< Acts 6 >

1 Now in those days, when the number of the disciples was multiplying, a complaint arose from the Hellenists against the Hebrews, because their widows were neglected in the daily service.
Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.
2 The twelve summoned the multitude of the disciples and said, “It is not appropriate for us to forsake the word of God and serve tables.
Tinawag ng labing dalawang apostol ang marami sa kanilang mga alagad at sinabi, ''Hindi nararapat para sa amin na pabayaan ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.
3 Therefore, select from among you, brothers, seven men of good report, full of the Holy Spirit and of wisdom, whom we may appoint over this business.
Mga kapatid, nararapat na pumili kayo ng pitong mga lalaki na mula sa inyo, mga lalaking may mabubuting pagkatao, puspos ng Espiritu at karunungan, na maaari naming ilagay sa trabahong ito.
4 But we will continue steadfastly in prayer and in the ministry of the word.”
Ngunit kami ay palaging magpapatuloy sa pananalangin at sa ministeryo ng salita.”
5 These words pleased the whole multitude. They chose Stephen, a man full of faith and of the Holy Spirit, Philip, Prochorus, Nicanor, Timon, Parmenas, and Nicolaus, a proselyte of Antioch,
Nalugod ang lahat ng maraming tao sa kanilang pananalita, kaya pinili nila si Esteban ang lalaking puno ng pananampalataya at ng banal na Espiritu, at si Felipe, si Procorus, si Nicanor, si Timon, si Parmenas, at Nicolas, ang nahikayat na magbago ng paniniwala mula sa Antioquia.
6 whom they set before the apostles. When they had prayed, they laid their hands on them.
Dinala ng mga mananampalataya ang mga kalalakihang ito sa harap ng mga apostol, ang mga nanalangin at nagpatong ng kamay sa kanila.
7 The word of God increased and the number of the disciples greatly multiplied in Jerusalem. A great company of the priests were obedient to the faith.
Kaya't lumaganap ang salita ng Diyos, at lubhang dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem; at naging masunurin sa pananampalataya ang malaking bilang ng mga pari.
8 Stephen, full of faith and power, performed great wonders and signs among the people.
Ngayon si Esteban, na puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumagawa ng mga kamanghamanghang bagay at mga palatandaan sa gitna ng mga tao.
9 But some of those who were of the synagogue called “The Libertines”, and of the Cyrenians, of the Alexandrians, and of those of Cilicia and Asia arose, disputing with Stephen.
Ngunit may ilang mga tao na kabilang sa sinagoga na tinawag na ang sinagoga ng mga Taong Pinalaya, ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ilang mga taga Cilicia, at taga Asya. Nakikipagtalo ang mga taong ito kay Esteban.
10 They weren’t able to withstand the wisdom and the Spirit by which he spoke.
Ngunit hindi nila kayang sumagot laban sa karunungan at sa Espiritu kung paano nagsalita si Esteban.
11 Then they secretly induced men to say, “We have heard him speak blasphemous words against Moses and God.”
Pagkatapos palihim nilang hinikayat ang ilang mga lalaki upang sabihin, ''Narinig naming nagsalita si Esteban ng mga salitang paglapastangan laban kay Moises at laban sa Diyos.''
12 They stirred up the people, the elders, and the scribes, and came against him and seized him, then brought him in to the council,
Inudyukan nila ang mga tao, ang mga matatanda, at ang mga eskriba, at hinarap nila si Esteban, sinunggaban siya, at dinala sa konseho.
13 and set up false witnesses who said, “This man never stops speaking blasphemous words against this holy place and the law.
Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, “Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan.
14 For we have heard him say that this Jesus of Nazareth will destroy this place, and will change the customs which Moses delivered to us.”
Sapagkat narinig namin siya na nagsasabing sisirain ni Jesus ng Nazaret ang lugar na ito at papalitan ang kaugalian na ipinasa sa atin ni Moises.''
15 All who sat in the council, fastening their eyes on him, saw his face like it was the face of an angel.
Ang lahat ng nakaupo sa konseho ay nakatutok ang kanilang mga mata sa kaniya at nakita nilang ang kaniyang mukha ay katulad ng sa mukha ng anghel.

< Acts 6 >