< Luke 4 >

1 And Jesus being full of the Holy Spirit, returned from Jordan, and was led by the Spirit into the wilderness,
Nang si Jesus ay na puspos ng Banal na Espiritu, bumalik siya mula sa ilog Jordan at pinangunahan ng Espiritu sa ilang
2 Being forty days tempted by the devil. And in those days he ate nothing; and when they were ended, he was afterward hungry.
sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ng diyablo. Sa mga araw na iyon, hindi siya kumain ng anuman at sa huling mga araw siya ay nagutom.
3 And the devil said to him, If thou art the Son of God, command this stone that it be made bread.
Sinabi ng diyablo sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.”
4 And Jesus answered him, saying, It is written, That man shall not live by bread alone, but by every word of God.
Sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, 'Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.”'
5 And the devil taking him up upon a high mountain, showed to him all the kingdoms of the world in a moment of time.
At dinala siya ng diyablo sa mataas na lugar, at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng mundo nang ilang sandali.
6 And the devil said to him, All this power will I give thee, and the glory of them: for that is delivered to me, and to whomsoever I will, I give it.
Sinabi ng diyablo sa kaniya, “Bibigyan kita ng kapangyarihang mamuno sa lahat ng mga kahariang ito, pati na ang kanilang kadakilaan. Kaya kong gawin ito dahil ibinigay ang mga ito sa akin upang pamunuan, at maaari ko itong ibigay sa sinumang gustuhin ko.
7 If thou therefore wilt worship me, all shall be thine.
Kaya kung ikaw ay yuyuko at sasamba sa akin, ang lahat ng ito ay mapapasaiyo.”
8 And Jesus answered and said to him, Get thee behind me, Satan: for it is written, Thou shalt worship the Lord thy God, and him only shalt thou serve.
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.”'
9 And he brought him to Jerusalem, and set him on a pinnacle of the temple, and said to him, If thou art the son of God, cast thyself down from hence.
Pagkatapos dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at inilagay siya sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula dito,
10 For it is written, He will give his angels charge over thee, to keep thee:
Sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang alagaan ka at ingatan ka,'
11 And in [their] hands they will bear thee up, lest at any time thou dash thy foot against a stone.
at, 'Iaangat ka nila sa kanilang mga kamay, upang hindi tumama ang iyong paa sa bato '.”
12 And Jesus answering, said to him, It is said, Thou shalt not tempt the Lord thy God.
Sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Nasasabi, 'Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos.”'
13 And when the devil had ended all the temptation, he departed from him for a season.
Nang matapos tuksuhin ng diyablo si Jesus, umalis siya at iniwanan siya hanggang sa ibang pagkakataon.
14 And Jesus returned in the power of the spirit into Galilee: and there went out a fame of him through all the surrounding region.
Pagkatapos, bumalik si Jesus sa Galilea as kapangyarihan ng Espiritu, at kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong paligid ng rehiyon.
15 And he taught in their synagogues, being glorified by all.
Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, at ang bawat isa ay nagpuri sa kaniya.
16 And he came to Nazareth, where he had been brought up: and, as his custom was, he went into the synagogue on the sabbath, and stood up to read.
Isang araw, siya ay pumunta sa Nazaret, ang lungsod na kung saan siya pinalaki. Sa kaniyang nakagawian, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga, at tumayo upang basahin ang kasulatan.
17 And there was delivered to him the book of the prophet Isaiah. And when he had opened the book, he found the place where it was written,
Ang balumbon ni propeta Isaias ay iniabot sa kaniya, kaya binuksan niya ang balumbon at nakita ang bahagi kung saan nakasulat,
18 The spirit of the Lord [is] upon me, because he hath anointed me to preach the gospel to the poor; he hath sent me to heal the broken-hearted, to preach deliverance to the captives, and recovering of sight to the blind, to set at liberty them that are bruised,
“Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, dahil itinalaga niya ako upang ipangaral ang magandang balita sa mga mahihirap. Isinugo niya ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag, at manumbalik ang paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi,
19 To preach the acceptable year of the Lord.
ipahayag ang pinagpalang panahon ng Panginoon.”
20 And he closed the book, and he gave [it] again to the minister, and sat down. And the eyes of all them that were in the synagogue were fastened on him.
Pagkatapos ay inirolyo niya ang kasulatang binalumbon, ibinalik sa tagapangasiwa ng sinagoga, at umupo. Ang mga mata ng lahat ng tao sa sinagoga ay nakatuon sa kaniya.
21 And he began to say to them, This day is this scripture fulfilled in your ears.
Siya ay nagsimulang magsalita sa kanila, “Ngayon itong kasulatan ay natupad sa inyong pandinig.”
22 And all bore him testimony, and wondered at the gracious words which proceeded out of his mouth. And they said, Is not this Joseph's son?
Bawat isa sa kanila ay nasaksihan ang lahat ng kaniyang mga sinabi at lahat sila ay namangha sa mga mapagpalang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinasabi nila, “Ito ay anak lamang ni Jose, hindi ba?”
