< Esther 8 >

1 [Later] on that same day, King Xerxes declared that everything that Haman, the enemy of the Jews, owned, would now belong to Queen Esther. Esther told the king that Mordecai was her cousin. [When] the king [heard that, he sent a message to tell] Mordecai to come in.
Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina. At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari; sapagka't isinaysay ni Esther kung ano niya siya.
2 When Mordecai came in, the king took off the ring that had his official seal on it, the ring that he had [previously] given to Haman, and gave it to Mordecai, [to indicate that Mordecai was now his most important official]. And Esther appointed Mordecai to be in charge of everything that had belonged to Haman.
At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman, at ibinigay kay Mardocheo. At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman.
3 Esther again [came to] talk to the king. She prostrated herself at his feet, crying. She [wanted to] plead for him to stop what Haman had planned, to kill all the Jews.
At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari, at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at ipinamanhik sa kaniya na may luha, na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo, at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio.
4 The king held out his gold scepter/staff toward Esther, so Esther arose and stood in front of him.
Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari.
5 She said, “Your majesty, if you are pleased with me, and if you think that it is the right thing to do, make a new law to cancel what Haman decreed, that all the Jews in all the provinces in your empire should be killed.
At sinabi niya, Kung kinalulugdan ng hari at kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin, at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari, at ako'y nakalulugod sa kaniyang mga mata, masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata, na Agageo, na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari:
6 I cannot bear seeing all my family and [all the rest of] my people killed.”
Sapagka't paanong ako'y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan? o paanong ako'y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan?
7 King Xerxes replied to Queen Esther and Mordecai, “Because Haman tried to get rid of all the Jews, I have given to Esther everything that belonged to Haman, and I have ordered [my soldiers] to hang Haman.
Nang magkagayo'y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina, at kay Mardocheo na Judio: Narito, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman, at siya ang kanilang binitay sa bibitayan, sapagka't siya'y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio.
8 So now I am also permitting you to write other letters, to [save] your people. You may put my name [on the letters], and use my ring to seal them because no letter that has my name on it and which is sealed with my ring can ever be changed.”
Sumulat naman kayo sa mga Judio, kung anong maibigan ninyo sa pangalan ng hari, at tatakan ninyo ng singsing ng hari: sapagka't ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari, at natatakan ng singsing ng hari ay walang taong makatitiwali.
9 Then the king summoned his secretaries, on June 25th, and [Mordecai told them to] write letters to the Jews and to all the governors and other officials in all of the 127 provinces, which extended from India [in the east] to Ethiopia [in the west]. They wrote these letters in all the languages that the people in each area spoke. They also wrote letters to the Jewish people, in their language.
Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon, sa ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, nang ikadalawang pu't tatlo niyaon; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa, at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia, na isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa wika nila, at sa mga Judio ayon sa sulat nila, at ayon sa wika nila.
10 They wrote in those letters that the Jews in every city were permitted by the king to gather together to protect themselves. They also were permitted to kill any group of soldiers who attacked them. They were also permitted to kill the women and children of those who attacked them, and to take the possessions of the people whom they killed.
At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero, at tinatakan ng singsing ng hari, at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari, at sa mga batang dromedario;
Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa't bayan, na magpipisan, at ipagsanggalang ang kanilang buhay, upang magpahamak, pumatay, at magpalipol, sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila, sa kanilang mga bata at mga babae, at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli,
12 [All this was to be done] on March 7th of the following year. Mordecai signed the king’s name on the letters, and sealed them with the seal that was on the king’s ring. Then he gave them to messengers, who rode on fast horses that had been raised especially for the king.
Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar.
13 Copies of this law were to be nailed to posts in every province and read to all the people, in order that the Jews would be ready to (get revenge on/fight against) their enemies on March 7th.
Isang salin ng sulat na ang pasiya'y ihayag sa bawa't lalawigan, ay nahayag sa lahat ng mga bayan, at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway.
14 The king commanded the men who took these letters [to all the provinces] to ride quickly on the king’s horses. And copies of the letter were also posted and read to the people in [the capital city, ] Susa.
Sa gayo'y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas, na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari.
15 Before Mordecai left the palace, he put on the blue and white robe and a large gold crown that the king had given him. He also put on a coat made of fine purple cloth. When the people in Susa heard the new law, they all shouted and cheered.
At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto, at may balabal na mainam na lino at kulay ube: at ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa.
16 The Jews in Susa were very happy, and [other people] honored [them].
Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan, at ng kagalakan at ng karangalan.
17 And when the new law arrived in every city and province, the Jews there celebrated and prepared feasts and were very joyful. And many men throughout the empire [were circumcised and] became Jews, because they were now afraid of [what] the Jews [would do to them if they were not Jews].
At sa bawa't lalawigan, at sa bawa't bayan, saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya, ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan, ng kapistahan at mabuting araw. At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio; sapagka't ang takot sa mga Judio ay suma kanila.

< Esther 8 >