< 1 Corinthiens 15 >

1 Or, mes frères, je vous fais savoir l'Evangile que je vous ai annoncé, et que vous avez reçu, et auquel vous vous tenez fermes;
Ngayon aking pina-aalala sa inyo, mga kapatid, ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa inyo, na inyong tinanggap at tinatayuan.
2 Et par lequel vous êtes sauvés, si vous le retenez en quelle manière je vous l'ai annoncé; à moins que vous n'ayez cru en vain.
Sa pamamagitan ng ebanghelyong ito kayo ay naligtas, kung kayo ay hahawak na mabuti sa mga salita na aking ipinangaral sa inyo, maliban lang kung kayo ay naniwala ng walang kabuluhan.
3 Car avant toutes choses, je vous ai donné ce que j'avais aussi reçu, [savoir], que Christ est mort pour nos péchés, selon les Ecritures;
Sapagkat binigay ko sa inyo ang pinakamahalaga na aking tinanggap: na si Cristo ay namatay alang-alang sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan,
4 Et qu'il a été enseveli, et qu'il est ressuscité le troisième jour, selon les Ecritures;
na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.
5 Et qu'il a été vu de Céphas, et ensuite des Douze.
At na siya ay nagpakita kay Cefas, at pagkatapos sa Labindalawa.
6 Depuis il a été vu de plus de cinq cents frères à une fois, dont plusieurs sont encore vivants, et quelques-uns sont morts.
Pagkatapos siya ay nagpakita sa mahigit limandaan na mga kapatid ng paminsan. Karamihan sa kanila ay buhay pa, ngunit ang ilan ay natulog na.
7 Ensuite il a été vu de Jacques, et puis de tous les Apôtres.
At pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago, at sa lahat ng mga apostol.
8 Et après tous, il a été vu aussi de moi, comme d'un avorton.
Kahulihulihan sa lahat, siya ay nagpakita sa akin, katulad ng isang sanggol na ipinanganak na hindi pa napapanahon. Sapagkat ako ang pinakahamak sa lahat ng mga apostol. Ako ay hindi karapat-dapat na tawaging apostol,
9 Car je suis le moindre des Apôtres, qui ne suis pas digne d'être appelé Apôtre, parce que j'ai persécuté l'Eglise de Dieu.
sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos.
10 Mais par la grâce de Dieu je suis ce que je suis; et sa grâce envers moi n'a point été vaine, mais j'ai travaillé beaucoup plus qu'eux tous; toutefois non point moi, mais la grâce de Dieu qui est avec moi.
Ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ako ay naging ako, at ang kaniyang biyaya sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako ay mas nagtrabaho ng higit sa kanila. Ngunit hindi ako iyon, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin.
11 Soit donc moi, soit eux, nous prêchons ainsi, et vous l'avez cru ainsi.
Kaya kahit na ako o sila man, kami ay nangaral at naniwala kayo.
12 Or si on prêche que Christ est ressuscité des morts, comment disent quelques-uns d'entre vous qu'il n'y a point de résurrection des morts?
Ngayon kung si Cristo ay naipahayag na nabuhay mula sa mga patay, paanong sinasabi ng ilan sa inyo na walang pagkabuhay muli sa mga patay?
13 Car s'il n'y a point de résurrection des morts, Christ aussi n'est point ressuscité.
Ngunit kung walang pagkabuhay muli sa mga patay, maging si Cristo ay hindi muling nabuhay.
14 Et si Christ n'est point ressuscité, notre prédication est donc vaine, et votre foi aussi est vaine.
At kung si Cristo ay hindi muling nabuhay, ang aming pangangaral ay walang kabuluhan at ang pananampalataya rin ninyo ay walang kabuluhan.
15 Et même nous sommes de faux témoins de la part de Dieu: car nous avons rendu témoignage de la part de Dieu qu'il a ressuscité Christ; lequel pourtant il n'a pas ressuscité, si les morts ne ressuscitent point.
At kami ay makikitang hindi tunay na saksi patungkol sa Diyos, sapagkat kami ay nagpatotoo ng laban sa Diyos, sinasabing nabuhay muli si Cristo, ngunit hindi naman.
