< 1 Corinthians 4 >

1 So let a man think of us as Messiah’s servants and stewards of God’s mysteries.
Ganito dapat ang ipalagay ng tao sa amin, bilang mga lingkod ni Cristo at mga katiwala ng mga lihim na katotohanan ng Diyos.
2 Here, moreover, it is required of stewards that they be found faithful.
Sa kaugnayan nito, kinakailangang mapagkakatiwalaan ang mga katiwala.
3 But with me it is a very small thing that I should be judged by you, or by a human court. Yes, I don’t even judge my own self.
Ngunit para sa akin, ito ay napakaliit lamang na bagay para mahatulan ninyo ako o nang anumang hukuman ng tao. Sapagkat hindi ko nga hinahatulan ang aking sarili.
4 For I know nothing against myself. Yet I am not justified by this, but he who judges me is the Lord.
Wala akong nalalaman na anumang sakdal laban sa akin ngunit hindi nangangahulugang ako ay walang sala. Ang Panginoon ang siyang hahatol sa akin.
5 Therefore judge nothing before the time, until the Lord comes, who will both bring to light the hidden things of darkness and reveal the counsels of the hearts. Then each man will get his praise from God.
Kaya, huwag kayong humatol tungkol sa anumang bagay bago ang panahon, bago dumating ang Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga lihim na bagay ng kadiliman at ihahayag ang mga layunin ng puso. At makatatanggap ang bawat isa ng kaniyang papuri mula sa Diyos.
6 Now these things, brothers, I have in a figure transferred to myself and Apollos for your sakes, that in us you might learn not to think beyond the things which are written, that none of you be puffed up against one another.
Ngayon, mga kapatid, ginawa ko ang mga prinsipyong ito sa aking sarili at ni Apolos para sa inyong kapakanan upang mula sa amin ay inyong matutunan ang kahulugan ng kasabihan na, “Huwag ninyong hihigitan kung ano ang nasusulat.” Ito ay upang wala sa inyo ang maging mayabang sa pagtatangi ng isa laban sa iba.
7 For who makes you different? And what do you have that you didn’t receive? But if you did receive it, why do you boast as if you had not received it?
Sapagkat sino ang nakakakita ng pagkakaiba ninyo sa iba? Anong mayroon kayo na hindi ninyo tinanggap ng walang bayad? Kung natanggap ninyo ito ng walang bayad, bakit kayo nagyayabang na parang hindi ninyo nagawa?
8 You are already filled. You have already become rich. You have come to reign without us. Yes, and I wish that you did reign, that we also might reign with you!
Nasa inyo na lahat ng maaari ninyong gustuhin! Naging mayaman na kayo! Nagsimula na kayong maghari- at nang bukod sa amin! Tunay nga, nais kong maghari kayo upang makapaghari kami na kasama ninyo.
9 For I think that God has displayed us, the emissaries, last of all, like men sentenced to death. For we are made a spectacle to the world, both to angels and men.
Sapagkat iniisip kong kaming mga apostol ay inilagay ng Diyos sa kahuli-hulihan ng hanay na pinapanood at gaya ng mga taong nahatulan ng kamatayan. Kami ay naging isang palabas sa mundo, sa mga anghel at sa mga tao.
10 We are fools for Messiah’s sake, but you are wise in Messiah. We are weak, but you are strong. You have honour, but we have dishonour.
Kami ay mga hangal alang-alang kay Cristo, ngunit kayo ay marunong kay Cristo. Kami ay mahina, ngunit kayo ay malakas. Kayo ay kinilala sa karangalan, ngunit kami ay kinilala sa kahihiyan.
11 Even to this present hour we hunger, thirst, are naked, are beaten, and have no certain dwelling place.
Hanggang sa mga oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, kami ay nagkukulang sa kasuotan, kami ay pinalo nang may kalupitan, at kami ay walang matuluyan.
12 We toil, working with our own hands. When people curse us, we bless. Being persecuted, we endure.
Nagpakahirap kami sa paggawa, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Nang kami ay nilait, nagpapala kami. Nang kami ay inusig, nagtiis kami.
13 Being defamed, we entreat. We are made as the filth of the world, the dirt wiped off by all, even until now.
Noong kami ay siniraan, nagsalita kami ng may kabaitan. Kami ay naging, at maituturing pa rin na inaayawan ng mundo at ang pinakamarumi sa lahat ng mga bagay.
14 I don’t write these things to shame you, but to admonish you as my beloved children.
Hindi ko isinulat ang mga bagay na ito upang hiyain kayo, ngunit upang itama kayo bilang aking mga minamahal na anak.
15 For though you have ten thousand tutors in Messiah, you don’t have many fathers. For in Messiah Yeshua, I became your father through the Good News.
Sapagkat kahit mayroon kayong sampung libo na tagabantay kay Cristo, wala kayong maraming ama. Sapagkat naging ama ninyo ako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo.
16 I beg you therefore, be imitators of me.
Kaya hinihikayat ko kayo na tularan ninyo ako.
17 Because of this I have sent Timothy to you, who is my beloved and faithful child in the Lord, who will remind you of my ways which are in Messiah, even as I teach everywhere in every assembly.
Ito ang dahilan kung bakit ko pinapunta sa inyo si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Siya ang magpapaalala sa inyo ng aking mga kaparaanan kay Cristo, gaya ng pagtuturo ko sa kanila sa lahat ng dako at sa bawat iglesya.
18 Now some are puffed up, as though I were not coming to you.
Ngayon, ang iba sa inyo ay lubhang mayabang, kumikilos na parang hindi ako darating sa inyo.
19 But I will come to you shortly, if the Lord is willing. And I will know, not the word of those who are puffed up, but the power.
Ngunit malapit na akong pumunta sa inyo, kung kalooban ng Panginoon. At hindi ko lamang malalaman ang salita ng mga mayayabang na ito, ngunit makikita ko ang kanilang kapangyarihan.
20 For God’s Kingdom is not in word, but in power.
Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi naglalaman ng usapin kundi ng kapangyarihan.
21 What do you want? Shall I come to you with a rod, or in love and a spirit of gentleness?
Ano ba ang gusto ninyo? Kailangan ko bang pumunta sa inyo na may pamalo o nang may pag-ibig at sa espiritu ng kahinahunan?

< 1 Corinthians 4 >