< 2 Corinthiens 13 >

1 C'est maintenant pour la troisième fois que je vais chez vous. " Toute affaire se décidera sur la déclaration de deux ou trois témoins. "
Ito na ang pangatlong pagkakataon na ako ay pupunta sa inyo. “Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin ng patotoo ng dalawa o tatlong saksi.”
2 Je l'ai déjà dit et je le répète à l'avance; aujourd'hui que je suis absent comme lorsque j'étais présent pour la seconde fois, je déclare à ceux qui ont déjà péché et à tous les autres que, si je retourne chez vous, je n'userai d'aucun ménagement,
Sinabi ko na sa mga nagkasala noon at sa lahat, noong ikalawang pagpunta ko riyan, at sasabihin kong muli: Sa aking pagbabalik, hindi ko na sila patatawarin.
3 puisque vous cherchez une preuve que le Christ parle en moi, lui qui n'est pas faible à votre égard, mais reste puissant parmi vous.
Sinasabi ko ito sa inyo dahil kayo ay naghahanap ng katibayan na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina patungkol sa inyo. Sa halip, siya ay makapangyarihan sa inyo.
4 Car, s'il a été crucifié en raison de sa faiblesse, il vit par la puissance de Dieu; or nous aussi, nous sommes faibles en lui, mais nous vivrons avec lui par la puissance de Dieu, pour sévir parmi vous.
Sapagkat siya ay naipako sa kahinaan ngunit siya ay buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sapagka't kami rin ay mahina ngunit kami ay mabubuhay kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nasa inyo.
5 Examinez-vous vous-mêmes, voyez si vous êtes dans la foi; éprouvez-vous vous-mêmes. Ne reconnaissez-vous pas que Jésus-Christ est en vous? A moins peut-être que vous ne soyez pas des chrétiens éprouvés.
Suriin ninyo ang inyong sarili upang makita ninyo kung kayo ay namumuhay sa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo napagtanto na si Jesu-Cristo ay nasa inyo? Siya ay nasa inyo maliban kung kayo ay hindi pinagtibay.
6 Mais j'espère que vous reconnaîtrez que nous, nous sommes éprouvés.
At ako ay nakatitiyak na kami ay makikita ninyong pinagtibay.
7 Cependant nous prions Dieu que vous ne fassiez rien de mal, non pour paraître nous-mêmes éprouvés, mais afin que vous pratiquiez ce qui est bien, dussions-nous passer pour non éprouvés.
Ngayon kami ay nananalangin sa Diyos na sana kayo ay hindi gumawa ng kahit anong mali. Hindi ko pinapanalangin na kami ay lumabas na parang nakapasa sa pagsubok, sa halip, dalangin ko na sana gawin ninyo kung ano ang tama, kahit na parang hindi kami pumasa sa pagsubok.
8 Car nous n'avons pas de puissance contre la vérité; nous n'en avons que pour la vérité.
Sapagka't hindi namin maaring gawin ang kahit anong laban sa katotohanan, ngunit para lamang sa katotohanan.
9 C'est un bonheur pour nous lorsque nous sommes faibles, et que vous êtes forts, et même c'est là ce que nous demandons dans nos prières que vous soyez consommés en perfection.
Sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Dalangin din namin na kayo ay maging ganap.
10 C'est pourquoi je vous écris ces choses pendant que je suis loin de vous, afin de n'avoir pas, arrivé chez vous, à user de sévérité, selon le pouvoir que le Seigneur m'a donné pour édifier et non pour détruire.
Sinulat ko ang mga bagay na ito habang ako ay malayo sa inyo upang kung ako ay kasama na ninyo hindi ko na kailangang maging malupit sa inyo. Ayaw kong gamitin ang kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Panginoon upang pagtibayin kayo at hindi upang kayo ay sirain.
11 Du reste mes frères, soyez dans la joie, rendez-vous parfaits, consolez-vous, ayez un même sentiment, vivez en paix, et le Dieu d'amour et de paix sera avec vous.
Sa wakas, mga kapatid, kayo ay magalak! Gumawa para sa panunumbalik, maging masigla, magkaisa kayo, mamuhay ng may kapayapaan. At ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay mapapasainyo.
12 Saluez-vous les uns les autres par un saint baiser.
Batiin ninyo ang isa't isa ng banal na halik.
13 Tous les saints vous saluent.
Lahat ng mananampalataya ay binabati kayo.
14 Que la grâce de notre Seigneur Jésus-Christ, l'amour de Dieu et la communication du Saint-Esprit soient avec vous tous!
Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikisama ng Banal na Espiritu ay sumainyo.

< 2 Corinthiens 13 >