16 Car si les morts ne ressuscitent point, Christ aussi n'est point ressuscité.
Sapagkat kung ang mga patay ay hindi bubuhayin, kahit si Cristo hindi na rin sana binuhay.
17 Et si Christ n'est point ressuscité, votre foi est vaine, et vous êtes encore dans vos péchés.
At kung hindi nabuhay muli si Cristo, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan at kayo ay nanatili pa rin sa inyong mga kasalanan.
18 Ceux donc aussi qui dorment en Christ, sont péris.
At kung magkaganun ang mga namatay kay Cristo ay napahamak rin.
19 Si nous n'avons d'espérance en Christ que pour cette vie seulement, nous sommes les plus misérables de tous les hommes.
Kung sa buhay lang na ito tayo umaasa para sa pang-hinaharap kay Cristo, sa lahat ng mga tao, tayo na ang pinakakawawa.
20 Mais maintenant Christ est ressuscité des morts, et il a été fait les prémices de ceux qui dorment.
Ngunit ngayon si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, ang unang bunga ng mga namatay na.
21 Car puisque la mort est par un seul homme, la résurrection des morts est aussi par un seul homme.
Sapagkat ang kamatayan ay dumating sa pamamagitan ng isang tao, at sa pamamagitan rin ng isang tao dumating ang pagkabuhay sa mga patay.
22 Car comme tous meurent en Adam, de même aussi tous seront vivifiés en Christ.
Sapagkat gaya kay Adan ang lahat ay mamamatay, gaya din kay Cristo ang lahat ay mabubuhay.
23 Mais chacun en son rang, les prémices, c'est Christ; puis ceux qui sont de Christ [seront vivifiés] en son avénement.
Ngunit ayon sa pagkakasunod-sunod ng bawat isa: Si Cristo, ang pangunahin sa mga bunga, at pagkatapos ang mga nakabilang kay Cristo ay bubuhaying muli sa kaniyang pagdating.
24 Et après viendra la fin, quand il aura remis le Royaume à Dieu le Père, et quand il aura aboli tout empire, et toute puissance, et toute force.
Pagkatapos darating ang wakas, kapag nailipat na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama. Ito ay kapag kaniyang binuwag na ang lahat ng paghahari at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
25 Car il faut qu'il règne jusqu'à ce qu'il ait mis tous ses ennemis sous ses pieds.
Sapagkat dapat na Siya ay maghari hanggang maipasakop ang lahat ng mga kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.
26 L'ennemi qui sera détruit le dernier, c'est la mort.
Ang huling kaaway na sisirain ay ang kamatayan.
27 Car [Dieu] a assujetti toutes choses sous ses pieds; or quand il est dit que toutes choses lui sont assujetties, il est évident que celui qui lui a assujetti toutes choses est excepté.
Sapagkat “inilagay niya ang lahat sa ilalim ng kaniyang mga paa.” Ngunit kapag sinasabi, “inilagay niya ang lahat,” ito ay maliwanag na hindi kasama ang naglagay ng lahat na ipinasakop sa kaniya.
28 Et après que toutes choses lui auront été assujetties, alors aussi le Fils lui-même sera assujetti à celui qui lui a assujetti toutes choses; afin que Dieu soit tout en tous.
Kapag ang lahat ay naipasakop na sa kaniya, ang Anak mismo ay magpapasakop doon sa nagpailalim ng lahat sa kaniya. Ito ay mangyayari upang ang Diyos Ama ay maging lahat sa lahat.
29 Autrement que feront ceux qui sont baptisés pour les morts, si absolument les morts ne ressuscitent point? pourquoi donc sont-ils baptisés pour les morts?
Kung hindi nga, anong gagawin ng mga nabautismuhan para sa mga patay? Kung ang mga patay ay hindi na talaga bubuhayin, bakit nagpapabautismo para sa kanila?
30 Pourquoi aussi sommes-nous en danger à toute heure?
At bakit kami ay nanganganib bawat oras?
