< Revelation 8 >

1 When he opened the seventh seal, there was silence in heaven for about half an hour.
Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras.
2 I saw the seven angels who stand before God, and seven shofars were given to them.
Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.
3 Another angel came and stood over the altar, having a golden censer. Much incense was given to him, that he should add it to the prayers of all the holy ones on the golden altar which was before the throne.
Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono.
4 The smoke of the incense, with the prayers of the holy ones, went up before God out of the angel’s hand.
Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel.
5 The angel took the censer, and he filled it with the fire of the altar, then threw it on the earth. Thunders, sounds, lightnings, and an earthquake followed.
Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.
6 The seven angels who had the seven shofars prepared themselves to sound.
Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila.
7 The first sounded, and there followed hail and fire, mixed with blood, and they were thrown to the earth. One third of the earth was burnt up, and one third of the trees were burnt up, and all green grass was burnt up.
Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.
8 The second angel sounded, and something like a great burning mountain was thrown into the sea. One third of the sea became blood,
Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo,
9 and one third of the living creatures which were in the sea died. One third of the ships were destroyed.
ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.
10 The third angel sounded, and a great star fell from the sky, burning like a torch, and it fell on one third of the rivers, and on the springs of water.
Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig.
11 The name of the star is “Wormwood.” One third of the waters became wormwood. Many people died from the waters, because they were made bitter.
Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.
12 The fourth angel sounded, and one third of the sun was struck, and one third of the moon, and one third of the stars, so that one third of them would be darkened; and the day wouldn’t shine for one third of it, and the night in the same way.
Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.
13 I saw, and I heard an eagle, flying in mid heaven, saying with a loud voice, “Woe! Woe! Woe to those who dwell on the earth, because of the other blasts of the shofars of the three angels, who are yet to sound!”
Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, “Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel.”

< Revelation 8 >