< Jean 19 >

1 Alors donc Pilate prit Jésus et le fit fouetter.
Pagkatapos kinuha ni Pilato si Jesus at nilatigo siya.
2 Et les soldats, ayant tressé une couronne d’épines, la mirent sur sa tête, et le vêtirent d’un vêtement de pourpre,
Ang mga sundalo ay pumilipit ng mga tinik upang gumawa ng korona. Inilagay nila ito sa ulo ni Jesus at dinamitan siya ng kulay lilang na kasuotan.
3 et vinrent à lui et dirent: Salut, roi des Juifs! Et ils lui donnaient des soufflets.
Lumapit sila sa kaniya at sinabi, “Bigyang parangal, ang Hari ng mga Judio!” At hinampas nila siya ng kanilang mga kamay.
4 Et Pilate sortit encore et leur dit: Voici, je vous l’amène dehors, afin que vous sachiez que je ne trouve en lui aucun crime.
Pagkatapos ay lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao. “Tingnan ninyo, inilalabas ko ang lalaki sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakitang kasalanan sa kaniya.”
5 Jésus donc sortit dehors, portant la couronne d’épines et le vêtement de pourpre. Et il leur dit: Voici l’homme!
Kaya lumabas si Jesus; suot- suot niya ang koronang mga tinik at kulay lilang na kasuotan. Pagkatapos sinabi ni Pilato sa kanila, “Tingnan ninyo, narito ang lalaki.”
6 Quand donc les principaux sacrificateurs et les huissiers le virent, ils s’écrièrent, disant: Crucifie, crucifie-le! Pilate leur dit: Prenez-le, vous, et crucifiez-le; car moi, je ne trouve pas de crime en lui.
Kaya nga nang makita ng mga pinunong pari at ng mga opisiyal si Jesus, sumigaw sila at sinabin, “Ipako siya! Ipako siya!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kayo na mismo ang kumuha sa kaniya at ipako siya sapagkat wala akong nakitang krimen sa kaniya.”
7 Les Juifs lui répondirent: Nous avons une loi, et selon notre loi il doit mourir, car il s’est fait Fils de Dieu.
Sumagot ang mga Judio kay Pilato, “Mayroon kaming isang batas, at sa pamamagitan ng batas na iyon dapat siyang mamatay dahil ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos.”
8 Quand donc Pilate entendit cette parole, il craignit davantage,
Nang marinig ni Pilato ang pahayag na ito, mas lalo pa siyang natakot,
9 et il entra de nouveau dans le prétoire, et dit à Jésus: D’où es-tu? Et Jésus ne lui donna pas de réponse.
at pumasok siyang muli sa Pretorio at sinabi kay Jesus, “Saan ka nanggaling?” Subalit hindi siya binigyan ng sagot ni Jesus.
10 Pilate donc lui dit: Ne me parles-tu pas? Ne sais-tu pas que j’ai le pouvoir de te relâcher, et que j’ai le pouvoir de te crucifier?
Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, “Hindi ka ba magsasalita sa akin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan ako na palayain ka at kapangyarihan na ipapako ka?”
11 Jésus répondit: Tu n’aurais aucun pouvoir contre moi, s’il ne t’était donné d’en haut; c’est pourquoi celui qui m’a livré à toi a plus de péché.
Sumagot si Jesus sa kaniya, “Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya ang taong nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan.”
12 Dès lors Pilate cherchait à le relâcher; mais les Juifs criaient, disant: Si tu relâches celui-ci, tu n’es pas ami de César; quiconque se fait roi, s’oppose à César.
Sa sagot na ito, sinubukan ni Pilato na palayain siya, ngunit ang mga Judio ay sumigaw at sinabi, “Kung papalayain mo ang lalaking ito, ikaw ay hindi kaibigan ni Cesar: Lahat ng tao na ginagawa ang kaniyang sarili na isang hari ay nagsasalita laban kay Cesar.”
13 Pilate donc, ayant entendu ces paroles, amena Jésus dehors, et s’assit sur le tribunal, dans le lieu appelé le Pavé, et en hébreu Gabbatha;
Nang marinig ni Pilato ang mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at umupo sa upuan ng paghuhukom sa lugar na tinatawag na Ang Entablado, ngunit sa Hebreo ay Gabbatha.
