< Jeremiah 13 >

1 Thus saith the LORD to me, Go and get for thee a linen girdle, and put it upon thy loins, and put it not in water.
Sinabi ito sa akin ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili ng isang lino na damit-panloob at isuot mo ito sa palibot ng iyong baywang, ngunit huwag mo muna itong ilagay sa tubig.”
2 So I procured a girdle according to the word of the LORD, and put [it] on my loins.
Kaya bumili ako ng isang damit-panloob gaya ng iniutos ni Yahweh at isinuot ko ito sa palibot ng aking baywang.
3 And the word of the LORD came to me the second time, saying,
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin sa pangalawang pagkakataon at sinabi,
4 Take the girdle that thou hast procured, which [is] upon thy loins, and arise, go to Euphrates, and hide it there in a hole of the rock.
“Kunin mo ang damit-panloob na iyong binili na nakapalibot sa iyong baywang, tumayo ka at maglakbay sa Eufrates. Itago mo ito doon sa siwang ng isang bato.”
5 So I went, and hid it by Euphrates, as the LORD commanded me.
Kaya pumunta ako at itinago ito sa Eufrates gaya ng iniutos sa akin ni Yahweh.
6 And it came to pass after many days, that the LORD said to me, Arise, go to Euphrates, and take the girdle from thence, which I commanded thee to hide there.
Makalipas ang maraming araw, sinabi sa akin ni Yahweh, “Tumayo ka at bumalik sa Eufrates. Kunin mo mula doon ang damit-panloob na sinabi kong itago mo.”
7 Then I went to Euphrates, and digged, and took the girdle from the place where I had hid it: and behold, the girdle was marred, it was profitable for nothing.
Kaya, bumalik ako sa Eufrates at hinukay ang damit-panloob kung saan ko ito itinago. Ngunit, masdan mo! Nawasak ang damit-panloob, hindi na ito maganda.
8 Then the word of the LORD came to me, saying,
At muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
9 Thus saith the LORD, After this manner will I mar the pride of Judah, and the great pride of Jerusalem.
“Sinasabi ito ni Yahweh: Sa parehong paraan, wawasakin ko ang labis na kayabangan ng Juda at Jerusalem.
10 This evil people, who refuse to hear my words, who walk in the imagination of their heart, and walk after other gods, to serve them, and to worship them, shall even be as this girdle, which is good for nothing.
Ang mga masasamang taong ito na tumangging makinig sa aking mga salita, mga taong lumalakad sa katigasan ng kanilang mga puso, mga taong sumusunod sa ibang mga diyos upang sumamba at yumukod sa kanila, magiging katulad sila ng damit-panloob na ito na maganda na naging walang halaga.
11 For as the girdle cleaveth to the loins of a man, so have I caused to cleave to me the whole house of Israel and the whole house of Judah, saith the LORD; that they might be to me for a people, and for a name, and for a praise, and for a glory: but they would not hear.
Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa ko ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihan at karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
12 Therefore thou shalt speak to them this word; Thus saith the LORD God of Israel, Every bottle shall be filled with wine: and they shall say to thee, Do we not certainly know that every bottle shall be filled with wine?
Kaya dapat mong sabihin ang salitang ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Mapupuno ng alak ang bawat banga.' Sasabihin nila sa iyo, 'Hindi nga ba talaga namin alam na mapupuno ng alak ang bawat banga?'
13 Then shalt thou say to them, Thus saith the LORD, Behold, I will fill all the inhabitants of this land, even the kings that sit upon David's throne, and the priests, and the prophets, and all the inhabitants of Jerusalem, with drunkenness.
Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, pupunuin ko ng kalasingan ang bawat naninirahan sa lupaing ito, ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, ang mga pari, ang mga propeta, at ang lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem.
14 And I will dash them one against another, even the fathers and the sons together, saith the LORD: I will not pity, nor spare, nor have mercy, but destroy them.
At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
15 Hear ye, and give ear; be not proud: for the LORD hath spoken.
Makinig kayo at bigyang pansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkat sinasabi Yahweh.
16 Give glory to the LORD your God, before he shall cause darkness, and before your feet stumble upon the dark mountains, and while ye look for light, he shall turn it into the shades of death, [and] make [it] gross darkness.
Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
17 But if ye will not hear it, my soul shall weep in secret places for [your] pride; and my eye shall weep bitterly, and run down with tears, because the LORD'S flock is carried away captive.
Kaya, kung hindi kayo makikinig, iiyak akong mag-isa dahil sa inyong kayabangan. Tiyak na iiyak ako at dadaloy ang mga luha mula sa aking mga mata, sapagkat mabibihag ang mga kawan ni Yahweh.
18 Say to the king and to the queen, Humble yourselves, sit down: for your principalities shall come down, [even] the crown of your glory.
“Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'
19 The cities of the south shall be shut up, and none shall open [them]; Judah shall be carried away captive all of it, it shall be wholly carried away captive.
Maisasara ang mga lungsod sa Negev at walang sinuman ang makapagbubukas ng mga ito. Mabibihag ang mga taga-Juda at ipapatapon ang lahat ng nasa kaniya.
20 Lift up your eyes, and behold them that come from the north: where [is] the flock [that] was given thee, thy beautiful flock?
Imulat mo ang iyong mga mata at pagmasdan ang mga parating mula sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay niya sa iyo, ang kawan na pinakamaganda sa iyo?
21 What wilt thou say when he shall punish thee? for thou hast taught them [to be] captains, [and] as chief over thee: shall not sorrows take thee, as a woman in travail?
Ano ang sasabihin mo kapag inilagay ng Diyos sa iyong itaas ang mga inaakala mong mga kaibigan mo? Hindi ba ito ang umpisa ng mga paghihirap na sasakop sa iyo gaya ng isang babaing nanganganak?
22 And if thou shalt say in thy heart, Why come these things upon me? For the greatness of thy iniquity are thy skirts uncovered, [and] thy heels made bare.
At maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito?' Sapagkat dahil ito sa napakarami mong kasamaan na itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka.
23 Can the Ethiopian change his skin, or the leopard his spots? [then] may ye also do good, that are accustomed to do evil.
Maaari bang baguhin ng mga tao sa Cus ang kulay ng kanilang balat o baguhin ng isang leopardo ang kaniyang mga batik? Kung gayon, ikaw mismo, kaya mong gumawa ng kabutihan bagaman nasanay ka sa kasamaan.
24 Therefore will I scatter them as the stubble that passeth away by the wind of the wilderness.
Kaya, ikakalat ko sila tulad ng mga ipa na naglalaho sa hangin sa disyerto.
25 This [is] thy lot, the portion of thy measures from me, saith the LORD; because thou hast forgotten me, and trusted in falsehood.
Ito ang ibinigay ko sa inyo, ang bahagi na iniatas ko para sa inyo, dahil kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa kasinungalingan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
26 Therefore will I uncover thy skirts upon thy face, that thy shame may appear.
Kaya, ako rin mismo ang huhubad ng inyong mga palda at makikita ang mga maseselang bahagi ng inyong katawan.
27 I have seen thy adulteries, and thy neighings, the enormity of thy lewdness, [and] thy abominations on the hills in the fields. Woe to thee O Jerusalem! wilt thou not be made clean? when [shall it] once [be]?
Ang inyong pangangalunya at paghalinghing, ang inyong kahiya-hiyang kahalayan sa mga burol at sa mga parang! Ilalantad ko ang mga ito, ang mga nakasusuklam na mga bagay na ito! Kaawa-awa ka, Jerusalem! Hindi ka pa malinis. Gaano katagal ito magpapatuloy?”

< Jeremiah 13 >