< Daniel 1 >

1 After King Jehoiakim had been ruling in Judah for almost three years, King Nebuchadnezzar of Babylon came to Jerusalem [with his army] and surrounded the city.
Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.
2 [After two years, ] Yahweh allowed Nebuchadnezzar’s [soldiers] to capture Jehoiakim, [who was the] King of Judah. They also took some of the things that were in the temple of God, and took them to Babylonia. There Nebuchadnezzar put them in the temple of his god.
At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.
3 Then Nebuchadnezzar commanded Ashpenaz, the chief official in his palace, to bring [to him] some of the Israeli men [whom they had brought to Babylon. He wanted men] who belonged to important families, including the family of the King of Judah.
At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao;
4 [King Nebuchadnezzar wanted only] men who were very healthy, handsome/good-looking, wise, well-educated, capable of learning many things, and suitable for working in the palace. He also wanted to teach them the Babylonian language and have them read things that had been written in the Babylonian language.
Mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo.
5 The king commanded [his servants], “Give them the same kind of food and wine that is given to me. Train them for three years. Then they will become my servants.”
At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y mangakatayo sila sa harap ng hari.
6 Among the young Israeli men [who were chosen] were [me], Daniel, and Hananiah, Mishael, and Azariah, who all came from Judah.
Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si Ananias, si Misael, at si Azarias.
7 But Ashpenaz gave us [Babylonian] names. The name he gave to me was Belteshazzar, the name he gave to Hananiah was Shadrach, the name he gave to Mishael was Meshach, and the name he gave to Azariah was Abednego.
At pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating: kay Daniel ang ipinangalan ay Beltsasar, at kay Ananias ay Sadrach; at kay Misael ay Mesach; at kay Azarias ay Abed-nego.
8 But I decided that I would not eat the kind of food that the king ate, or drink the wine that he drank, because that would make me (ritually defiled/unacceptable to God). So I asked Ashpenaz to allow me to eat and drink other things.
Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.
9 God had caused Ashpenaz to greatly respect me,
Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating.
10 but he was worried about what I suggested. He said, “My master, the king, has commanded that you eat the kinds of food and drink that he does. If [you eat other things and as a result] you become more thin and pale than the other young men who are your age, he will [order his soldiers to] cut off my head because of what you have done!”
At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel, Ako'y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka't bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari.
11 Ashpenaz had ordered a guard to watch me, Hananiah, Mishael, and Azariah.
Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias:
12 So I said to this guard: “[Please] test us for ten days. [During that time] give us [only] vegetables to eat and water to drink.
Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.
13 After ten days, see how we look, and see how the other young men look, the ones who are eating the kind of food that the king eats. Then you can decide about [what food you will let us eat].”
Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
14 The guard agreed to do what I suggested, and he tested us like that for ten days.
Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.
15 After ten days, [he saw that] my three friends and I looked healthier [DOU] than the young men who had been eating the food that the king wanted them to eat.
At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
16 So after that, the guard gave us [only] vegetables to eat; he did not give us the king’s special food and wine.
Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.
17 And God gave to us four young men wisdom and the ability to study many things that Babylonians had written and studied. And [he also gave to] me the ability to understand the meaning of visions and dreams.
Tungkol nga sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip.
18 When those three years that the king had set for training us young men from Judah were ended, Ashpenaz brought all of us to King Nebuchadnezzar.
At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila, ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor.
19 The king talked with [each of] us, and realized that none of the other young men were as capable as Hananiah, Mishael, Azariah and I were. So we four became the king’s special advisors/servants.
At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at ni Azarias: kaya't sila'y nanganatili sa harap ng hari.
20 In all important matters, the king found that what we [four men] advised was ten times as good as what all the magicians and sorcerers/fortune-tellers in his kingdom advised.
At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian.
21 I remained [there serving the king more than 60 years], until the first year that Cyrus became king.
At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro.

< Daniel 1 >