14 (or c’était la Préparation de la Pâque, c’était environ la sixième heure; ) et il dit aux Juifs: Voici votre roi!
Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!”
15 Mais ils crièrent: Ôte, ôte! crucifie-le! Pilate leur dit: Crucifierai-je votre roi? Les principaux sacrificateurs répondirent: Nous n’avons pas d’autre roi que César.
Sumigaw sila, “ilayo ninyo siya sa amin, ilayo ninyo siya amin, ipako siya.” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Dapat ko bang ipako ang inyong Hari?” Sumagot ang mga pinunong pari, “Wala kaming ibang hari kundi si Cesar.”
16 Alors donc il le leur livra pour être crucifié; et ils prirent Jésus, et l’emmenèrent.
Pagkatapos, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang maipako.
17 Et il sortit portant sa croix, [et s’en alla] au lieu appelé [lieu] du crâne, qui est appelé en hébreu Golgotha,
Kaya dinala nila si Hesus, at siya ay lumabas, pasan-pasan niya ang krus, tungo sa lugar na kung tawagin ay Ang Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgota.
18 où ils le crucifièrent, et deux autres avec lui, un de chaque côté, et Jésus au milieu.
Doon nila ipinako si Jesus, kasama niya ang dalawa pang lalaki, isa sa magkabilang tabi, at nasa gitna si Jesus.
19 Et Pilate fit aussi un écriteau, et le plaça sur la croix; et il y était écrit: Jésus le Nazaréen, le roi des Juifs.
Sumulat rin si Pilato ng karatula at inilagay ito sa krus. Ito ang nakasulat doon: SI JESUS Na TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20 Plusieurs des Juifs donc lurent cet écriteau, parce que le lieu où Jésus fut crucifié était près de la ville; et il était écrit en hébreu, en grec, en latin.
Maraming mga Judio ang nakabasa ng karatulang ito dahil ang lugar kung saan ipinako si Jesus ay malapit sa lungsod. Ang karatula ay naisulat sa Hebreo, sa Latin at sa Griyego.
21 Les principaux sacrificateurs des Juifs donc dirent à Pilate: N’écris pas: Le roi des Juifs; mais que lui a dit: Je suis le roi des Juifs.
At sinabi ng mga pinunong pari ng mga Judio kay Pilato, “Huwag mong isulat, 'Ang hari ng mga Judio', sa halip ay ang sinabi niyang, 'Ako ang Hari ng mga Judio.'”
22 Pilate répondit: Ce que j’ai écrit, je l’ai écrit.
Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko na ay naisulat ko na.”
23 Les soldats donc, quand ils eurent crucifié Jésus, prirent ses vêtements et en firent quatre parts, une part pour chaque soldat. [Ils prirent] aussi la tunique. Or la tunique était sans couture, tissée tout d’une pièce depuis le haut [jusqu’en bas].
Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi.
24 Ils dirent donc entre eux: Ne la déchirons pas, mais jetons-la au sort, à qui elle sera, – afin que l’écriture fût accomplie, qui dit: « Ils ont partagé entre eux mes vêtements, et ils ont jeté le sort sur ma robe ». Les soldats donc firent ces choses.
Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Huwag nating punitin ito, sa halip tayo ay magsapalaran para dito upang malaman natin kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang maganap ang kasulatan na nagsasabi, “Pinaghati-hatian nila ang mga kasuotan ko sa kanilang mga sarili, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran.”
25 Or, près de la croix de Jésus, se tenaient sa mère, et la sœur de sa mère, Marie, [femme] de Clopas, et Marie de Magdala.
Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus.
26 Jésus donc voyant sa mère, et le disciple qu’il aimait se tenant là, dit à sa mère: Femme, voilà ton fils.
Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, “Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak.”
27 Puis il dit au disciple: Voilà ta mère. Et dès cette heure-là, le disciple la prit chez lui.
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, “Tingnan mo, narito ang iyong ina!” Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.
28 Après cela Jésus, sachant que toutes choses étaient déjà accomplies, dit, afin que l’écriture fût accomplie: J’ai soif.
Pagkatapos nito si Jesus, dahil alam niya na ang lahat ng mga bagay ay tapos na, upang ang kasulatan ay magkatotoo sinabi niya, “Ako ay nauuhaw.”
29 Il y avait donc là un vase plein de vinaigre. Et ils emplirent de vinaigre une éponge, et, l’ayant mise sur de l’hysope, ils la lui présentèrent à la bouche.
