< Psalms 26 >

1 By David. Judge me, LORD, for I have walked in my integrity. I have trusted also in the LORD without wavering.
Hatulan mo ako, Yahweh, dahil lumakad ako nang may dangal; Nagtiwala ako kay Yahweh nang walang pag-aalinlangan.
2 Examine me, LORD, and prove me. Try my heart and my mind.
Siyasatin mo ako, Yahweh, at ako ay iyong subukin; subukin mo ang kadalisayan ng aking mga kaloob-looban at ang aking puso!
3 For your loving kindness is before my eyes. I have walked in your truth.
Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harap ng aking mga mata, at ako ay lumalakad sa iyong katotohanan.
4 I have not sat with deceitful men, neither will I go in with hypocrites.
Hindi ako nakikisama sa mga mandaraya, o nakikisalamuha sa mga hindi tapat.
5 I hate the assembly of evildoers, and will not sit with the wicked.
Napopoot ako sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako nakikipamuhay sa mga masasama.
6 I will wash my hands in innocence, so I will go about your altar, LORD,
Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan, at pumupunta ako sa paligid ng iyong altar, Yahweh,
7 that I may make the voice of thanksgiving to be heard and tell of all your wondrous deeds.
para umawit ng isang malakas na awitin ng papuri at ibalita ang lahat ng iyong mga kahanga-hangang mga gawa.
8 LORD, I love the habitation of your house, the place where your glory dwells.
Yahweh, mahal ko ang tahanan kung saan ka naninirahan, ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Don’t gather my soul with sinners, nor my life with bloodthirsty men
Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo,
10 in whose hands is wickedness; their right hand is full of bribes.
kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol.
11 But as for me, I will walk in my integrity. Redeem me, and be merciful to me.
Pero para sa akin, lalakad ako nang may dangal; tubusin mo ako at maawa ka sa akin.
12 My foot stands in an even place. In the congregations I will bless the LORD.
Nakatayo ang aking paa sa pantay na tuntungan; sa mga kapulungan ay pupurihin ko si Yahweh!

< Psalms 26 >