31 Par notre gloire que j'ai en notre Seigneur Jésus-Christ, je meurs de jour en jour.
Mga kapatid, sa aking pagmamalaki sa inyo, na kung anong mayroon ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, aking ipinahahayag ito: araw araw ako ay namamatay.
32 Si j'ai combattu contre les bêtes à Ephèse, par des vues humaines, quel profit en ai-je si les morts ne ressuscitent point? mangeons et buvons, car demain nous mourrons.
Ano ang aking pakinabang, mula sa isang makataong pananaw, kung ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis sa Efeso, kung ang mga patay ba ay hindi na bubuhayin? “Kumain na lang tayo at uminom sapagkat kinabukasan tayo ay mamamatay.”
33 Ne soyez point séduits: les mauvaises compagnies corrompent les bonnes mœurs.
Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”
34 Réveillez-vous [pour vivre] justement, et ne péchez point; car quelques-uns sont sans la connaissance de Dieu; je vous [le] dis à votre honte.
Magpakahinahon kayo! Mamuhay ng matuwid! Huwag ng magpatuloy na magkasala. Sapagkat ang ilan sa inyo ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo.
35 Mais quelqu'un dira: comment ressuscitent les morts, et en quel corps viendront-ils?
Ngunit may magsasabi, “Paano bubuhayin ang mga patay? At anong klaseng katawan mayroon sila sa pagparito nila?”
36 Ô fou! ce que tu sèmes n'est point vivifié, s'il ne meurt.
Kayo ay mga mangmang! Anumang inyong itinanim ay hindi ito lalago maliban sa ito ay mamamatay.
37 Et quant à ce que tu sèmes, tu ne sèmes point le corps qui naîtra, mais le grain nu, selon qu'il se rencontre, de blé, ou de quelque autre grain.
At anumang inyong itinanim ay hindi gaya ng puno ng katawang kalalabasan, kundi binhi pa lang. Ito ay maaring trigo o ibang tanim.
38 Mais Dieu lui donne le corps comme il veut, et à chacune des semences son propre corps.
Ngunit ang Diyos ang magbibigay ng katawan nito ayon sa pagpili niya, at ang bawat binhi ay may sariling katawan.
39 Toute chair n'est pas une même sorte de chair; mais autre est la chair des hommes, et autre la chair des bêtes, et autre celle des poissons, et autre celle des oiseaux.
Hindi lahat ng laman ay magkakatulad. Sa halip, mayroong isang laman ang taong mga nilalang, at ibang laman naman para sa mga hayop, at ibang laman naman para sa mga ibon, at iba rin para sa mga isda.
40 [Il y a] aussi des corps célestes, et des corps terrestres; mais autre est la gloire des célestes, et autre celle des terrestres.
Mayroon din namang mga katawang panlangit at mga katawang panlupa. Ngunit ang kaluwalhatian ng katawang panlangit ay natatangi at ang kaluwalhatian ng panlupa ay naiiba.
41 Autre est la gloire du soleil, et autre la gloire de la lune, et autre la gloire des étoiles; car une étoile est différente d'une autre étoile en gloire.
Mayroong iisang kaluwalhatian ang araw, at may ibang kaluwalhatian ang buwan, at may ibang kaluwalhatian ang mga bituin. Sapagkat naiiba ang isang bituin sa kaluwalhatian ng ibang bituin.
42 Il en sera aussi de même en la résurrection des morts; [le corps] est semé en corruption, il ressuscitera incorruptible.
Kaya gayundin, ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang nailibing ay nasisira at ang muling binuhay ay hindi nasisira.
43 Il est semé en déshonneur, il ressuscitera en gloire; il est semé en faiblesse, il ressuscitera en force.
Inilibing ito sa kalapastanganan at binuhay sa kaluwalhatian. Inilibing ito sa kahinaan at naibangon sa kapangyarihan.
44 Il est semé corps animal, il ressuscitera corps spirituel: il y a un corps animal, et il y a un corps spirituel.
Inilibing ito sa likas na katawan at binuhay sa espiritwal na katawan. Kung mayroong likas na katawan, mayroon ding espiritwal na katawan.
