binibigyan ng mga bahagi ng karne si Penina na kanyang asawa at lahat ng kanyang anak na lalaki at babae.
5 Anna aber gab er verdrossen nur ein Stück; denn er liebte Anna, aber der Herr hatte ihren Schoß verschlossen.
Ngunit para kay Ana binibigyan niya palagi ng dobleng bahagi si Ana, dahil minahal niya si Ana, kahit na isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.
6 Dazu kränkte ihre Nebenbuhlerin sie, um sie zu reizen, weil der Herr ihren Schoß verschlossen hatte.
Lubos siyang ginalit ng kanyang karibal upang mainis siya, dahil isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.
7 Und so geschah es Jahr für Jahr. Sooft sie zum Hause des Herrn zog, kränkte jene sie so, daß sie weinte und nicht aß.
Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain.
8 Einst sprach ihr Mann Elkana zu ihr: "Anna, warum weinst du? Warum issest du nicht? Warum bist du so verstimmt? Bin ich dir nicht inniger zugetan, als wenn du schon zehn Kinder hättest?"
Palaging sinasabi sa kanya ng kanyang asawa na si Elkana, “Ana, bakit ka umiiyak? Bakit hindi ka kumakain? Bakit malungkot ang iyong puso? Hindi ba ako mas mabuti sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?”
9 Da stand Anna auf, nachdem man das Gekochte gegessen und hernach getrunken hatte: Der Priester Eli aber saß auf dem Stuhle an den Pfosten des Herrntempels.
Sa isa sa mga pagkakataong ito, tumayo si Ana matapos silang kumain at uminom sa Shilo. Ngayon nakaupo si Eli na pari sa kanyang upuan sa tapat ng pintuan patungo sa bahay ni Yahweh.
10 Sie war aber betrübten Gemüts. So betete sie zum Herrn und weinte in einem fort.
Labis ang kanyang pagdadalamhati; nanalangin siya kay Yahweh at umiyak nang matindi.
11 Dabei machte sie ein Gelübde und sprach: "Herr der Heerscharen! Wenn du das Elend deiner Magd ansiehst und meiner gedenkst und deiner Magd nicht vergissest, sondern deiner Magd einen Mannessprossen verleihst, dann schenke ich ihn für sein ganzes Leben dem Herrn. Und auf sein Haupt soll nie ein Schermesser kommen!"
Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
12 So betete sie lange vor dem Herrn; Eli aber ward aufmerksam auf ihren Mund.
Habang patuloy siyang nagdadasal sa harapan ni Yahweh, pinagmasdan ni Eli ang kanyang bibig.
13 Anna aber redete innerlich. Nur ihre Lippen bewegten sich. Da nun ihre Stimme nicht gehört ward, hielt Eli sie für betrunken.
Nangusap si Ana sa kanyang puso. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit hindi narinig ang kanyang boses. Kaya inakala ni Eli na siya ay lasing.
14 Und Eli sprach zu ihr: "Wie lange willst du trunken sein? Werde deinen Weinrausch los!"
Sinabi ni Eli sa kanya, “Gaano katagal kang magiging lasing? Itapon mo ang iyong alak.”
15 Da erwiderte Anna und sprach: "Nein, mein Herr! Ich bin ein tief bekümmertes Weib, und doch habe ich weder Wein noch Bier getrunken. Ich schüttete nur mein Herz vor dem Herrn aus.
Sumagot si Ana, “Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh.”
16 Halte deine Magd nicht für eine Nichtswürdige! Denn nur aus der Fülle meines Kummers und meiner Kränkung habe ich so lange geredet."
“Huwag mong ituring na ang iyong lingkod ay isang nakahihiyang babae; nagsasalita ako mula sa aking matinding pag-aalala at pagkagalit.”
17 Da antwortete Eli und sprach: "Zieh hin in Frieden! Israels Gott gebe dir, was du von ihm erbeten hast!"
Pagkatapos sumagot si Eli at sinabing, “Umalis ka ng mapayapa; ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong kahilingan na iyong hiniling sa kanya.”
