< Deuteronomy 21 >

1 “Suppose someone has been murdered in a field in the land that Yahweh our God is giving to you, and you do not know who killed that person.
Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya:
2 [If that happens], your elders and judges must go out to where that person’s corpse was found and measure the distance from there to each of the nearby towns.
Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay:
3 Then the elders in the town that is closest to where the corpse was found must select a young cow that has never been used for doing work.
At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok;
4 They must take it to a place near a stream where the ground has never been plowed or planted. They must break its neck there in that valley.
At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis:
5 The priests must go there also, because Yahweh our God has chosen them from the tribe of Levi to serve him and to be his representatives [MTY] when they bless people. And he has also chosen them to settle disputes in which someone has been injured.
At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:
6 The elders from the closest town must wash their hands over the young cow whose neck was broken,
At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis:
7 and they must say, ‘We did not murder this person [MTY], and we did not see who did it.
At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata.
8 Yahweh, forgive us, your Israeli people whom you rescued [from Egypt]. Do not consider (us to be guilty/that we should be punished because) of murdering someone who (is innocent/had not done something that is wrong). Instead, forgive us.’
Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila.
9 By doing that, you will be doing what Yahweh considers to be right, and you will not be considered to be guilty for murdering that person.”
Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
10 “When you [soldiers] go to fight against your enemies, and Yahweh our God enables you to defeat them [IDM], and (they become your prisoners/you capture them),
Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag,
11 one of you may see among them a beautiful woman that he likes, and he may want to marry her.
At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa,
12 He should take her to his home, and there she must shave [all the hair off] her head and cut her fingernails [to signify that now she does not belong to her people-group any more, but instead she is becoming an Israeli].
Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko;
13 She must take off the clothes that she was wearing when she was captured, [and put on Israeli clothes]. She must stay in that man’s house and mourn for a month because of [leaving] her parents. After that, he will be allowed to marry her.
At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa.
14 Later, if he no longer is pleased with her, he will be permitted to allow her to leave him. But because she was forced to have sex with him, he will not be allowed to treat her like a slave [and sell her to someone else].”
At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya.
15 “Suppose that a man has two wives, but he likes one of them and dislikes the other one. And suppose that they both give birth to sons, and the oldest son is the child of the woman that he does not like.
Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan:
16 On the day when that man decides how he will divide his possessions for his sons to possess [after he dies], he must not favor the son of the wife that he loves by giving him [a bigger share, ] the share that the older son should receive.
Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;
17 He must give to the older son, the son of the wife whom he does not like, twice as much of his possessions. That son is his firstborn son, and he must be given the share that he should receive because of his being that man’s firstborn son.”
Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.
18 “Suppose there is a boy who is very stubborn and always (rebelling against/disobeying) [his parents], and who will not heed what they say to him. And suppose that they punish him but he still does not pay attention to what they tell him [MTY].
Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:
19 If that happens, his parents must take him to the (gate of/central meeting place in) the city where he lives and have him stand in front of the elders of the city.
Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;
20 Then the parents must say to the elders of that city, ‘This son of ours is stubborn and always rebelling against us. He will not pay attention to what we tell him [MTY]. He wastes a lot of money (OR, eats too much food) and gets drunk.’
At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing.
21 Then all the elders of that city must execute him by throwing stones at him. By doing that, you will get rid of this evil practice among you. And everyone in Israel will hear [about what happened] and they will be afraid [to do what he did].”
At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.
22 “If someone is executed for having committed a crime for which he deserves to die, and you hang his corpse on a post,
Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;
23 you must not allow his corpse to remain there all night. You must bury it on the day that he died, because [God] has cursed anyone whose corpse is allowed to remain on a post. [You must bury the corpse that day], in order that you do not defile the land that Yahweh our God is giving to you.”
Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.

< Deuteronomy 21 >