23 And he said to them, Ye will surely say to me this proverb, Physician, heal thyself: whatever we have heard done in Capernaum, do also here in thy country.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan.”'
24 And he said, Verily I say to you, No prophet is accepted in his own country.
Sinabi din niya, “Tapat kong sinasabi sa inyo, walang propeta ang tinanggap sa sarili niyang bayan.
25 But I tell you in truth, many widows were in Israel in the days of Elijah, when the heaven was shut three years and six months when great famine was throughout all the land:
Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan na maraming mga balo sa Israel sa panahon ni Elias, noong sumara ang kalangitan na walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon, noong nagkaroon ng matinding taggutom sa lahat ng kalupaan.
26 But to none of them was Elijah sent, save to Sarepta, [a city] of Sidon, to a woman [that was] a widow.
Ngunit hindi ipinadala si Elias sa kahit sinuman sa kanila, ngunit sa isang balo lamang na naninirahan sa Sarepta na malapit sa lungsod ng Sidon.
27 And many lepers were in Israel in the time of Elisha the prophet; and none of them was cleansed, saving Naaman the Syrian.
Mayroon ding maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo, ngunit wala sa kanila ang gumaling maliban kay Naaman na taga-Siria.”
28 And all they in the synagogue, when they heard these things, were filled with wrath,
Lahat ng tao sa sinagoga ay napuno ng matinding galit nang marinig nila ang mga bagay na ito.
29 And rose up, and thrust him out of the city, and led him to the brow of the hill on which their city was built, that they might cast him down headlong.
Tumayo sila at ipinagtabuyan siya paalis ng lungsod, at dinala siya sa gilid ng burol kung saan itinayo ang kanilang lungsod, upang siya ay maari nilang ihulog sa bangin.
30 But he passing through the midst of them, went away,
Ngunit siya ay lumakad palusot sa kanilang kalagitnaan at siya ay umalis.
31 And came down to Capernaum, a city of Galilee, and taught them on the sabbath-days.
At siya ay bumaba patungong Capernaum, isang lungsod ng Galilea. Sa isang Araw ng Pamamahinga siya ay nagturo sa mga tao sa sinagoga.
32 And they were astonished at his doctrine: for his word was with power.
Sila ay namangha sa kaniyang itinuturo, dahil nagsalita siya nang may kapangyarihan.
33 And in the synagogue there was a man who had a spirit of an unclean demon; and he cried out with a loud voice,
Ngayon, sa sinagoga sa araw na iyon may isang tao na may espiritu ng maruming demonyo, at siya ay sumigaw nang may malakas na tinig,
34 Saying, Let [us] alone; what have we to do with thee, Jesus of Nazareth? art thou come to destroy us? I know thee who thou art, the Holy One of God.
“Ano ang nais mong gawin sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Ikaw ba ay pumarito para kami ay puksain? Alam ko kung sino ka! Ikaw ang Banal ng Diyos!”
35 And Jesus rebuked him, saying, Hold thy peace, and come out of him. And when the demon had thrown him in the midst, he came out of him, and hurt him not.
Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi, “Manahimik ka at lumabas ka sa kaniya!” Nang naihagis ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, siya ay lumabas mula sa kaniya na walang nangyaring masama sa lalaki.
36 And they were all amazed, and spoke among themselves, saying, What a word [is] this! for with authority and power he commandeth the unclean spirits, and they come out.
Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, “Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas.”
37 And the fame of him went out into every place of the surrounding country.
Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.
38 And he arose out of the synagogue, and entered into Simon's house. And the mother of Simon's wife was taken with a violent fever; and they besought him for her.
Pagkatapos, umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Ngayon, ang biyenan ni Simon ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat, at sila ay nakiusap para sa kaniya.
39 And he stood over her, and rebuked the fever; and it left her: and immediately she arose and ministered to them.
Kaya tumayo siya malapit sa kaniya at sinaway ang kaniyang lagnat, at umalis ito. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanila.
40 Now when the sun was setting, all they that had any sick with divers diseases, brought them to him: and he laid his hands on every one of them, and healed them.
Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling.
41 And demons also came out of many, crying out, and saying, Thou art Christ the Son of God. And he rebuking [them], suffered them not to speak: for they knew that he was Christ.
May mga demonyo din na lumabas mula sa kanila, sumusigaw at nagsasabi, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Sinaway ni Jesus ang mga demonyo at hindi niya sila pinayagang magsalita, dahil alam nila na siya ang Cristo.
42 And when it was day, he departed, and went into a desert place; and the people sought him, and came to him, and stayed him, that he should not depart from them.
Nang dumating ang dapit-umaga, pumunta siya sa isang tahimik na lugar. Maraming mga tao ang naghahanap sa kaniya at pumunta kung saang lugar siya naroon. Sinubukan nila na pigilan siya sa pag-alis sa kanila.
43 And he said to them, I must preach the kingdom of God to other cities also, for therefore am I sent.
Ngunit sinabi niya sa kanila, “Dapat ko ring ipangaral ang magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang lungsod, dahil ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito.”
44 And he preached in the synagogues of Galilee.
At siya ay nagpatuloy na nangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.

< Luke 4 >