< Job 21 >

1 And Job answereth and saith: —
Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
2 Hear ye diligently my word, And this is your consolation.
“Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, at hayaan ninyong maging tulong ninyo ito sa akin.
3 Bear with me, and I speak, And after my speaking — ye may deride.
Pagtiisan ako, at magsasalita rin ako; pagkatapos kong magsalita, ipagpatuloy ninyo ang inyong panlalait.
4 I — to man [is] my complaint? and if [so], wherefore May not my temper become short?
Para sa akin, sa tao ba dapat ako magreklamo? Bakit hindi dapat ako mainip?
5 Turn unto me, and be astonished, And put hand to mouth.
Tingnan ninyo ako at mabigla, at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong mga bibig.
6 Yea, if I have remembered, then I have been troubled. And my flesh hath taken fright.
Kapag iniisp ko ang aking mga paghihirap, ako ay nababagabag, at nananaig ang takot sa aking laman.
7 Wherefore do the wicked live? They have become old, Yea, they have been mighty in wealth.
Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay?
8 Their seed is established, Before their face with them, And their offspring before their eyes.
Natatatag ang mga kaapu-apuhan nila sa kanilang paningin, at natatatag ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga mata.
9 Their houses [are] peace without fear, Nor [is] a rod of God upon them.
Ligtas ang tahanan nila mula sa takot; kahit sa pamalo ng Diyos sa kanila.
10 His bullock hath eaten corn, and doth not loath. His cow bringeth forth safely, And doth not miscarry.
Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito.
11 They send forth as a flock their sucklings, And their children skip,
Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
12 They lift [themselves] up at timbrel and harp, And rejoice at the sound of an organ.
Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
13 They wear out in good their days, And in a moment [to] Sheol go down. (Sheol h7585)
Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. (Sheol h7585)
14 And they say to God, 'Turn aside from us, And the knowledge of Thy ways We have not desired.
Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo.
15 What [is] the Mighty One that we serve Him? And what do we profit when we meet with Him?'
Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?'
16 Lo, not in their hand [is] their good, (The counsel of the wicked Hath been far from me.)
Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao.
17 How oft is the lamp of the wicked extinguished, And come on them doth their calamity? Pangs He apportioneth in His anger.
Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit?
18 They are as straw before wind, And as chaff a hurricane hath stolen away,
Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19 God layeth up for his sons his sorrow, He giveth recompense unto him — and he knoweth.
Sinasabi ninyo, 'Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak'. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya.
20 His own eyes see his destruction, And of the wrath of the Mighty he drinketh.
Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
21 For what [is] his delight in his house after him, And the number of his months cut off?
Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?
22 To God doth [one] teach knowledge, And He the high doth judge?
Mayroon bang makapagtuturo ng kaalaman sa Diyos dahil siya ang humahatol kahit ng mga nasa nakatataas?
23 This [one] dieth in his perfect strength, Wholly at ease and quiet.
Namamatay ang isang tao habang malakas pa siya, nang payapa at panatag.
24 His breasts have been full of milk, And marrow his bones doth moisten.
Puno ang katawan niya ng gatas, at matibay ang kaniyang mga buto at nasa mabuting kalagayan.
25 And this [one] dieth with a bitter soul, And have not eaten with gladness.
Ang iba naman ay namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa, ang siyang hindi pa nakararanas ng kahit anong mabuti.
26 Together — on the dust they lie down, And the worm doth cover them over.
Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.
27 Lo, I have known your thoughts, And the devices against me ye do wrongfully.
Tingnan ninyo, alam ko ang nasa isip ninyo, alam ko ang mga paraan kung paano ninyo ako nais hamakin.
28 For ye say, 'Where [is] the house of the noble? And where the tent — The tabernacles of the wicked?'
Dahil sinasabi ninyo, 'Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?'
29 Have ye not asked those passing by the way? And their signs do ye not know?
Hindi ninyo pa ba tinatanong ang mga manlalakbay? Hindi ninyo ba alam ang katibayan na kaya nilang sabihin,
30 That to a day of calamity is the wicked spared. To a day of wrath they are brought.
na ang masamang tao ay iniingatan mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot?
31 Who doth declare to his face his way? And [for] that which he hath done, Who doth give recompence to him?
Sino ang hahatol sa kaniya nang harapan dahil sa masasama niyang pamamaraan? Sino ang maghihiganti sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawa?
32 And he — to the graves he is brought. And over the heap a watch is kept.
Pero ililibing siya; babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod.
33 Sweet to him have been the clods of the valley, And after him every man he draweth, And before him there is no numbering.
Magiging matamis sa kaniya ang mga tipak ng lambak; susundan siya ng lahat ng mga tao, dahil hindi mabilang ang tao na nauna sa kaniya.
34 And how do ye comfort me [with] vanity, And in your answers hath been left trespass?
Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?”

< Job 21 >