45 Comme aussi il est écrit: le premier homme Adam a été fait en âme vivante; et le dernier Adam en esprit vivifiant.
Kaya ito din ay naisulat, “Naging buhay na kaluluwa ang unang tao na si Adan.” Naging espiritu na nagbibigay-buhay ang huling Adan.
46 Or ce qui est spirituel, n'est pas le premier: mais ce qui est animal; et puis ce qui est spirituel.
Ngunit hindi unang dumating ang espiritwal kundi ang likas, pagkatapos niyon ay ang espiritwal.
47 Le premier homme étant de la terre, est tiré de la poussière; mais le second homme [savoir] le Seigneur, [est] du Ciel.
Ang unang tao ay sa mundo na gawa sa alabok. Ang pangalawang tao ay mula sa langit.
48 Tel qu'est celui qui est tiré de la poussière, tels aussi sont ceux qui sont tirés de la poussière; et tel qu'est le céleste, tels aussi sont les célestes.
Gaya ng isang taong gawa mula sa alabok, ganoon din ang mga gawa mula sa alabok. Gaya ng taong mula sa langit, ganoon din ang mga taong mula sa langit.
49 Et comme nous avons porté l'image de celui qui est tiré de la poussière, nous porterons aussi l'image du céleste.
Gaya natin na isinilang sa larawan ng tao na mula sa alabok, atin ding madadala ang larawan ng taong mula sa langit.
50 Voici donc ce que je dis, mes frères, c'est que la chair et le sang ne peuvent point hériter le Royaume de Dieu, et que la corruption n'hérite point l'incorruptibilité.
Ngayon sinasabi ko ito, mga kapatid, na ang laman at dugo ay hindi maaring magmana ng kaharian ng Diyos. Ni ang mga nasisira ay hindi magmamana ng hindi nasisira.
51 Voici, je vous dis un mystère: nous ne dormirons pas tous, mais nous serons tous transmués;
Tingnan ninyo! Sinasabi ko sa inyo ang lihim na katotohanan: Tayong lahat ay hindi mamamatay ngunit tayong lahat ay mababago.
52 En un moment, et en un clin d'œil, à la dernière trompette, car la trompette sonnera, et les morts ressusciteront incorruptibles, et nous serons transmués.
Tayong ay mababago sa isang iglap, sa isang kisap-mata, sa huling trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at babangon ang lahat ng namatay na hindi na nasisira at tayo ay mababago.
53 Car il faut que ce corruptible revête l'incorruptibilité, et que ce mortel revête l'immortalité.
Sapagkat itong nasisira ay dapat mailagay sa hindi nasisira at ang namamatay na ito ay dapat mailagay sa hindi namamatay.
54 Or quand ce corruptible aura revêtu l'incorruptibilité, et que ce mortel aura revêtu l'immortalité, alors cette parole de l'Ecriture sera accomplie: la mort est détruite par la victoire.
Ngunit kung itong nasisira ay nailagay sa hindi nasisira at ang namamatay na ito ay mailalagay sa hindi namamatay, mangyayari ang tungkol sa kasabihang naisulat, “Nilamon ang kamatayan ng pagtatagumpay.”
55 Où [est], ô mort, ton aiguillon? où [est], ô sépulcre, ta victoire? (Hadēs g86)
“Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?” (Hadēs g86)
56 Or l'aiguillon de la mort, c'est le péché; et la puissance du péché, c'est la Loi.
Ang kamandag ng kamatayan ay kasalanan at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
57 Mais grâces à Dieu, qui nous a donné la victoire par notre Seigneur Jésus-Christ.
Ngunit salamat sa Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
58 C'est pourquoi, mes frères bien-aimés, soyez fermes, inébranlables, vous appliquant toujours avec un nouveau zèle à l’œuvre du Seigneur; sachant que votre travail ne vous sera pas inutile auprès du Seigneur.
Kaya nga, aking mga minamahal na kapatid, maging matatag kayo at huwag patitinag. Lagi kayong managana sa gawain ng Panginoon, dahil alam ninyong ang inyong gawain sa Panginoon ay hindi mawawalan ng kabuluhan.

< 1 Corinthiens 15 >