< 2 Corinthians 3 >

1 Are we beginning again to commend ourselves? Or do we need, as do some, letters of commendation to you or from you?
Sinisimulan ba naming papurihang muli ang aming mga sarili? Hindi namin kailangan ng mga liham ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo, tulad ng ibang tao, hindi ba?
2 You are our letter, written in our hearts, known and read by all men,
Kayo mismo, ang aming liham ng rekomendasyon, nasusulat sa aming mga puso, alam at nababasa sa pamamagitan ng lahat ng tao.
3 being revealed that you are a letter of Christ, served by us, written not with ink, but with the Spirit of the living God; not in tablets of stone, but in tablets that are hearts of flesh.
At pinakita ninyo na kayo ay liham mula kay Cristo, na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito ay naisulat hindi sa tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na buhay. Hindi ito nasusulat sa tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng puso ng mga tao.
4 Such confidence we have through Christ toward God,
At ito ang tiwala na mayroon kami sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
5 not that we are sufficient of ourselves to account anything as from ourselves; but our sufficiency is from God,
Wala kaming kakayahan sa aming mga sarili upang angkinin ang anumang bagay na galing mula sa amin. Sa halip, ang aming kakayahan ay mula sa Diyos.
6 who also made us sufficient as servants of a new covenant, not of the letter but of the Spirit. For the letter kills, but the Spirit gives life.
ito ang Diyos na siyang gumawa na makaya naming kami ay maging mga lingkod ng isang bagong tipan. Ito ang tipan na hindi isang sulat ngunit ng Espiritu. Dahil ang sulat ay nakamamatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 But if the service of death, written engraved on stones, came with glory, so that the children of Israel could not look steadfastly on the face of Moses for the glory of his face, which was passing away,
Ngayon ang gawa ng kamatayan na nakaukit sa mga salita sa ibabaw ng bato ay dumating ng may kaluwalhatian na ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Moises. Dahil ito sa kaluwalhatiang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaluwalhatian na naglalaho.
8 won’t service of the Spirit be with much more glory?
Hindi ba't ang mga gawa ng Espiritu ay siyang higit na maluwalhati?
9 For if the service of condemnation has glory, the service of righteousness exceeds much more in glory.
Dahil kung ang paglilingkod ng kahatulan ay may kaluwalhatian, gaano pa kaya nananagana ang paglilingkod ng katuwiran sa kaluwalhatian!
10 For most certainly that which has been made glorious has not been made glorious in this respect, by reason of the glory that surpasses.
Dahil sa katunayan, ang minsang naging maluwalhati ay hindi na naging maluwalhati sa paraang ito, dahil sa kaluwalhatian na humigit dito.
11 For if that which passes away was with glory, much more that which remains is in glory.
Dahil kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, gaano pa ang nananatili sa kaluwalhatian!
12 Having therefore such a hope, we use great boldness of speech,
Dahil mayroon tayong pag-asa, napakatapang natin.
13 and not as Moses, who put a veil on his face so that the children of Israel wouldn’t look steadfastly on the end of that which was passing away.
Hindi tayo tulad ni Moises, na naglagay ng takip sa kaniyang mukha, upang ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng tuwid sa katapusan ng isang kaluwalhatian na naglalaho.
14 But their minds were hardened, for until this very day at the reading of the old covenant the same veil remains, because in Christ it passes away.
Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito.
15 But to this day, when Moses is read, a veil lies on their heart.
Ngunit hanggang ngayon, sa tuwing si Moises ay mababasa isang takip ang tinataglay nila sa kanilang mga puso.
16 But whenever someone turns to the Lord, the veil is taken away.
Ngunit kapag ang isang tao ay bumalik sa Panginoon, ang takip sa mukha ay matatanggal.
17 Now the Lord is the Spirit; and where the Spirit of the Lord is, there is liberty.
Ngayon ang Panginoon ay ang Espiritu. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan.
18 But we all, with unveiled face seeing the glory of the Lord as in a mirror, are transformed into the same image from glory to glory, even as from the Lord, the Spirit.
Ngayon tayong lahat na walang takip sa mga mukha ay makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon. Binago tayo sa parehong larawan ng kaluwalhatian mula sa isang uri ng antas ng kaluwalhatian tungo sa isa pa, tulad ng mula sa Panginoon, na Espiritu.

< 2 Corinthians 3 >