< 2 Corinthiens 10 >

1 Moi, Paul, je vous invite par la douceur et la bonté du Christ, — moi " qui ai l'air humble quand je suis au milieu de vous, mais qui suis hardi avec vous quand je suis absent! " —
Akong si Pablo, ay nananawagan sa inyo, sa kababaang loob at kahinahunan ni Cristo. Ako ay mapagpakumbaba kapag ako ay nasa harap ninyo, ngunit matapang ako sa inyo kapag nasa malayo ako.
2 je vous en prie, que je n'aie pas, quand je serai présent, à user de cette hardiesse, avec l'assurance que je me propose de montrer contre certaines gens qui se figurent que nous marchons selon la chair.
Nakikiusap ako sa inyo na, kapag ako ay nasa harapan ninyo, hindi ko kailangang maging matapang at malakas ang loob. Ngunit naisip ko na kailangan kong maging matapang kapag sinagot ko ang mga nag-aakala na namumuhay kami ng naaayon sa laman.
3 Si nous marchons dans la chair, nous ne combattons pas selon la chair.
Bagaman kami ay namumuhay sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman.
4 Car les armes avec lesquelles nous combattons ne sont pas charnelles; elles sont puissantes devant Dieu pour renverser des forteresses.
Dahil ang aming sandata sa aming pakikipaglaban ay hindi makalaman. Sa halip, mayroon silang dakilang kapangyarihan para wasakin ang mga kuta. Dinadala nila sa wala ang mga maling pangangatuwiran.
5 Nous renversons les raisonnements et toute hauteur qui s'élève contre la science de Dieu, et nous assujettissons tout pensée à l'obéissance du Christ.
Winawasak din namin ang bawat pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos. Binibihag namin ang lahat ng kaisipan para sa pagsunod kay Cristo.
6 Nous sommes prêts aussi à punir toute désobéissance, lorsque, de votre côté, votre obéissance sera complète.
At naghahanda kami upang parusahan ang bawat gawain ng pagsuway, hanggang sa ang inyong pagsunod ay maging ganap.
7 Vous regardez à l'air! Eh bien, si quelqu'un se persuade qu'il est au Christ, qu'il se dise de lui-même, à son tour, que, s'il appartient au Christ, nous aussi nous lui appartenons.
Tingnan ninyo kung ano ang maliwanag na nasa inyong harapan. Kung sino man ang naniwala na siya ay kay Cristo, sana ay paalalahanan niya ang kaniyang sarili na kung siya ay kay Cristo, ganoon din kami.
8 Si même je me glorifiais encore un peu plus de l'autorité que le Seigneur m'a donnée pour votre édification, et non pour votre destruction, je n'en aurais pas de confusion,
Dahil kahit na ako ay para bang nagmamalaki ng labis tungkol sa aming kapangyarihan, na ibinigay ng Panginoon sa amin upang kayo ay pagtibayin at hindi upang kayo ay wasakin, hindi ako mahihiya.
9 afin de ne pas paraître vouloir vous intimider par mes lettres.
Ayaw kong ipakita na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.
10 Car " ses lettres, dit-on, sont sévères et fortes; mais, quand il est présent, c'est un homme faible et sa parole est méprisable. " —
Dahil sinasabi ng ibang tao, “Ang kaniyang mga sulat ay mahalaga at makapangyarihan, ngunit ang kaniyang katawan ay mahina. Ang kaniyang mga salita ay hindi karapat-dapat na pakinggan.”
11 Que celui qui parle de la sorte se dise bien que tels nous sommes de loin en paroles dans nos lettres, tels nous sommes en effet devant vous.
Hayaan nating malamanng mga taong ito na kung ano ang sinasabi namin sa sulat kung kami ay nasa malayo, ay gagawin rin namin kung kami ay nariyan.
12 Nous n'avons pas la hardiesse de nous égaler ou de nous comparer à certaines gens qui se recommandent eux-mêmes. Mais, en se mesurant à leur propre mesure et en se comparant eux-mêmes à eux-mêmes, ils manquent d'intelligence.
Hindi namin gustong ibukod ang aming mga sarili o ikumpara ang aming mga sarili sa mga pumupuri sa kanilang mga sarili. Ngunit kung susukatin man nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng bawat isa at ikumpara ang kanilang mga sarili sa bawat isa, wala silang mga alam.
13 Pour nous, nous ne nous glorifions pas hors de mesure, mais selon la mesure du champ d'action que Dieu nous a assigné, pour nous faire arriver jusqu'à vous:
Gayon man, kami ay hindi magmamalaki ng higit sa nararapat. Sa halip, gagawin lang namin sa hangganan na itinakda sa amin ng Diyos, na umabot hanggang sa inyo.
14 — car nous ne dépassons pas nos limites, comme si nous n'étions pas parvenus jusqu'à vous, et nous sommes réellement venus jusqu'à vous avec l'Evangile du Christ. —
Sapagkat hindi kami naging palalo sa aming mga sarili nang kami ay pumunta sa inyo. Kami ang naunang pumunta sa inyo para sa ebanghelyo ni Cristo.
15 Ce n'est pas outre mesure, pour les travaux d'autrui que nous nous glorifions; et nous avons l'espérance que, lorsque votre foi aura fait des progrès, nous grandirons de plus en plus parmi vous, en suivant les limites qui nous sont assignées,
Hindi kami nagmamalaki ng labis tungkol sa mga gawain ng iba. Sa halip, umaasa kami na kasabay ng paglago ng inyong pananampalataya ay mas lalo pang lalawak ang lugar ng ating gawain, at nananatili sa dapat nitong hangganan.
16 de manière à prêcher l'Evangile dans les pays qui sont au delà du vôtre, sans entrer dans le partage d'autrui, pour nous glorifier des travaux faits par d'autres.
Umaasa kami para dito, upang maaari naming ipangaral ang ebanghelyo kahit na sa mga rehiyon na lampas sa inyo. Hindi namin ipagmamalaki ang tungkol sa gawain na ginagawa sa lugar ng iba.
17 Toutefois " que celui qui se glorifie se glorifie dans le Seigneur. "
“Ngunit hayaan ang nagmamalaki, na magmalaki sa Panginoon.”
18 Car ce n'est pas celui qui se recommande lui-même qui est un homme éprouvé; c'est celui que le Seigneur recommande.
Sapagkat hindi ang sinasang-ayunan ng kanyang sarili ang sasang-ayunan. Sa halip, siya na sinasang-ayunan ng Panginoon.

< 2 Corinthiens 10 >