< Apocalypse 20 >

1 Et je vis descendre du ciel un ange qui tenait dans sa main la clef de l'abîme et une grande chaîne; (Abyssos g12)
Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, mayroong susi sa kailaliman ng hukay at mayroong malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos g12)
2 il saisit le dragon, le serpent ancien, qui est le diable et Satan, et il l'enchaîna pour mille ans.
Sinukal niya ang dragon, ang dating ahas, na siyang demonyo, o Satanas, at ginapos siya nang isang libong taon.
3 Et il le jeta dans l'abîme, qu'il ferma à clef et scella sur lui, afin qu'il ne séduisit plus les nations, jusqu'à ce que les mille ans fussent écoulés. Après cela, il doit être délié pour un peu de temps. (Abyssos g12)
Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon. (Abyssos g12)
4 Puis je vis, des trônes, où s'assirent des personnes à qui le pouvoir de juger fut donné, et je vis les âmes de ceux qui avaient été décapités à cause du témoignage de Jésus et à cause de la parole de Dieu, et ceux qui n'avaient point adoré la bête ni son image, et qui n'avaient pas reçu sa marque sur leur front et sur leur main. Ils eurent la vie, et régnèrent avec le Christ pendant [les] mille ans.
Pagkatapos nakita ko ang mga trono. Ang mga binigyan ng kapangyarihang humatol ang nakaupo sa mga ito. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo tungkol kay Cristo at sa salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa kaniyang imahe, at tumanggi silang tanggapin ang tatak sa kanilang mga noo at kamay. Nabuhay silang muli, at naghari kasama ni Cristo ng isang libong taon.
5 Mais les autres morts n'eurent point la vie, jusqu'à ce que les mille ans fussent écoulés. — C'est la première résurrection! —
Ang ibang mga namatay ay hindi na nabuhay muli hanggang sa matapos ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay.
6 Heureux et saint celui qui a part à la première résurrection! La seconde mort n'a point de pouvoir sur eux; ils seront prêtres de Dieu et du Christ, et ils régneront avec lui pendant mille ans.
Pinagpala at banal ang sinuman na makibahagi sa unang muling pagkabuhay! Ang pangalawang kamatayan ay walang kapangyarihan na tulad ng mga ito. Sila ay magiging mga pari ng Diyos at sila ay maghahari kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 Quand les mille ans seront accomplis, Satan sera relâché de sa prison,
Kapag natapos na ang libong mga taon, palalayain si Satanas mula sa kaniyang bilangguan.
8 et il en sortira pour séduire les nations qui sont aux quatre extrémités de la terre, Gog et Magog, afin de les rassembler pour le combat: leur nombre est comme le sable de la mer.
Siya ay lalabas para manlinlang ng mga bansa sa apat na sulok ng mundo — Gog at Magog — para tipunin sila para sa digmaan. Sila ay magiging kasing dami ng buhangin sa dagat.
9 Elles montèrent sur la surface de la terre, et elles cernèrent le camp des saints et la ville bien-aimée; mais Dieu fit tomber un feu du ciel qui les dévora.
Umakyat sila pataas sa malawak na patag ng lupa at pinalibutan ang kampo ng mga mananampalataya, ang minamahal na lungsod. Pero bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon sila.
10 Et le diable, leur séducteur, fut jeté dans l'étang de feu et de soufre, où sont la bête et le faux prophète, et ils seront tourmentés jour et nuit aux siècles des siècles. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
11 Puis je vis un grand trône éclatant de lumière et Celui qui était assis dessus: devant sa face la terre et le ciel s'enfuirent et il ne fut plus trouvé de place pour eux.
Pagkatapos nakita ko ang dakilang puting trono at ang siyang nakaupo roon. Ang lupa at ang langit ay lumayo mula sa kaniyang presensya, pero wala na silang lugar na mapupuntahan.
12 Et je vis les morts, grands et petits, debout devant le trône. Des livres furent ouverts; on ouvrit encore un autre livre, qui est le livre de la vie; et les morts furent jugés, d'après ce qui était écrit dans ces livres, selon leurs œuvres.
Nakita ang mga patay — ang magigiting at ang hindi mahahalaga — nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga aklat. Pagkatapos isa pang aklat ang binuksan — Ang aklat ng Buhay. Ang patay ay hinatulan sa pamamagitan ng itinala sa mga aklat, ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
13 La mer rendit ses morts; la Mort et l'Enfer rendirent les leurs; et ils furent jugés chacun selon ses œuvres. (Hadēs g86)
Ibinigay ng dagat ang mga patay na naroroon. Ibinigay ng kamatayan at ng hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa. (Hadēs g86)
14 Puis la Mort et l'Enfer furent jetés dans l'étang de feu: — c'est la seconde mort, l'étang de feu. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
Ang kamatayan at ang hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan — Ang lawa ng apoy. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
15 Quiconque ne fut pas trouvé inscrit dans le livre de la vie fut jeté dans l'étang de feu. (Limnē Pyr g3041 g4442)
Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy. (Limnē Pyr g3041 g4442)

< Apocalypse 20 >