< Acts 25 >

1 Festus therefore, having come into the province, after three days went up to Jerusalem from Caesarea.
Ngayon, dumating si Festo sa lalawigan at pagkatapos nang tatlong araw ay nagpunta siya mula sa Cesarea paakyat sa Jesrusalem.
2 Then the high priest and the principal men of the Judeans informed him against Paul, and they begged him,
Ang pinakapunong pari at mga kinikilalang mga Judio ay nagharap kay Festo ng mga paratang laban kay Pablo, at malakas silang nagsalita kay Festo.
3 asking a favour against him, that he would summon him to Jerusalem, plotting to kill him on the way.
At humingi sila ng pabor tungkol kay Pablo, na tawagin siya sa Jesrusalem upang magkaroon sila ng pagkakataon na patayin siya sa daan.
4 However Festus answered that Paul should be kept in custody at Caesarea, and that he himself was about to depart shortly.
Ngunit sumagot si Festo na si Pablo ay isang bilanggo sa Caesarea, at babalik siya agad doon.
5 “Let them therefore”, he said, “that are in power amongst you go down with me, and if there is anything wrong in the man, let them accuse him.”
“Kung gayun, kung sino man ang pwede,” Sinabi niyang, “dapat sumama sa amin doon. Kung may pagkakamali sa taong ito, kinakailangang paratangan ninyo siya.”
6 When he had stayed amongst them more than ten days, he went down to Caesarea, and on the next day he sat on the judgement seat, and commanded Paul to be brought.
Pagkatapos niyang manatili pa ng walo o sampung araw, siya ay bumaba patungo sa Cesarea. Kinabukasan, naupo na siya sa hukuman at pinag-utos na dalhin si Pablo sa kaniya.
7 When he had come, the Judeans who had come down from Jerusalem stood around him, bringing against him many and grievous charges which they could not prove,
Nang siya ay dumating, nakatayo sa di kalayuan ang mga Judiong galing sa Jerusalem, at nagharap sila ng mga mabibigat na bintang laban sa kaniya na hindi nila mapatunayan.
8 while he said in his defence, “Neither against the law of the Jews, nor against the temple, nor against Caesar, have I sinned at all.”
Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, “Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama.”
9 But Festus, desiring to gain favour with the Judeans, answered Paul and said, “Are you willing to go up to Jerusalem and be judged by me there concerning these things?”
Ngunit gustong makuha ni Festus ang loob ng mga Judio kaya sumagot siya kay Pablo at sinabing, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem at doon kita husgahan tungkol sa mga bagay na ito?”
10 But Paul said, “I am standing before Caesar’s judgement seat, where I ought to be tried. I have done no wrong to the Judeans, as you also know very well.
Sinabi ni Pablo, “Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
11 For if I have done wrong and have committed anything worthy of death, I don’t refuse to die; but if none of those things is true that they accuse me of, no one can give me up to them. I appeal to Caesar!”
Kung may nagawa man akong pagkakamali at kung may nagawa man akong karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan ang mamatay. Ngunit kung ang kanilang mga paratang ay walang halaga, walang sino man ang maaaring magdala sa akin sa kanila. Kaya nga ako tumatawag kay Cesar.”
12 Then Festus, when he had conferred with the council, answered, “You have appealed to Caesar. To Caesar you shall go.”
Pagkatapos makipag-usap ni Festo sa kapulungan, sumagot siya, “Tumawag ka kay Cesar; pupunta ka kay Cesar.”
13 Now when some days had passed, King Agrippa and Bernice arrived at Caesarea and greeted Festus.
Ngayon pagkalipas ng ilang mga araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at Bernice upang magbigay ng opisyal na pagdalaw kay Festo.
14 As he stayed there many days, Festus laid Paul’s case before the king, saying, “There is a certain man left a prisoner by Felix;
Pagkatapos ng maraming araw na naroon siya, inilahad ni Festo ang kaso ni Pablo sa hari; sinabi niya, “May isang tao na naiwan dito ni Felix na bilanggo.
15 about whom, when I was at Jerusalem, the chief priests and the Jewish elders informed me, asking for a sentence against him.