Isang lalagyan na puno ng maasim na alak ang nailagay doon, kaya naglagay sila ng isang espongha puno ng maasim na alak sa isang tukod ng isopo at iniangat ito sa kaniyang bibig.
30 Quand donc Jésus eut pris le vinaigre, il dit: C’est accompli. Et ayant baissé la tête, il remit son esprit.
Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.
31 Les Juifs donc, afin que les corps ne demeurent pas sur la croix en un jour de sabbat, puisque c’était la Préparation (car le jour de ce sabbat-là était grand), firent à Pilate la demande qu’on leur rompe les jambes, et qu’on les ôte.
Noon ay Paghahanda, at upang hindi manatili ang katawan sa krus habang Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang araw), hiniling ng mga Judio kay Pilato na ang mga binti ng mga lalaking ipinako ay baliin, at ibaba na ang kanilang mga katawan.
32 Les soldats donc vinrent et rompirent les jambes du premier, et de l’autre qui était crucifié avec lui.
At pumunta ang mga sundalo at binali ang mga binti ng unang lalaki at ng ikalawang lalaki na napako kasama ni Jesus.
33 Mais étant venus à Jésus, comme ils virent qu’il était déjà mort, ils ne lui rompirent pas les jambes;
Nang pumunta sila kay Jesus, nakita nila na siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti.
34 mais l’un des soldats lui perça le côté avec une lance; et aussitôt il en sortit du sang et de l’eau.
Gayunpaman, tinusok ng isa sa mga sundalo ang kaniyang tagiliran gamit ang sibat, at agad-agad lumabas ang dugo at tubig.
35 Et celui qui l’a vu rend témoignage; et son témoignage est véritable; et lui sait qu’il dit vrai, afin que vous aussi vous croyiez.
Ang nakakita nito ay naging saksi at at ang kaniyang patotoo ay totoo. Alam niya na anuman ang kaniyang sinabi ay totoo upang kayo din ay maniwala.
36 Car ces choses sont arrivées afin que l’écriture fût accomplie: « Pas un de ses os ne sera cassé ».
Ang mga bagay na ito ay nangyari upang ang kasulatan ay matupad, “Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto.”
37 Et encore une autre écriture dit: « Ils regarderont vers celui qu’ils ont percé ».
Isa pang kasulatan ay nagsabi, “Pagmamasdan nila siya na kanilang ipinako.”
38 Or, après ces choses, Joseph d’Arimathée, qui était disciple de Jésus, en secret toutefois par crainte des Juifs, fit à Pilate la demande d’ôter le corps de Jésus; et Pilate le permit. Il vint donc et ôta le corps de Jésus.
Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na taga Arimatea, dahil siya ay isa sa mga alagad ni Jesus, ngunit sa takot sa mga Judio ay palihim na hiniling kay Pilato kung maaari niyang kunin ang katawan ni Jesus. Binigyan siya ni Pilato ng pahintulot. Kaya pumunta si Jose at kinuha ang kaniyang katawan.
39 Et Nicodème aussi, celui qui au commencement était allé de nuit à Jésus, vint, apportant une mixtion de myrrhe et d’aloès, d’environ 100 livres.
Pumunta rin si Nicodemo, na siyang unang pumunta kay Jesus ng gabi. Nagdala siya ng pinaghalong mira at sabila, mga isang daang litras ang bigat.
40 Ils prirent donc le corps de Jésus, et l’enveloppèrent de linges, avec les aromates, comme les Juifs ont coutume d’ensevelir.
Kaya kinuha nila ang katawan ni Jesus at binalot ito ng telang lino na may kasamang mga pabango, ayun sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing ng mga katawan.
41 Or il y avait, au lieu où il avait été crucifié, un jardin, et dans le jardin un sépulcre neuf, dans lequel personne n’avait jamais été mis.
Ngayon, sa lugar kung saan siya napako ay may isang hardin; at sa hardin na iyon ay may isang bagong libingan na kung saan ay wala pang tao na naililibing.
42 Ils mirent donc Jésus là, à cause de la Préparation des Juifs, parce que le sépulcre était proche.
Dahil ito ay araw ng paghahanda para sa mga Judio at dahil sa malapit lang ang libingan, inilagay nila si Jesus doon.

< Jean 19 >