18 Sie sprach: "Möge deine Magd Huld in deinen Augen finden!" Dann ging das Weib seines Wegs und aß. Und sie war nicht mehr wie vordem
Sinabi niya, “Hayaang makasumpong ng biyaya ang iyong lingkod sa iyong paningin.” Pagkatapos umalis ang babae at kumain; hindi na malungkot ang kanyang mukha.
19 Am anderen Morgen früh beteten sie vor dem Herrn. Dann kehrten sie nach der Rama heim. Da erkannte Elkana sein Weib, und der Herr gedachte ihrer.
Sila'y bumangon nang maaga sa araw na iyon at sumamba sa harapan ni Yahweh, at pagkatapos bumalik sila sa kanilang bahay sa Ramah. Sinipingan ni Elkana si Ana na kanyang asawa, at inalala siya ni Yahweh.
20 Das Jahr ging vorüber. Anna hatte inzwischen empfangen und einen Sohn geboren. Sie nannte ihn Samuel, das heißt "Vom Herrn habe ich ihn erbeten".
Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
21 Der Mann Elkana aber zog mit seinem ganzen Hause hinauf, dem Herrn das jährliche Opfer und sein Gelübde darzubringen.
Muli, umakyat sina Elkana at ang kanyang buong bahay upang maghandog ng taunang pag-aalay at tuparin ang kanyang panata.
22 Anna aber zog nicht mit hinauf, sie hatte nämlich zu ihrem Manne gesagt: "Erst wenn der Knabe entwöhnt ist, bringe ich ihn hin, daß er vor dem Herrn erscheine und dort für immer bleibe."
Ngunit hindi sumama si Ana; sinabi niya sa kanyang asawa, “Hindi ako sasama hanggang sa hindi na sumususo ang bata; pagkatapos dadalhin ko siya, upang maipakita siya sa harapan ni Yahweh at manirahan siya doon magpakailanman.”
23 Da sprach ihr Mann Elkana zu ihr: "Tu, was dir gut dünkt! Bleib da, bis du ihn entwöhnt hast! Möge der Herr sein Wort bestätigen!" So blieb das Weib daheim und stillte ihren Sohn, bis sie ihn entwöhnt hatte.
Sinabi ni Elkana na kanyang asawa sa kanya, “Gawin mo kung ano ang pasya mong mabuti sa iyo. Maghintay ka hanggang sa hindi mo na siya pinapasuso; pagtibayin lamang nawa ni Yahweh ang kanyang salita.” Kaya nanatili ang babae at pinasuso ang kanyang anak hanggang sa hindi na siya sumususo.
24 Dann brachte sie ihn nach seiner Entwöhnung mit sich hinauf, dazu ein dreijähriges Rind, einen Scheffel Mehl und einen Schlauch Wein. So brachte sie ihn in das Haus des Herrn nach Silo. Der Knabe aber war halbwüchsig.
Nang hindi na niya siya pinapasuso, isinama niya siya kasama ang tatlong taong gulang na toro, isang epa ng pagkain at isang bote ng alak, at dinala niya siya sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Ngayon ang anak niya ay bata pa.
25 Dann schlachteten sie das Rind und brachten den Knaben zu Eli.
Pinatay nila ang toro, at dinala nila ang bata kay Eli.
26 Sie sprach: "Mit Vergunst, mein Herr! Bei deinem Leben, Herr! Ich bin das Weib, das hier bei dir gestanden, zum Herrn zu beten.
Sinabi niya, “O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh.
27 Um diesen Knaben habe ich gebetet. Und der Herr gewährte mir meine Bitte, das, was ich von ihm erbeten habe.
Sapagkat ang batang ito ang aking ipinanalangin at ibinigay sa akin ni Yahweh ang aking kahilingan na aking hiniling sa kanya.
28 So leihe auch ich dem Herrn all seine Lebenstage. Er ist der vom Herrn Erbetene." Dann beteten sie dort den Herrn an.
Ibinibigay ko siya kay Yahweh; habang nabubuhay siya ipapahiram ko siya kay Yahweh.” At sinamba ni Elkana at kanyang pamilya si Yahweh doon.

< 1 Samuel 1 >