Nang ako ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong pari at mga nakatatanda sa mga Judio ay nag harap sa akin ng mga bintang laban sa taong ito, at humihingi sila ng kahatulan laban sa kaniya.
16 I answered them that it is not the custom of the Romans to give up any man to destruction before the accused has met the accusers face to face and has had opportunity to make his defence concerning the matter laid against him.
Sinagot ko sila ng ganito na hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang isang tao bilang pabor; kundi, may pagkakataon ang naparatangang tao na harapin niya ang mga nagparatang sa kaniya at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga ibinintang sa kaniya.
17 When therefore they had come together here, I didn’t delay, but on the next day sat on the judgement seat and commanded the man to be brought.
Kung gayun, hindi ako naghintay, nang dumating silang sama-sama rito, ngunit ng kinabukasan ay naupo ako sa upuan ng paghatol at iniutos ko na dalin sa loob ang taong ito.
18 When the accusers stood up, they brought no charges against him of such things as I supposed;
Nang tumayo ang mga nagparatang at pinaratangan siya, inisip ko na walang mabigat sa mga bintang na hinarap nila sa taong ito.
19 but had certain questions against him about their own religion and about one Yeshua, who was dead, whom Paul affirmed to be alive.
Sa halip, maroon silang ilan na di pagkakaunawaan tungkol sa kanilang sariling relihiyon at tungkol sa isang Jesus na namatay, na siyang pinatutunayan ni Pablo na buhay.
20 Being perplexed how to enquire concerning these things, I asked whether he was willing to go to Jerusalem and there be judged concerning these matters.
Nalilito ako kung papaano ko sisiyasatin ang bagay na ito, at tinanung ko siya kung gusto niya na pumunta sa Jerusalem upang husgahan doon tungkol sa mga bagay na ito.
21 But when Paul had appealed to be kept for the decision of the emperor, I commanded him to be kept until I could send him to Caesar.”
Ngunit nang ipinatawag si Pablo upang siya ay bantayan hanggang sa makapag-desisyon ang Emperador, Iniutos ko na bantayan siya hanggang maipadala ko siya kay Cesar.”
22 Agrippa said to Festus, “I also would like to hear the man myself.” “Tomorrow,” he said, “you shall hear him.”
Sinabi ni Agripa kay Festo, “Nais ko rin na makinig sa taong ito.” “Bukas,” sinabi ni Festo, “Maririnig mo siya.”
23 So on the next day, when Agrippa and Bernice had come with great pomp, and they had entered into the place of hearing with the commanding officers and the principal men of the city, at the command of Festus, Paul was brought in.
Kaya kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice na may maraming seremonya; dumating sila sa loob ng bulwagan kasama ang mga pinunong kawal at kasama ang mga kinikilalang tao sa lungsod. At nang sabihin ni Festo ang utos, dinala si Pablo sa kanila.
24 Festus said, “King Agrippa, and all men who are here present with us, you see this man about whom all the multitude of the Judeans petitioned me, both at Jerusalem and here, crying that he ought not to live any longer.
Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at sa lahat ng mga tao na narito na kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito; ang lahat ng mga Judio ay nakipag-usap sa akin sa Jerusalem at sa lugar ding ito, at sumigaw sila sa akin na hindi na siya kinakailangang mabuhay.
25 But when I found that he had committed nothing worthy of death, and as he himself appealed to the emperor, I determined to send him,
Napag-alaman ko na wala siyang ginawa na karapdapat sa kamatayan; ngunit dahil tumawag siya sa Emperador, nagpasya ako na dalin siya sa kaniya.
26 of whom I have no certain thing to write to my lord. Therefore I have brought him out before you, and especially before you, King Agrippa, that, after examination I may have something to write.
Ngunit wala akong tiyak na maisusulat sa Emperador. Sa dahilang ito, dinala ko siya sa inyo, lalo na sa iyo, Haring Agripa, upang may maisulat ako tungkol sa kasong ito.
27 For it seems to me unreasonable, in sending a prisoner, not to also specify the charges against him.”
Sapagkat parang hindi katanggap tanggap sa akin na ipadala ang isang bilanggo na hindi rin maipahayag ang mga bintang laban sa kaniya.”

< Acts 25 >